May malakas na kakampi si Piolo Pascual
January 14, 2003 | 12:00am
Kontrobersyal ang dalawang male star ng pelikulang Bangkero na sina Michael Rivero at Mon Confiado. Kapwa may kinasusuungang kontrobersya ang dalawang aktor. Una ay si Michael Rivero na napabalitang mayroon nude photos na nagkalat sa internet. Sa katunayan, kami man ay napadalhan din ng kopya ng 2 alleged nude photos. Agad namang itinanggi ni Michael na siya o katawan niya ang sinasabing photos.
Aniya, hindi niya kailangang patunayan na hindi siya yun. Tama na raw na yung mga babaeng minahal niya ang makapagsasabing hindi nga siya yun. "Insulto naman sa akin yun," sabi ni Michael.
Pangalawa ay si Mon Confiado na sinasabing may sex video. Sa katunayan, ipinalabas pa ito noong Linggo sa The Buzz. Mon was quick to deny his involvement in the video. Hindi raw siya yung nasa video. Sa kaso ni Mon, hindi mo maiiwasang mag-isip ang marami na posibleng siya nga yung nasa video dahil nitong mga huling araw ay nagpalabas siya ng mga nude photos. Hubad na hubad si Mon sa mga larawang yun.
Hindi namin masisisi sina Michael at Mon kung itanggi man nila ang nudity issue. Sa dami ng involved sa ganitong isyu, wala akong maalalang umamin na sila ang mga nasa larawan o video na yun. Idagdag pa na sa kanilang pelikulang Bangkero ay bold din ang dalawang aktor. First time ni Michael na mag-bold sa pelikula.
Kung curious kayo kung gaano ka-bold sina Michael at Mon sa Bangkero showing na bukas, January 15 ang nasabing movie. Bidang babae dito sina Jenine Desiderio at Julia Lopez. Pambuena-manong handog ito ng Metro Films.
Masayang-masaya kami sa lahat ng magagandang nangyayari kay Piolo Pascual. Ito ay sa kabila ng walang patid na paninira sa kanya ng ilang tao. Isang patunay lamang ito na kapag malinis ang puso ng isang tao, anumang paninira dito ay hindi uubra. Malinis kasi ang puso ni Piolo. Wala siyang tinatapakang tao. All he wants is magtrabaho. Mapasaya ang kanyang pamilya at tagahanga. Pero tila may ilang tao na talagang out to destroy Piolo. Lahat gagawin para sirain si Piolo. Pero anuman ang gawin ng mga ito, Piolo has the support of the public.
Ang pagmamahal kay Piolo ng publiko ay napanood namin noong Sunday sa birthday celebration nito sa ASAP. Naluha kami seeing Piolo greeted by people he has worked with na pawang magaganda ang sinasabi sa kanya tulad nina Martin Nievera, Joey Reyes, Louie Ocampo, Gilbert Perez at siyempre, ang pinakamatindi ay ang presence ng kanyang pamilya. Kinantahan siya ng kanyang ina at mga kapatid. Naririto pala ang buong pamilya ni Piolo. In fact, 3 days silang nag-stay sa Boracay. Hindi nagpahuli ang mga tagahanga ni Piolo dahil inulan ng balloons, flowers at streamers ang studio na pinagawa ng mga loyal fans ng aktor.
Kasabay ng birthday celebration ni Piolo ay ang launching ng kanyang debut album under Star Records. Mukhang sure-win ang album na ito dahil sa ganda ng mga songs. Ilan sa mga narinig na namin ay ang "Til There Was You", "Sana Ikaw" at ang paborito naming "Kailangan Kita". Si Ogie Alcasid ang composer ng said album.
Masuwerte si Piolo dahil he has the strong support of his ABS-CBN, Star Cinema, Talent Center family and his manager Johnny Manahan.
Sa Biyernes, January 18 ay mayroong fans day-album launch si Piolo sa SM Megamal at 4 pm.
Aniya, hindi niya kailangang patunayan na hindi siya yun. Tama na raw na yung mga babaeng minahal niya ang makapagsasabing hindi nga siya yun. "Insulto naman sa akin yun," sabi ni Michael.
Pangalawa ay si Mon Confiado na sinasabing may sex video. Sa katunayan, ipinalabas pa ito noong Linggo sa The Buzz. Mon was quick to deny his involvement in the video. Hindi raw siya yung nasa video. Sa kaso ni Mon, hindi mo maiiwasang mag-isip ang marami na posibleng siya nga yung nasa video dahil nitong mga huling araw ay nagpalabas siya ng mga nude photos. Hubad na hubad si Mon sa mga larawang yun.
Hindi namin masisisi sina Michael at Mon kung itanggi man nila ang nudity issue. Sa dami ng involved sa ganitong isyu, wala akong maalalang umamin na sila ang mga nasa larawan o video na yun. Idagdag pa na sa kanilang pelikulang Bangkero ay bold din ang dalawang aktor. First time ni Michael na mag-bold sa pelikula.
Kung curious kayo kung gaano ka-bold sina Michael at Mon sa Bangkero showing na bukas, January 15 ang nasabing movie. Bidang babae dito sina Jenine Desiderio at Julia Lopez. Pambuena-manong handog ito ng Metro Films.
Ang pagmamahal kay Piolo ng publiko ay napanood namin noong Sunday sa birthday celebration nito sa ASAP. Naluha kami seeing Piolo greeted by people he has worked with na pawang magaganda ang sinasabi sa kanya tulad nina Martin Nievera, Joey Reyes, Louie Ocampo, Gilbert Perez at siyempre, ang pinakamatindi ay ang presence ng kanyang pamilya. Kinantahan siya ng kanyang ina at mga kapatid. Naririto pala ang buong pamilya ni Piolo. In fact, 3 days silang nag-stay sa Boracay. Hindi nagpahuli ang mga tagahanga ni Piolo dahil inulan ng balloons, flowers at streamers ang studio na pinagawa ng mga loyal fans ng aktor.
Kasabay ng birthday celebration ni Piolo ay ang launching ng kanyang debut album under Star Records. Mukhang sure-win ang album na ito dahil sa ganda ng mga songs. Ilan sa mga narinig na namin ay ang "Til There Was You", "Sana Ikaw" at ang paborito naming "Kailangan Kita". Si Ogie Alcasid ang composer ng said album.
Masuwerte si Piolo dahil he has the strong support of his ABS-CBN, Star Cinema, Talent Center family and his manager Johnny Manahan.
Sa Biyernes, January 18 ay mayroong fans day-album launch si Piolo sa SM Megamal at 4 pm.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended