Pops Fernandez nakipaglaro ng golf kina George Clooney at Jacky Chan
January 29, 2003 | 12:00am
All set na ang lahat para sa 18th birthday celebration ni Heart Evangelista on February 11 sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel. Halos kumpleto na ang 20 pairs na bubuo ng Cotillion de Honor na karamihan ay mga kasamahan ni Heart sa ABS-CBN Talent Center. Si Inno Sotto ang tatahi ng main gown at si Rhet Eala ang sa reception gown.
Ilan sa mga participants sa cotillion de honor ay sina Camille Prats, Nikki Valdez, Julia Clarete, Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, Angelene Aguilar, Serena Dalrymple, Sarah Christophers, Hazel Ann Mendoza, Bea Alonzo, Pia Romero, Princess Shuck, Alysson Lualhati, Glaiza de Castro, Karel Marquez, Nikki Judalena, Isabella Fabregas, Nicole Anderson, Nica Peralejo and Camille Ongpauco.
Sa boys naman, kasama sina Baron Geisler, Carlo Aquino, Rafael Rosell, Alwyn Uytingco, John Wayne Sace, Justin Cuyugan, Cholo Barretto, Ketchup Eusebio, John Barretto, Emman Abelleda, Rayver Cruz, Miko Aytona, Aaron Concepcion, Rex Agoncillo, Sergio Garcia, Ryan Ramos, Lance Castillo at Khalil Kaimo.
Iba pa siyempre ang bubuo ng 18 Roses and Candles na karamihan ay kapamilya ni Heart.
Huwag mag-alala ang mga fans ni Heart dahil gagawing isang TV special ang lahat ng magaganap sa debut party nito.
Speaking of Heart, dinumog ang Berks Grand Eyeball na ginawa sa SM Bacoor noong Sabado. Halos hindi magkamayaw ang tao sa tilian dahil sa kilig kina John at Heart. Marami namang napasaya ang dalawa at mga kasamahan nila sa said show.
Ang susunod na mall tour ng Berks ay sa SM Southmall sa Feburary 16.
Matutupad na ang pangarap ni Kaye Abad na magkaroon ng primetime soap opera. Kasama si Kaye sa bagong soap na pagbibidahan nina Jericho Rosales, Kristine Hermosa at Marvin Agustin. Pinaghahandaan na ngayon ang kuwento at support cast ng bagong soap na ito.
Matatandaan na bilang preparasyon, isinalang si Kaye sa Sa Dulo ng Walang Hanggan at naging positive ang feedback nito. Sa case ni Marvin, inilagay din ito sa Tabing Ilog para makita ang chemistry nila ni Kaye at muli, maganda ang feedback.
Ngayon ay love interest na ni Kaye si Marvin sa bagong soap ng ABS-CBN. Kaya pala medyo na-twist na ang kuwento ng Tabing Ilog at ini-establish na ang Kaye-Marvin team up. Hindi na rin bago na mai-pair si Kaye kay Marvin dahil minsan na silang nagkasama sa Sandaling Kailangan Mo Ako noon.
Ito na marahil ang matagal na hinihintay ng mga followers ni Kaye. Di bat matagal na silang umaalma dahil hindi pa nabibigyan ng right break si Kaye? Nagsentimyento ang mga ito na mas naunahan pa raw si Kaye ng ibang artista gayong original ito sa ABS-CBN.
Abangan na lang natin ang developments sa bagong soap ni Kaye kasama sina Jericho, Kristine at Marvin. Ang grupo ng Recuerdo de Amor ang mamamahala sa production nito.
Marami ang naka-miss kay Pops Fernandez sa ASAP two Sundays ago. Kami man ay hinanap namin ang kaibigan namin. We immediately texted her and we found out na nasa Singapore ito for a celebrity golf tournament for Caltex.
One Sunday lang daw siya mawawala at babalik din siya. Kaya last Sunday ay muli nang napanood ang Concert Queen sa ASAP. Ayon kay Pops, nakalaro niya sina George Clooney at Jacky Chan sa nasabing golf tourney. Nagkaroon na rin ng bakasyon si Pops dahil yun yung time na nagtapos na ang stint niya sa Morning Girls.
Sa pagkawala niya sa Morning Girls, nagkaroon ng time si Pops para sa kanyang sarili at pamilya. "Now, I have more time for my family and nakakatulog na rin ako ng longer hours. I have enough time to prepare for my projects like shows. Unlike noon na may daily show, nakakapagod talaga," sabi ni Pops.
