Masama ang loob ng nanay ni Piolo
January 27, 2003 | 12:00am
Sa isang dinner na pinagsaluhan namin ni Mommy Amelia Pascual kasama ang ilang kaibigan sa panulat ay maraming kwentong-Piolo na binuksan ang ina ng gwapong aktor.
"Yung sinundan kasi niyang kapatid na si Patricia ang paborito ng daddy nila, kaya si Jay (Piolo), sa akin naman siya malapit.
"Sa tabi ko siya natutulog, sa dibdib ko talaga, dahil siya ang bunso. Sa akin talaga siya malapit," simula ni Mommy Amy.
Nang mamayapa ang ama ni Piolo ay mas naging malapit ang batang aktor sa kanyang ina, kahit saan magpunta si Mommy Amy ay kasama siya nito, kaya nang magdesisyon nang magtrabaho sa Amerika ang ina ni PJ ay hindi naging madali ang kanilang paghihiwalay.
Kaarawan ni Piolo nang lumipad papuntang Amerika si Mommy Amy, mula sa NAIA hanggang nang lumapag ito sa LAX sa Los Angeles, California ay iyak ito nang iyak.
"Literal akong umiyak nang umiyak sa kabuuang biyahe ko, naaalala ko ang mga anak ko, lalo na si Jay, dahil nun ko lang siya maiiwanan.
"Mugtung-mugto ang mga mata ko nung dumating ako sa Amerika, kapag nag-iisa ako, iyak na naman ako nang iyak!
"Nagpaka-busy ako nun para lang kahit pansamantala, e, hindi ako malungkot. Pero pag ako na lang ang nasa bahay, iyak na naman ako!
"Yung mga sulat nila sa akin nun, hindi ko binubuksan, makita ko pa lang kasi ang handwriting ng mga anak ko, napapaluha na ako.
"Nung magpunta na sila sa akin after five years, e, nagulat silang lahat, buong-buo pa ang mga sulat, hindi ko binuksan at binasa," kwento pa rin ng dakilang ina ni Piolo.
Sa madalas naming panayam kay Piolo ay madalas niyang sabihin sa amin, "I love my mom so dearly, I call her my baby."
At ganun din ang turing sa kanya ni Mommy Amy, sa pagbibinata ng kanyang bunso ay may mga pagkakataong sinusubuan pa nito ng pagkain ang batang aktor.
"May mga nagsasabi nga sa akin na bine-baby ko raw kasi si Jay, ang tanda-tanda na raw, e sinusubuan ko pa ng pagkain..
"Ang sa akin naman, e ano ba ang masama sa ginagawa ko? Mahal ko ang anak ko at isa yun sa mga paraan para maipakita ko sa kanya na mahal ko siya," kwento ni Mommy Amy.
Ngayong artista na ang kanyang anak, sa kanyang minsan sa isang taon na pag-uwi sa bansa ay nakikita nito kung paano magtrabaho si Piolo.
"Uuwi siya ng maaaga na, hell just get some sleep, then report for work na naman siya. Kung minsan nga, kapag mahimbing siyang natutulog, pinagmamasdan ko ang anak ko.
"Pagod na pagod siya, parang gusto ko na siyang pahintuin sa pag-aartista dahil naaawa ako sa kanya, pero nakikita ko naman how he enjoys his life right now.
"Saka alam ko naman na dream na niyang maging singer kahit noon pa, mahilig kasi siyang kumanta, kaya ang solo album niya ngayon, long frozen dream niya yun," sabi ni Mommy Amy.
Maganda ang paliwanag ni Mommy Amy tungkol sa mga negatibong panulat na ipinupukol sa kanyang bunso, kahit na masakit na masakit sa kanyang kalooban ang mga nasusulat na kumikwestyon sa kasarian ng kanyang anak, ang takbo ng isip nito ay positibo pa rin.
"Para sa akin kasi, pambalanse yun sa kanyang buhay ngayon, hindi naman kasi pwedeng puro magaganda ang nasusulat tungkol sa kanya, dahil baka lumaki naman ang kanyang ulo sa mga papuri.
"I think of it as part of the check and balance of life, kailangan may negatibo rin, para may bumabalanse sa kanyang buhay.
"Totoong nasasaktan ako, anak ko si Jay, mas nasasaktan pa nga ako kesa sa kanya kung tutuusin!
"But I always tell him to remain calm, ipagpapasa-Diyos na lang niya ang lahat, may katapusan din naman ang lahat ng bagay.
"Hes a peace-loving person, ayaw ni Jay ng may kaaway siya, napakabait ng batang yan. Kahit nasasaktan na siya, tahimik lang ang anak ko.
"Yun ang madalas kong sabihin sa kanya, hindi ko kaya ang intriga ng showbiz, although alam kong part ng buhay ng artista ang mga intriga.
"Dun ako saludo sa anak ko, he knows how to hold his emotion, parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari, but I know, hes hurt deep inside him.
"We talk, we talk a lot, ayaw kong bigyan ng problema ang anak ko, alam ko yun, kaya kahit talagang rendido na siya sa sakit, ayaw pa rin niyang iparamdam sa akin," nanay na nanay pang kwento ni Mommy Amelia Pascual.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended