Si Patricia Javier, magku-concert?
January 24, 2003 | 12:00am
"Kailangan, tita, dahil napakahirap ng panahon ngayon." Ang unang comment ng sexy star na si Patricia Javier sa mga press na dumalo sa presscon ng kanyang kauna-unahang musical concert na magaganap sa February 12, 8:30 n.g. sa Folk Arts Theater na pinamagatang Rated PJ: Too Hot To Handle.
"Hindi ako makapaniwala na ginagawa ko na ito. Ang mga ibang bold stars hanggang sa mga lounges at bars lamang pero, ako magpi-perform sa Folk Arts? Parang hindi totoo.
"At first ayoko pero, napaka-persistent ng producer ko. At kapapayag ko pa lamang, mayroon na agad silang mga posters and billboard at nagplano na agad.
"Hindi naman puro boobs ang featured sa concert. Makikita naman ang conscious efforts ko na kumanta. After all, bago ako nag-bold, kumakanta na ako. In fact, kaya lang ako pumayag na mag-bold ay para magka-pangalan ako at madali akong maka-penetrate bilang singer.
"Im taking singing and dance lessons now. Talagang harassed ako dahil malapit na pero, okay lang, enjoy naman ako. Maraming sumusuporta.
"Mayroon nga pala akong guest na imported from the US, si London, na nakilala ko while shopping in Sunset Boulevard. Black siya pero, gwapo. Ang galing-galing niyang kumanta. Pumipili ako ng shoes nang lumapit siya at sinabing "The shoes will look great on your feet. Di ba napaka-effective na lines?" natatawang kwento ng sexy star na mapapanood soon sa isang Viva movie top-billed by Ogie Alcasid, Mikey Arroyo, Salbakuta and many more.
Kapag naging hit ang Rated PJ: Too Hot To Handle, dadalhin ito sa mga key cities sa Pilipinas.
May pinagmanahan pala ng kanyang talino si Ara Mina na siyang napiling mag-portray kay Cory Quirino sa pinaka-latest movie venture ng Golden Lions Films nina Carlo Caparas at Donna Villa. Ito ang ang kanyang ama na si Congressman Chuck Mathay na nag-celebrate ng kanyang 46th birthday sa Osteria Italia na pag-aari ni Ara Mina. Isa ako sa iilang naimbita sa kanyang party together with Julie Fe Navarro, Nora Calderon, Nitz Miralles, Ian Fariñas at Dondon Sermino.
Hindi lamang pala naman si Cong. Mathay ang nagtataglay ng magandang singing voice kundi maging ang tatlong anak nito na kapatid ni Ara na sina Macky, Chris at Nicole Mathay. Im sure na makakakanta rin kahit papaano, ang mom nila na si Nerizza kung gusto nito pero, okay na okay ang PR niya na isang asset sa kanyang pulitikong asawa. Idagdag mo pa ang kanyang natural beauty na hindi mo aakalain ay nag-anak na pala ng tatlong grown-ups. Bagets na bagets pa siyang tingnan.
Very proud si Ara na ipakilala ang kanyang pamilya sa amin. Nakipag-duet pa siya kay Cong. Mathay at sa mga kapatid niya nung party ng kanilang ama.
Mrs. Mathay denies na nagri-react siya on print at nagsasalita laban sa pagbu-bold ng kanyang step-daughter.
"I have nothing against bold movies. Dito lang naman sa atin binibigyan ng masamang kahulugan ang pagbu-bold. I think that being bold is an art," ang paliwanag ng napaka-gandang misis at madrasta ni Ara.
Dahil kulang sa pondo ang The Actors Workshop Foundation at kinakailangan nila ng pera para may magamit sa education program ng Foundation which is a non-stock, non-profit foundation na naitatag ng mga professional actors nung 1985 na may layunin na sanayin ang mga artista natin in the craft of acting. Magkakaroon ng isang palabas ang Foundation na pinamagatang Mula Pusod (Pababa!) sa Music Museum, 9-12 n.g. sa Pebrero 7, 8, 21, 22 at 28 at sa Marso 1, 14 at 15.
Ang mga magsisiganap ay sina Toby Alejar/Rez Cortez sa role na Romeo Manibog; Gina Alajar/Anna Marin, Mrs. Alura Manibog; Leo Martinez, Mr. Matalim Isip; Margo Montano/Cindy Zamora, Ruffa May Anonas; Geoffrey Eigenmann/ Rvee Reyes, Robin Binoy George at Sonny Alcantara, SPO1 Maligalig.
Unang napanood ang palabas nung 1994 sa Little Theater, CCP. Ni-revive ito dahil sa usung-uso ngayon ang mga kaek-ekang Mula Sa Puso. Gumanap nun sina Cesar Montano, Johnny Delgado, Liza Lorena, Bembol Roco at Rosemarie Sarita.
Dahil walang pera ang Actors Foundation, nakipag-co-production ang Music Museum. Ang tiket ay nagkakahalaga ng P600 at P350 (balcony).
Ang mga opisyal ng The Actors Workshop Foundation ay sina Leo Martinez, chairman; Gina Alajar, vice chairman; Anne Villegas, treasurer; Malou de Guzman, secretary; Rudy Meyer, member.
"Hindi ako makapaniwala na ginagawa ko na ito. Ang mga ibang bold stars hanggang sa mga lounges at bars lamang pero, ako magpi-perform sa Folk Arts? Parang hindi totoo.
"At first ayoko pero, napaka-persistent ng producer ko. At kapapayag ko pa lamang, mayroon na agad silang mga posters and billboard at nagplano na agad.
"Hindi naman puro boobs ang featured sa concert. Makikita naman ang conscious efforts ko na kumanta. After all, bago ako nag-bold, kumakanta na ako. In fact, kaya lang ako pumayag na mag-bold ay para magka-pangalan ako at madali akong maka-penetrate bilang singer.
"Im taking singing and dance lessons now. Talagang harassed ako dahil malapit na pero, okay lang, enjoy naman ako. Maraming sumusuporta.
"Mayroon nga pala akong guest na imported from the US, si London, na nakilala ko while shopping in Sunset Boulevard. Black siya pero, gwapo. Ang galing-galing niyang kumanta. Pumipili ako ng shoes nang lumapit siya at sinabing "The shoes will look great on your feet. Di ba napaka-effective na lines?" natatawang kwento ng sexy star na mapapanood soon sa isang Viva movie top-billed by Ogie Alcasid, Mikey Arroyo, Salbakuta and many more.
Kapag naging hit ang Rated PJ: Too Hot To Handle, dadalhin ito sa mga key cities sa Pilipinas.
Hindi lamang pala naman si Cong. Mathay ang nagtataglay ng magandang singing voice kundi maging ang tatlong anak nito na kapatid ni Ara na sina Macky, Chris at Nicole Mathay. Im sure na makakakanta rin kahit papaano, ang mom nila na si Nerizza kung gusto nito pero, okay na okay ang PR niya na isang asset sa kanyang pulitikong asawa. Idagdag mo pa ang kanyang natural beauty na hindi mo aakalain ay nag-anak na pala ng tatlong grown-ups. Bagets na bagets pa siyang tingnan.
Very proud si Ara na ipakilala ang kanyang pamilya sa amin. Nakipag-duet pa siya kay Cong. Mathay at sa mga kapatid niya nung party ng kanilang ama.
Mrs. Mathay denies na nagri-react siya on print at nagsasalita laban sa pagbu-bold ng kanyang step-daughter.
"I have nothing against bold movies. Dito lang naman sa atin binibigyan ng masamang kahulugan ang pagbu-bold. I think that being bold is an art," ang paliwanag ng napaka-gandang misis at madrasta ni Ara.
Ang mga magsisiganap ay sina Toby Alejar/Rez Cortez sa role na Romeo Manibog; Gina Alajar/Anna Marin, Mrs. Alura Manibog; Leo Martinez, Mr. Matalim Isip; Margo Montano/Cindy Zamora, Ruffa May Anonas; Geoffrey Eigenmann/ Rvee Reyes, Robin Binoy George at Sonny Alcantara, SPO1 Maligalig.
Unang napanood ang palabas nung 1994 sa Little Theater, CCP. Ni-revive ito dahil sa usung-uso ngayon ang mga kaek-ekang Mula Sa Puso. Gumanap nun sina Cesar Montano, Johnny Delgado, Liza Lorena, Bembol Roco at Rosemarie Sarita.
Dahil walang pera ang Actors Foundation, nakipag-co-production ang Music Museum. Ang tiket ay nagkakahalaga ng P600 at P350 (balcony).
Ang mga opisyal ng The Actors Workshop Foundation ay sina Leo Martinez, chairman; Gina Alajar, vice chairman; Anne Villegas, treasurer; Malou de Guzman, secretary; Rudy Meyer, member.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended