^

PSN Showbiz

Si Richard ang huling nakausap ni Patricia bago ito namatay

- Veronica R. Samio -
Kahit naman pala nagkahiwalay ang dating magnobyong sina Richard Gomez at ang kamamatay lamang na teacher/model na si Patricia Borromeo ay nanatili silang mabuting magkaibigan hanggang sa huli.

Isa sa mga kaibigan ng dalawa ang nagkwento na bago namatay si Patricia ay dinalaw ito sa ospital ni Richard.

Pinabayaan silang dalawa ng pamilya ng dalaga na mag-usap sa loob ng dalawang oras.

Namatay ang dalaga pagkaalis ng aktor na agad namang bumalik ng ospital matapos na mabalitaan ang pagpanaw ng dating nobya.
*****
Ang ganda-ganda ng mood ni Angelika dela Cruz nang humarap siya sa press nung Martes ng tanghali para sa promosyon ng kanyang telenovela na Habang Kapiling Ka ng GMA7. Kung dati-rati ay nababawasan ang kanyang kagandahan sa napakaraming naglalabasang intriga tungkol sa kanya na ayon sa kanya ay pawang salat sa katotohanan at gawa-gawa lamang ng mga taong nagagalit sa kanya. Pero, hindi nung tanghaling yun. Masaya siya, maganda at kahit na anong intriga ang ibato sa kanya ay sinasagot niya ng maganda at walang galit.

Sample: "Wala kaming gap ni Jolina (Magdangal). Hindi kami nag-aaway. Katunayan, last Sunday, sa SOP ay nag-request pa ako na mag-duet kami. Maski sa Viva Films ay humiling ako na igawa kami ng pelikula na magkasama."

Yung balitang nagmamaldita siya sa set ng kanyang mga programa?

"Huwag na yung mga kasamahang artista ko ang tanungin n’yo, dahil baka hindi sila magsabi ng totoo. Yung staff ng show ang tanungin n’yo. For sure, sasabihin nila kung totoo nga ito o hindi."

Obvious ang happiness ni Angelika. Sa sobrang kasiyahan niya ay wala siyang masabing masama maging sa mga masasamang ginagawa sa kanya ng mga sinasabi niyang "kaaway" niya na ipinasya niyang huwag nang banggitin pa. "Pero, kilala ko sila," sabi niya.

Ipinagkikibit na lamang niya ng balikat ang lahat, sabay sabing "Wala lang silang magawa."

Ang dahilan ng kanyang magandang mood ay ka-mesa niya at kausap naman ng ibang press ang lalaking sinasabing nagbibigay ng bagong ningning sa kanyang mga mata ngayon at nagpapapula ng kanyang mga pisngi – si Victor Neri, kapareha niya sa Habang Kapiling Ka at isang buwan na niyang ka-M.U. (mutual understanding, kung di n’yo pa alam. O ka-on sa mas madaling maintindihang lengwahe).

Inamin ng dalawa sa magkaibang panayam na matagal na silang magkaibigan, mga limang taon na. Nung magkasama lamang sila sa Habang Kapiling Ka, naging mas close sila. At marahil nakita ng Siyete ang kanilang chemistry sapagkat kung nagsimula ang kanilang team-up sa pamamagitan ng isang love triangle with Railey Valeroso, ngayon ay tandem na sila, loveteam. Si Railey ay hinahanapan ng sarili niyang kapareha sa nasabing teleserye.

"Masarap kausap si Angelika, she’s funny, bubbly at very talkative, parang bata," sey ni Victor na kabaligtaran ni Angelika dahil tahimik siya. Pero ang magkaibang characteristics nila ang lalong naglalapit sa kanilang dalawa.

Although ani Victor ay gusto ni Angelika to take it slow dahil mga bata pa naman sila, may identical bracelets sila to show kung gaano na kalalim ang kanilang relasyon.

Hindi na rin isyu ang pagkakaroon ni Victor ng isang 2 year old na love child, si Vitto, bagaman at klinaro nito na wala siyang asawa.

"May nag-interview sa akin tungkol sa anak ko. Nang tanungin niya kung kumusta ang family ko, akala ko ang tinutukoy niya ay ang mga parents ko at kapatid, kaya sabi ko they’re fine. Yun pala ang ibig niyang sabihin ay ako, ang bata at ang mother nito na wala na akong relasyon although we still talk dahil may anak kami. Agad kong tinawagan yung nag-interview sa akin para i-correct yung sinulat niya," paliwanag ni Victor na masaya dahil sa kabila ng kalituhan ay mahusay naman siyang tinatanggap ng mga magulang ni Angelika.
*****
E-mail me at: [email protected]

ANGELIKA

HABANG KAPILING KA

NIYA

PATRICIA BORROMEO

PERO

RAILEY VALEROSO

RICHARD GOMEZ

SI RAILEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with