^

PSN Showbiz

Ara naging gf ni Kempee

-
Inilabas ni Ara Mina ang slumbook ng buhay niya na matagal na iniingatan ng aktres sa buong buhay niya tungkol sa kanyang ama, sa personal na buhay at marami pang iba. Marami ang nagulat nang sabihin nitong naging mag-boyfriend din sila noon ni Keempee de Leon before pa ang relasyon ni Kempee kay Bernadette Allyson at pagkatapos ng relasyon ng actor kay Manilyn Reynes noong panahon ng That’s Entertainment era.

"Masaya na ako kahit paano ay kinilala ako ng tunay kong ama. Naging very supportive siya sa buong buhay ko. Hindi niya ako pinabayaan," paglalahad ni Ara Mina.

Masaya pa nitong ikinuwento na hindi si Congressman Chuck Mathay ang nag-abandon sa kanyang ina. "Hindi po niya iniwan ang mama ko. Wala pong iniwan. Ganito po ‘yon. At the time na pinapipili ng Papa ko si Mama kung sino ang sasamahan niya, mas pinili ng Mama ko si Papa Romy. Without knowing na buntis na si Mama, na ako nga ‘yon. Pareho kasing mahal ni Mommy si Daddy Chuck at Papa Romy. Nahihirapan siyang pumili kaya si Mommy ko ang nagdesisyon na lumayo," kuwento pa ni Ara.

"Kahit lumayo naman si Mommy, hindi pa rin naman kami pinababayaan ng Daddy ko (si Chuck). Sinusuportahan naman niya kami at siya pa ang nagpahanap sa amin.

Panganay sa lahat ng apo ng mga Mathay si Ara . Close siya sa buong generation ng Mathay clan.

"Actually, nung reunion nga namin last New Year, masayang-masaya kaming lahat. Walang samaan ng loob, walang mga tampuhan at walang mga intrigahan. Mas nadoble pa nga ang kasiyahan ko dahil may dahilan para magsaya kami. Kabilang rito ang pagkaka-panalo ko sa last MMFFP," pagtatapos niya. – Boni A. Casiano

ARA MINA

BERNADETTE ALLYSON

BONI A

CONGRESSMAN CHUCK MATHAY

DADDY CHUCK

MANILYN REYNES

MASAYA

MATHAY

PAPA ROMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with