Anak ni Victor di problema kay Angelika
January 19, 2003 | 12:00am
Ipinagmamalaki ni Angelika dela Cruz ang larawan ni Vito kasama si Victor Neri na nakalagay sa cellphone niya habang nagkakatuwaang pinagtitinginan ng mga piling press people na dumalo sa presscon ng GMA-7 para sa Habang Kapiling Ka.
Hindi man tuwirang aminin ng magandang aktres na magnobyo na sila ay makikita naman sa kanilang mga ikinikilos na may namumuong relasyon sa kanila lalo na nang magtambal sa soap opera.
Nang magkasakit noon si Sunny (palayaw ng aktres) ay halos buong araw na nakabantay ang aktor sa ospital. Ipinapaparlor na rin nito si Victor para magmukhang bata. "Naku!, tingnan mo ang buhok niya at may gel na. Di ba bagay sa kanya? Tsaka, tinuturuan ko siyang ngumiti dahil seryoso lagi ang kanyang mukha. Natuto na rin siyang kumaway-kaway sa mga fans. Compatible kami sa maraming bagay at palagay naman ang loob ni Daddy sa kanya. Pinapayagan na niyang dumalaw ito sa amin," anang aktres.
Sinabi pa rin nito na napaka-thoughtful ni Victor kaya sila nagkalapit ng loob. Marunong itong magluto at ipinaghahanda siya lagi ng pasta. Ang unang tawag nito sa aktor ay "Notorious" hanggang maging "Papa". Matagal nang magkakilala ang dalawa pero na-develop noong ginawa ang teleseryeng Liwanag ng Hatinggabi kung saan mag-asawa ang papel nila.
Nakilala na ni Sunny si Vito na two years old at ito nga ang lovechild ng kanyang mahal. "Wala namang problema at hindi ito magiging sagabal sakaling magkatuluyan kami ni Victor balang araw," aniya.
Nami-miss na ni Victor Neri ang paglabas sa action films. Umaasa nga ito na sanay mabigyan siya ng ganitong klaseng movie ng GMA Films. Pero habang walang pelikulang ginagawa ay mayroon naman siyang pinagkakaabalahang soap opera titled Habang Kapiling Ka.
Ayon sa aktor ay magkakaroon ng pagbabago sa kanilang relasyon ni Erika (Angelika) sa teleserye kung saan magkakahiwalay sila. Maraming pagsubok ang darating sa kanilang buhay para sirain ang maganda nilang pagtitinginan.
Pero sa totoong buhay ay masaya ngayon ang lovelife ng aktor. Sabi nga nito ay natagpuan na niya kay Angelika ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae mabait, malambing at maasikaso. "Alam nyo naman na seryoso ako pero lagi niya akong pinatatawa kaya enjoy ako kapag magkausap kami. Pero pinangangaralan ko rin siya minsan lalo na pag di siya nagbabasa ng script. Sinasabi ko sa kanya na seryosohin ang kanyang trabaho. May pagka-childish kasi siya. Siguro dahil spoiled siya sa pamilya bilang unica hija," aniya.
Ayon pa rin kay Victor, masasaya silang lahat ng artista sa soap opera. Parating may nagdadala ng pagkain sa set. First time nitong makatrabaho bilang direktor si Maryo delos Reyes at nagagalingan siya rito dahil mabusisi ito. Thrice a week kung mag-taping sila.
Kasama kami ni Wilson Tieng ng Solar Films sa Club Filipino gayundin ng mga kinatawan ng movie industry gaya nina Atty. Espiridion Laxa ng Film Academy of the Philippines Association (PMPPA), Wilson (Movie Producers Distributors of the Philippines (MPDAP), Mother Lily (Regal Films) at Angie Pineda, (sales manager ng Star Cinema) at iba pa para dumalo sa Bangon Pilipino Movement na binubuo ng mga kinatawan mula sa business, labor, religious group, media, academe at iba pang sektor.
Naroon si Mike Velarde na siyang nag-imbita sa mga taga-movie industry na tutulong sa pagsulong ng ating bansa. Layunin nito na iwasan ang sobrang pamumulitika at magkaroon ng reporma para mabawasan ang kahirapan, mai-promote ang political renewal at tangkilikin ang sariling atin hindi lang sa mga produkto kundi gayundin sa mga services.
Naroon din si Claire dela Fuente bilang presidente ng Integrated Metro Bus Operators Association na sa halip na magbigay ng maikling talumpati ay nagpasimuno na lang sa pag-awit ng "Bayan Ko".
Walang plaster ang sexy actor at sexy actress nang kunan ang kanilang lovescenes. Kaya naman na-turn on ng husto ang aktor dahil nataypan din niya ang kanyang kapareha. Bukod sa flawless ito at mabango pa ay walang retoke ang kanyang malulusog na dibdib.
Sumigaw na ng "cut" ang director pero hindi pa rin makatayo ang aktor habang nakatakip ang tuwalya sa beywang. Kapag tumayo siya ay mababakat na tinablan siya sa ginawang eksena na halata kahit may takip na tuwalya.
Hindi man tuwirang aminin ng magandang aktres na magnobyo na sila ay makikita naman sa kanilang mga ikinikilos na may namumuong relasyon sa kanila lalo na nang magtambal sa soap opera.
Nang magkasakit noon si Sunny (palayaw ng aktres) ay halos buong araw na nakabantay ang aktor sa ospital. Ipinapaparlor na rin nito si Victor para magmukhang bata. "Naku!, tingnan mo ang buhok niya at may gel na. Di ba bagay sa kanya? Tsaka, tinuturuan ko siyang ngumiti dahil seryoso lagi ang kanyang mukha. Natuto na rin siyang kumaway-kaway sa mga fans. Compatible kami sa maraming bagay at palagay naman ang loob ni Daddy sa kanya. Pinapayagan na niyang dumalaw ito sa amin," anang aktres.
Sinabi pa rin nito na napaka-thoughtful ni Victor kaya sila nagkalapit ng loob. Marunong itong magluto at ipinaghahanda siya lagi ng pasta. Ang unang tawag nito sa aktor ay "Notorious" hanggang maging "Papa". Matagal nang magkakilala ang dalawa pero na-develop noong ginawa ang teleseryeng Liwanag ng Hatinggabi kung saan mag-asawa ang papel nila.
Nakilala na ni Sunny si Vito na two years old at ito nga ang lovechild ng kanyang mahal. "Wala namang problema at hindi ito magiging sagabal sakaling magkatuluyan kami ni Victor balang araw," aniya.
Ayon sa aktor ay magkakaroon ng pagbabago sa kanilang relasyon ni Erika (Angelika) sa teleserye kung saan magkakahiwalay sila. Maraming pagsubok ang darating sa kanilang buhay para sirain ang maganda nilang pagtitinginan.
Pero sa totoong buhay ay masaya ngayon ang lovelife ng aktor. Sabi nga nito ay natagpuan na niya kay Angelika ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae mabait, malambing at maasikaso. "Alam nyo naman na seryoso ako pero lagi niya akong pinatatawa kaya enjoy ako kapag magkausap kami. Pero pinangangaralan ko rin siya minsan lalo na pag di siya nagbabasa ng script. Sinasabi ko sa kanya na seryosohin ang kanyang trabaho. May pagka-childish kasi siya. Siguro dahil spoiled siya sa pamilya bilang unica hija," aniya.
Ayon pa rin kay Victor, masasaya silang lahat ng artista sa soap opera. Parating may nagdadala ng pagkain sa set. First time nitong makatrabaho bilang direktor si Maryo delos Reyes at nagagalingan siya rito dahil mabusisi ito. Thrice a week kung mag-taping sila.
Naroon si Mike Velarde na siyang nag-imbita sa mga taga-movie industry na tutulong sa pagsulong ng ating bansa. Layunin nito na iwasan ang sobrang pamumulitika at magkaroon ng reporma para mabawasan ang kahirapan, mai-promote ang political renewal at tangkilikin ang sariling atin hindi lang sa mga produkto kundi gayundin sa mga services.
Naroon din si Claire dela Fuente bilang presidente ng Integrated Metro Bus Operators Association na sa halip na magbigay ng maikling talumpati ay nagpasimuno na lang sa pag-awit ng "Bayan Ko".
Sumigaw na ng "cut" ang director pero hindi pa rin makatayo ang aktor habang nakatakip ang tuwalya sa beywang. Kapag tumayo siya ay mababakat na tinablan siya sa ginawang eksena na halata kahit may takip na tuwalya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended