^

PSN Showbiz

Kris, Vic nagligawan nun!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Tuloy na ang pagtatambal sa pelikula nina Kris Aquino at Vic Sotto. Ilang ulit palang niligawan ni Vic si Kris pero nauudlot dahil may ibang mahal ito.

Nagharap na ang dalawa nang mainterbyu ang aktor at naging open sa pagtatanong si Kris na kung sakaling sagutin niya ang iluluhog nitong pag-ibig ay hindi kaya siya paluhain nito?" Paluluhain kita sa sarap... dahil sa tapat kong pagmamahal!" sey ni Vic.

Ratsada ngayon sa paggawa ng pelikula si Kris sapul nang manalong Best Supporting Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival kung saan sisimulan na ang movie nila ni Robin Padilla under FLT Films.
Di Na Pagong Si Snooky
Muling nanumbalik ang sigla ng career ni Snooky Serna noong kalagitnaan ng 2002 nang nakasali siya sa soap opera na Habang Kapiling Ka. Inamin nito na miss na rin niya ang paggawa ng pelikula dahil matagal na rin yong huli niyang movie. Baka ngayong 2003 ay mapanood na si Cookie sa big screen. For six years ay naging plain housewife lang ang aktres kaya nagpapasalamat siya kay Ricardo Cepeda at pinayagan siyang bumalik sa showbiz dahil malalaki na rin ang anak nila.

Inamin naman ng aktres na inabuso niya ang kasikatan noon kung saan lagi siyang nali-late sa syuting kaya nga nabansagang "pagong". Ngayon ay todong nerbyos ang inaabot nito kapag na-late lang ng 15 minutes. "Ayaw ko nang matawag na pagong. Mayroon na akong disiplina sa sarili at nahihiya na rin ako kay Lord dahil ilang beses niya akong pinagbigyan," sey pa ng aktres.
Nagplano Na Ang Mga Prodyuser Ng Mas Malalaking Pelikula
Sa pulong ng execom committee noong Biyernes ay napag-alaman namin na nagbabalak na ang mga prodyuser na gumawa pa ng mas malalaking pelikula na isasali nila sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines sa taong 2003. Ayon kay Bong Revilla, gagawa uli siya ng pelikulang ala-Matrix na mas malaki at magastos kaysa sa Agimat.

Nagsabi rin si Gob. Lito Lapid na muli silang sasali kahit huli sa ranking ang Lapu Lapu. Ito’y tungkol sa World War II na pinamagatang Bataan. Gagastusan din nila ito ng malaki. Sa Regal Entertainment naman na consistent sa pananalo bilang Best Picture sa MMFFP ay gagawa pa ng de-kalidad na pelikula na ididirek ni Jeffrey Jeturian. Kapag natuloy ang Viva Films ay isasali nila ang movie adaptation ng May Day Eve ni Nick Joaquin sa script ni Pete Lacaba sa direksyon ni Joel Lamangan. Lahat ng pelikula sa nakaraang MMFFP ay kumita sa takilya kaya ito ang nagsilbing inspirasyon para pagandahin ang kanilang mga entries.
‘Alab Ng Lahi’ Nina Robin-Jacky, Sali Sa MMF
Nauuso ngayon ang paggawa ng mga pelikulang nagpapamalas ng kultura at pagmamahal sa bayan. Nauna nang ipalabas ang Lapu Lapu na tinampukan ni Lito Lapid. Babalik na ng bansa si Jacky Woo para pagtulungan nila ni Robin Padilla ang post production ng Alab ng Lahi na isasali sa darating na Manila Film Festival. Gagamit din ang big-budgeted movie ng Dolby Digital 5.1 sensurround. Libu-libo ring ekstra ang isinama sa period movie.

Ang pelikula ay binusising mabuti ni Direk Bebong Osorio.

May pusong Pinoy si Jacky na kilala na rin sa bansa dahil nakatatlong pelikula na ito, nakapag-release ng album sa Viva Records at nakasama ni Binoe sa mini-TV series na Satsu.

Ginampanan ni Binoe ang papel ng isang Huk na may sariling paniniwala at pagmamahal sa bayan. Siya’y si Gregorio Magtanggol at magtatagpo sila ng landas ng Japanese officer na si Major Masayuki Yamato na gagampanan ni Jacky. Dito iikot ang kasaysayan ng Alab ng Lahi na mula sa istorya mismo nina Robin at Direk Bebong Osorio.

ALAB

ALAB NG LAHI

BEST PICTURE

BEST SUPPORTING ACTRESS

DIREK BEBONG OSORIO

LAPU LAPU

LITO LAPID

PELIKULA

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with