Sa mga naka-miss ng Pops 2002, finally ay ipalalabas na ito sa Feb. 2, Sun. at 9:30 p.m. sa ABS-CBN. Maraming tagahanga si Pops na hindi napanood ito dahil sa naubusan ng tickets. Major event pa naman ito sa career ni Pops dahil celebration ito ng kanyang 20 years sa showbiz.
Ilan sa mga participants sa cotillion de honor ay sina Camille Prats, Nikki Valdez, Julia Clarete, Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, Angelene Aguilar, Serena Dalrymple, Sarah Christophers, Hazel Ann Mendoza, Bea Alonzo, Pia Romero, Princess Shuck, Alysson Lualhati, Glaiza de Castro, Karel Marquez, Nikki Judalena, Isabella Fabregas, Nicole Anderson, Nica Peralejo and Camille Ongpauco.
Sa boys naman, kasama sina Baron Geisler, Carlo Aquino, Rafael Rosell, Alwyn Uytingco, John Wayne Sace, Justin Cuyugan, Cholo Barretto, Ketchup Eusebio, John Barretto, Emman Abelleda, Rayver Cruz, Miko Aytona, Aaron Concepcion, Rex Agoncillo, Sergio Garcia, Ryan Ramos, Lance Castillo at Khalil Kaimo.
Iba pa siyempre ang bubuo ng 18 Roses and Candles na karamihan ay kapamilya ni Heart.
Huwag mag-alala ang mga fans ni Heart dahil gagawing isang TV special ang lahat ng magaganap sa debut party nito.
Speaking of Heart, dinumog ang Berks Grand Eyeball na ginawa sa SM Bacoor noong Sabado. Halos hindi magkamayaw ang tao sa tilian dahil sa kilig kina John at Heart. Marami namang napasaya ang dalawa at mga kasamahan nila sa said show.
Ang susunod na mall tour ng Berks ay sa SM Southmall sa Feburary 16.
Matatandaan na bilang preparasyon, isinalang si Kaye sa Sa Dulo ng Walang Hanggan at naging positive ang feedback nito. Sa case ni Marvin, inilagay din ito sa Tabing Ilog para makita ang chemistry nila ni Kaye at muli, maganda ang feedback.
Ngayon ay love interest na ni Kaye si Marvin sa bagong soap ng ABS-CBN. Kaya pala medyo na-twist na ang kuwento ng Tabing Ilog at ini-establish na ang Kaye-Marvin team up. Hindi na rin bago na mai-pair si Kaye kay Marvin dahil minsan na silang nagkasama sa Sandaling Kailangan Mo Ako noon.
Ito na marahil ang matagal na hinihintay ng mga followers ni Kaye. Di bat matagal na silang umaalma dahil hindi pa nabibigyan ng right break si Kaye? Nagsentimyento ang mga ito na mas naunahan pa raw si Kaye ng ibang artista gayong original ito sa ABS-CBN.
Abangan na lang natin ang developments sa bagong soap ni Kaye kasama sina Jericho, Kristine at Marvin. Ang grupo ng Recuerdo de Amor ang mamamahala sa production nito.
One Sunday lang daw siya mawawala at babalik din siya. Kaya last Sunday ay muli nang napanood ang Concert Queen sa ASAP. Ayon kay Pops, nakalaro niya sina George Clooney at Jacky Chan sa nasabing golf tourney. Nagkaroon na rin ng bakasyon si Pops dahil yun yung time na nagtapos na ang stint niya sa Morning Girls.
Sa pagkawala niya sa Morning Girls, nagkaroon ng time si Pops para sa kanyang sarili at pamilya. "Now, I have more time for my family and nakakatulog na rin ako ng longer hours. I have enough time to prepare for my projects like shows. Unlike noon na may daily show, nakakapagod talaga," sabi ni Pops.
Sa mga naka-miss ng Pops 2002, finally ay ipalalabas na ito sa Feb. 2, Sun. at 9:30 p.m. sa ABS-CBN. Maraming tagahanga si Pops na hindi napanood ito dahil sa naubusan ng tickets. Major event pa naman ito sa career ni Pops dahil celebration ito ng kanyang 20 years sa showbiz.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended