Ara pinagbati sina Rufa Mae at Jessa
January 25, 2003 | 12:00am
Kung totoo mang nag-uusap na ang magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi, mukhang hindi pa rin napapatawad ni Alex ang nakatatandang kapatid. Sa presscon ng The Cory Quirino Kidnap Story ng Golden Lions Films tinanong siya kung sakaling si Assunta de Rossi ang kinuha para gumanap sa role ni Cory Quirino, papayag ba siyang gumanap na assistant ni Assunta. Mabilis ang sagot ni Alex na "hindi" at sinundan pa niya ng "Thanks, Ara, youre the best!"
Maagang dumating sa presscon si Alex kaya niliwanag sa kanya ang ilang issues, like iyong pagsama niya kay Rommel Adducul sa PBA games. Hindi naman lihim na si Rommel ang unang boyfriend ni Assunta. Sinuportahan daw niya si Rommel dahil kahit paano, may pinagsamahan din naman sila noon. At wala raw dapat maging question doon dahil kasama naman niya ang boyfriend niyang si Polo Ravales.
Pinabulaanan din ni Alex na hindi totoong nagkakalabuan na sila ni Polo at binabalikan nito ang dating girlfriend na si Sunshine Dizon. Magkasama sila ni Sunshine sa soap nilang Kung Mawawala Ka at alam daw niyang happy si Sunshine sa boyfriend nito ngayon, si Miko Sotto, na gumaganap namang asawa niya sa said soap.
Hindi pa man nagsisimula ang shooting ng The Cory Quirino Kidnap Story may offer na agad ang Golden Lions Films kay Alessandra para gumanap sa isang La Salle student na kinidnap at binaril at iniwanan ng mga kidnappers sa pag-aakalang patay na ito, pero nabuhay at naipakulong ang mga kumidnap at nagtangkang pumatay sa kanya. Okey lamang iyon kay Alex dahil wala naman siyang ginagawang ibang movie at dalawa lamang ang TV show niya.
Sisimulan ni Ann Roxanne Barcelo ang sunud-sunod na debut ng mga artista nating magiging 18 years old na this Year of the Goat.
Nag-iimbita nga ang parents niyang sina Tony and Rose Barcelo para sa isang grand debut na gaganapin sa Linggo, January 26, at 6:30 p.m. sa Grand Ballroom ng The New World Renaissance Hotel sa Makati City.
May traditional cotillion ito, kasama ang mga non-showbiz friends and schoolmates niya, sa pagtuturo ng mga choreographers na sina Jane at Joyce Januario. Magiging prince ni Roxanne ang nakababatang kapatid na si Timothy John at flower girl naman si Amery Rose Batallones.
Sa 18 Roses, ang mga kasama lamang niya sa showbiz na sina AJ Eigenmann, Chubi del Rosario, Kevin Ranillo, Ryan Eigenmann, James Blanco, Dingdong Dantes at Paolo Ballesteros ang participants. Sa 18 Candles naman, ang kasama ay sina Jaclyn Jose, Meryll Soriano at Katarina Perez.
Ang mga magbibigay naman ng 18 Treasures sa kanya na kasamahan ay sina Wyngard Tracy, Rams David, Dom Zapata, Jun Estado, Ms. Wilma Galvante, Veahna Fores, Ida Henares, Mac Alejandre, Ruel Bayani at Jun Lalin.
To Roxanne, happy, happy birthday and may all your wishes come true.
Si Ara Mina pala ang gumawa ng paraan para magkausap sina Rufa Mae Quinto at Jessa Zaragoza at matapos na ang matagal na nilang hindi pag-iimikan. Sa taping ng Bubble Gang last week, since magkasama sina Ara at Rufa Mae, tinawagan niya si Jessa at sinabing may gustong kumausap dito.
Nagkausap nga ang dalawa at binati pa ni Rufa Mae si Jessa sa pagbubuntis nito. Close si Ara sa mag-asawang Dingdong at Jessa Avanzado at may concert nga sila sa Ratsy, Tomas Morato sa February 5. Ginawa raw ni Ara iyon para wala raw negative vibes sa paglabas ng baby na isa si Ara sa magiging ninang.
Meanwhile, si Ara ang nag-host ng asalto para sa birthday ng Daddy niya, si Cong. Chuck Mathay ng 2nd District ng Quezon City last January 22 na kinabukasan ay birthday ng Daddy niya. Naroon din ang stepmom niyang si Nerissa at ang mga kapatid niyang sina Macky, Chris at Nicole. Mahihilig palang kumanta ang pamilya ni Cong. Chuck na siyang nagpasimuno sa sing-along. Ilang solo numbers ang kinanta ni Cong. Chuck at nag-duet pa sila ni Ara at nag-duet din si Ara at Nicole, matapos kumanta nang solo si Chris.
Maagang dumating sa presscon si Alex kaya niliwanag sa kanya ang ilang issues, like iyong pagsama niya kay Rommel Adducul sa PBA games. Hindi naman lihim na si Rommel ang unang boyfriend ni Assunta. Sinuportahan daw niya si Rommel dahil kahit paano, may pinagsamahan din naman sila noon. At wala raw dapat maging question doon dahil kasama naman niya ang boyfriend niyang si Polo Ravales.
Pinabulaanan din ni Alex na hindi totoong nagkakalabuan na sila ni Polo at binabalikan nito ang dating girlfriend na si Sunshine Dizon. Magkasama sila ni Sunshine sa soap nilang Kung Mawawala Ka at alam daw niyang happy si Sunshine sa boyfriend nito ngayon, si Miko Sotto, na gumaganap namang asawa niya sa said soap.
Hindi pa man nagsisimula ang shooting ng The Cory Quirino Kidnap Story may offer na agad ang Golden Lions Films kay Alessandra para gumanap sa isang La Salle student na kinidnap at binaril at iniwanan ng mga kidnappers sa pag-aakalang patay na ito, pero nabuhay at naipakulong ang mga kumidnap at nagtangkang pumatay sa kanya. Okey lamang iyon kay Alex dahil wala naman siyang ginagawang ibang movie at dalawa lamang ang TV show niya.
Nag-iimbita nga ang parents niyang sina Tony and Rose Barcelo para sa isang grand debut na gaganapin sa Linggo, January 26, at 6:30 p.m. sa Grand Ballroom ng The New World Renaissance Hotel sa Makati City.
May traditional cotillion ito, kasama ang mga non-showbiz friends and schoolmates niya, sa pagtuturo ng mga choreographers na sina Jane at Joyce Januario. Magiging prince ni Roxanne ang nakababatang kapatid na si Timothy John at flower girl naman si Amery Rose Batallones.
Sa 18 Roses, ang mga kasama lamang niya sa showbiz na sina AJ Eigenmann, Chubi del Rosario, Kevin Ranillo, Ryan Eigenmann, James Blanco, Dingdong Dantes at Paolo Ballesteros ang participants. Sa 18 Candles naman, ang kasama ay sina Jaclyn Jose, Meryll Soriano at Katarina Perez.
Ang mga magbibigay naman ng 18 Treasures sa kanya na kasamahan ay sina Wyngard Tracy, Rams David, Dom Zapata, Jun Estado, Ms. Wilma Galvante, Veahna Fores, Ida Henares, Mac Alejandre, Ruel Bayani at Jun Lalin.
To Roxanne, happy, happy birthday and may all your wishes come true.
Nagkausap nga ang dalawa at binati pa ni Rufa Mae si Jessa sa pagbubuntis nito. Close si Ara sa mag-asawang Dingdong at Jessa Avanzado at may concert nga sila sa Ratsy, Tomas Morato sa February 5. Ginawa raw ni Ara iyon para wala raw negative vibes sa paglabas ng baby na isa si Ara sa magiging ninang.
Meanwhile, si Ara ang nag-host ng asalto para sa birthday ng Daddy niya, si Cong. Chuck Mathay ng 2nd District ng Quezon City last January 22 na kinabukasan ay birthday ng Daddy niya. Naroon din ang stepmom niyang si Nerissa at ang mga kapatid niyang sina Macky, Chris at Nicole. Mahihilig palang kumanta ang pamilya ni Cong. Chuck na siyang nagpasimuno sa sing-along. Ilang solo numbers ang kinanta ni Cong. Chuck at nag-duet pa sila ni Ara at nag-duet din si Ara at Nicole, matapos kumanta nang solo si Chris.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended