Bing na-in love kay Keempee?
January 27, 2003 | 12:00am
Sa January 29 na ang showing ng launching movie ni Katya Santos na Sukdulan ng Viva Films at ilang araw na siyang ninenerbyos kung tatanggapin ng mga tao ang kanyang pagbu-bold. Bukas, January 28, may invitational premiere night ito sa UP Film Center at lalo siyang ninenerbyos sa pag-attend.
Pero nagpapasalamat daw siya sa kanyang dalawang leading men na bukod sa mahuhusay umarte, very supportive at napaka-gentleman sa mga love scenes nila. Both Raymond Bagatsing and Carlo Maceda ay may nakahandang towel para takpan siya pagkatapos ng love scene. Hindi raw naman siya gaanong nailang sa mga love scenes niya sa dalawang aktor dahil nagkaroon sila ng workshop, na doon pa lamang, pinaghubad na siya ni Direk Mac sa harap ng dalawang katambal. Inamin niyang napaiyak siya noong una, pero after that, nasanay na rin siya.
Hindi naman siya nahirapang kumbinsihin ang kanyang parents na magbu-bold na siya ngayong shes already 20 years old. Alam daw ng Mommy niya at nasa set ito kapag kinukunan ang kanyang mga love scenes.
May nakahanda nang bagong movie na gagawin si Katya sa Viva Films at makakasama niya rito ang isa pang boldie, si Maui Taylor na bumalik na sa bakasyon niya mula sa London.
Ini-expect na namin ang napakaraming taong manonood ng concert na muling magri-reunite kina Martin Nievera at Pops Fernandez, mga tinaguriang "Concert King & Queen" ng bansa sa Araneta Coliseum sa February 21 and 22.
Tiyak na maraming nagdadasal na magkabalikan na ang dating mag-asawa since sila ang magkasama sa Valentines Day, kahit nagtatrabaho, rehearsing for the show sa February 15 sa ballroom ng Waterfront Hotel sa Cebu.
Kahit may balitang nagdi-date si Martin with Cutie del Mar at si Pops naman daw ay nakipagbalikan sa boyfriend na si Brad Turvey, naniniwala silang sa madalas na pagsasama nina Martin at Pops, muling babalik ang happy days nila at tiyak na ikatutuwa ito ng mga anak nilang sina Robin at Ram at ng mga Mommy nila.
Ngayon naman, si Bing Loyzaga ang naiintriga na shes playing beautiful music with Keempee de Leon. Katatapos lamang magsalita sa amin ni Bing tungkol sa issue na hiwalay na raw sila ng husband niyang si Janno Gibbs dahil daw na naman kay Regine Velasquez, at sabi niya, kaawaawa raw naman si Regine, nananahimik, nasabit na naman sa gulo. At sila man daw ay kaawaawa rin ni Janno dahil lagi na lamang silang pinaghihiwalay.
Kadarating lamang nilang mag-anak mula sa bakasyon nila sa Australia noong Christmas kaya paano raw sasabihing hiwalay na sila ni Janno. At ngayon daw bang hindi nagkatotoo ang balitang hiwalay na sila, siya naman ang igagawa ng intriga, na mayroon naman siyang relasyon kay Keempee. Ayaw na niyang patulan ang issue at ang masasabi raw niya, buo ang kanyang pamilya at pareho silang busy ni Janno sa kani-kailang show, kahit na magkaiba ang kanilang network na pinagtatrabahuhan.
Magka-partner ang Actors Workshop Foundation at Music Museum para sa presentation ng Mula Sa Pusod (pababa!) simula sa February 7, 8, 21, 22, 28 at sa March 1, 14 & 15, 9:00 p.m. sa Music Museum. Walang bayad ang lahat ng mga performer sa play dahil ang kikitain nila rito ay para sa educational program nila para sa mga talents na gustong matuto ng pag-arte pero walang kakayahang magbayad.
Muling ididirek ni Leo ang play na idinirek din niya nang unang itanghal ito noong 1984 na may title na Isterimenggoles!. Gaganap sina Toby Alejar at Rez Cortez bilang si Mr. Romeo Manibog; sina Gina Alajar at Anna Marin naman si Mrs. Alura Manibog; si Leo si Mr. Matalim Isip; Margo Montano at Cindy Zamora si Ruffa May Anonas; Geofrey Eigenmann at Rvee Reyes as Robin Binoy George at Sonny Alcantara si SPO1 Maligalig.
Pwede na ninyong mabili ang tickets sa Music Museum at P600 sa orchestra at P300 sa balcony, o tumawag sa Actors Workshop Foundation, 723-2287/412-2576.
Pero nagpapasalamat daw siya sa kanyang dalawang leading men na bukod sa mahuhusay umarte, very supportive at napaka-gentleman sa mga love scenes nila. Both Raymond Bagatsing and Carlo Maceda ay may nakahandang towel para takpan siya pagkatapos ng love scene. Hindi raw naman siya gaanong nailang sa mga love scenes niya sa dalawang aktor dahil nagkaroon sila ng workshop, na doon pa lamang, pinaghubad na siya ni Direk Mac sa harap ng dalawang katambal. Inamin niyang napaiyak siya noong una, pero after that, nasanay na rin siya.
Hindi naman siya nahirapang kumbinsihin ang kanyang parents na magbu-bold na siya ngayong shes already 20 years old. Alam daw ng Mommy niya at nasa set ito kapag kinukunan ang kanyang mga love scenes.
May nakahanda nang bagong movie na gagawin si Katya sa Viva Films at makakasama niya rito ang isa pang boldie, si Maui Taylor na bumalik na sa bakasyon niya mula sa London.
Tiyak na maraming nagdadasal na magkabalikan na ang dating mag-asawa since sila ang magkasama sa Valentines Day, kahit nagtatrabaho, rehearsing for the show sa February 15 sa ballroom ng Waterfront Hotel sa Cebu.
Kahit may balitang nagdi-date si Martin with Cutie del Mar at si Pops naman daw ay nakipagbalikan sa boyfriend na si Brad Turvey, naniniwala silang sa madalas na pagsasama nina Martin at Pops, muling babalik ang happy days nila at tiyak na ikatutuwa ito ng mga anak nilang sina Robin at Ram at ng mga Mommy nila.
Kadarating lamang nilang mag-anak mula sa bakasyon nila sa Australia noong Christmas kaya paano raw sasabihing hiwalay na sila ni Janno. At ngayon daw bang hindi nagkatotoo ang balitang hiwalay na sila, siya naman ang igagawa ng intriga, na mayroon naman siyang relasyon kay Keempee. Ayaw na niyang patulan ang issue at ang masasabi raw niya, buo ang kanyang pamilya at pareho silang busy ni Janno sa kani-kailang show, kahit na magkaiba ang kanilang network na pinagtatrabahuhan.
Muling ididirek ni Leo ang play na idinirek din niya nang unang itanghal ito noong 1984 na may title na Isterimenggoles!. Gaganap sina Toby Alejar at Rez Cortez bilang si Mr. Romeo Manibog; sina Gina Alajar at Anna Marin naman si Mrs. Alura Manibog; si Leo si Mr. Matalim Isip; Margo Montano at Cindy Zamora si Ruffa May Anonas; Geofrey Eigenmann at Rvee Reyes as Robin Binoy George at Sonny Alcantara si SPO1 Maligalig.
Pwede na ninyong mabili ang tickets sa Music Museum at P600 sa orchestra at P300 sa balcony, o tumawag sa Actors Workshop Foundation, 723-2287/412-2576.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended