Lester Llansang may problema sa pamilya
January 20, 2003 | 12:00am
Ayaw pa ring tigilan ng mga problemang pampamilya ang child actor na si Lester Llansang. Inakala nito na ang desisyon niyang iwanan ang pamilyang kanyang kinalakihan at kinikilala ay magdudulot sa kanya ng katiwasayan ng pamumuhay dahil natagpuan nito ang tunay niyang ina na aniya ay mag-aalaga sa kanya. Taliwas sa kanyang inaasahan dahil ito pa ang aniya tila, nagbibigay sa kanya ng sakit ng ulo sa kasalukuyan.
Kamakailan lamang dahil sa hindi nabigyan ng pagkakataon na makasama ni Lester ang kanyang tunay na ina, si Gemalyn Ferrer para magdiwang ng Bagong Taon ay gumawa na naman ito ng ingay nang paunlakan nitong mag-guest sa isang showbiz-oriented weekly program sa GMA-7. Ikinagulat ni Lester ang ginawang iyon ng kanyang tunay na ina. Dahilan upang magkaroon siya ng tampo at pansamantalang iwan muna niya ang sariling ina.
Sa kasalukuyan, nakatira si Lester malapit sa lugar na tinutuluyan ng kanyang manager, si Arki. Hindi sila magkasama sa isang kwarto. Pinabulaanan nito ang akusasyon tungkol sa kanyang manager na ginagamit lang siya at ayaw na nitong magpa-manage rito.
Kahit pa punung-puno ng problema at hinanakit sa pamilya si Lester, di pa rin ito nawawalan ng pag-asa. Maswerte pa rin siya dahil sunud-sunod naman ang dating sa kanya ng mga project. Katatapos lamang nitong mag-taping ng buhay ng pinakamatandang mag-aaral na nag-tapos sa Adult Night School-NFE ng La Salle Greenhills. Kasama ni Lester sa episode ng lingguhang programa ni Mel Tiangco na Magpakailanman sina Eddie Garcia, Roxanne Barcelo at Gabby Eigenmann.
Sa February 5 naman ang playdate ng pelikulang Message Sent ng Legacy Films na idinirek ni Joven Tan kasama ang nagbabalik na si Keempee de Leon, Onemig Bondoc at Alessandra de Rossi. Regular mainstay na rin siya sa youth oriented program na Click kung saan siya ang loveteam ni Crys-tal Moreno. Boni A. Casiano

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended