^

PSN Showbiz

Halina pinaboran kaysa baguhang si Jeanette Joaquin

- Veronica R. Samio -
Hindi halos makapag-salita sa galit o lungkot si Jeannette Joaquin, isa sa mga bida sa palabas ng ATB4 Films, Inc. na Balat Sibuyas kasama si Halina Perez. Nagtataka kasi siya kung bakit nag-iisa lamang si Halina sa mga poster ng nasabing pelikula gayong dalawa naman silang bida rito. Ipinaliwanag ng mga producers ng nasabing movie na marami silang photos na pinaaprubahan, na magkasama sina Halina at Jeannette pero, nagtataka sila kung bakit dinis-approve ng Censors (MTRCB) ang mga pictures na magkasama ang dalawa. Ang inokeyan lamang ay yung mga solo ni Halina. Isa sa mga ibinigay na dahilan ay ang cleavage ni Jeannette na napaka-lalim sa isang photos na sinagot naman ng bagong bold star na "Bakit sa Biyahera, (ang kanyang launching film,) halos hubo’t hubad na ako pero, pinayagan nila" at sinabayan na ng iyak na ikinagulat ng mga press na dumalo sa presscon ng Balat Sibuyas na pini-PR- ng katotong Atty. Billy Balbastro.

Ang Balat Sibuyas ay kwento ni Dennis Evangelista tungkol sa isang pamilyang nabubuhay sa pagtatanim at pagbi-benta ng sibuyas.

Kasama rin sa pelikula sina Tommy Abuel na may asawa’t anak, sina Melissa Mendez at Halina Perez at ang other woman and daughter niya portrayed by Chanda Romero and Jeannette Joaquin. Love interests nina Halina at Jeannette sina Leandro Baldemor at Allen Dizon. Mula sa direksyon ni Francis Jun Posadas.

Ang ATB4 Films, Inc. ay nakamatayan ni Lita Buenaseda pero ipinagpapatuloy ng kanyang asawa’t ng si Noly Buenaseda, at mga anak na sina Baby, Tet, Allan at Anna.
* * *
Aba, June bride pala si Melissa Mendez na pakakasalan ng dalawang beses ni JC Castro, una sa isang civil ceremonies sa June 24 na nataon din sa ika-31st birthday ni JC. Ang church wedding ay magaganap naman sa Disyembre na may motif na ecru at kung saan ay participants ang mga anak ni Melissa na love na love ang kanyang mapapangasawa.

"Marami ang tumututol nung una sa relasyon namin. Ang hindi nila alam napaka-bait na tao ni JC. Ikalawang araw pa lamang ng pagta-trabaho namin ay nakita ko agad ang magaganda niyang qualities. Bagaman at nagsimula siya sa wala, sa pagtitinda ng dyaryo at pagtatrabaho sa Jollibee, sa sipag at tiyaga niya ay nakapagpundar siya. Mayroon na siyang bahay sa Malolos, Bulacan at isang 4-storey building sa Caloocan. Mayroon na rin siyang dalawang sasakyan kahit unportunately ay na-carnap yung Pajero. Ma-diskarte si JC. Hindi niya ako mapapabayaan, masasandalan ko siya. Pero, ako rin naman ay may dalawang bahay na, may dalawa rin akong sasakyan at stable na financially and morally.

"Naiintindihan ko naman kung bakit nagulat ang mga pamilya at kamag-anak ko. Milyonaryo kasi ang mga exes ko. Maski mga anak ko, ayaw siyang pansinin nung una. Inabot yata ng apat na buwan bago nakuha ni JC ang loob nila. Ako rin naman kinausap ko sila, sinabi ko sa kanila na mahal ko si JC at siya ang sagot sa mga prayers ko. Ngayon kapag nagkakasamaan kami ni JC ng loob, alalang-alala ang mga anak ko, lalo na yung bunso ko na mahal na mahal si JC."

Inamin ni Melissa na marami siyang failed relationships pero, "Wala akong kasalanan. Siguro, impatient lang ako. Dati kasi, konting bagay lang umaayaw na ako. Siguro nag-mature na ako. Marami na kaming storms na dinaanan ni JC. Stronger na kami pareho," dagdag pa ni Melissa who looks young and pretty para maging mother ng mga grown up stars like Halina in Balat Sibuyas. "I don’t mind, wala naman akong tinatanggihang role," pagtatapos niya.

AKO

ALLEN DIZON

BALAT SIBUYAS

BILLY BALBASTRO

HALINA

HALINA PEREZ

JEANNETTE JOAQUIN

MELISSA MENDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with