^

PSN Showbiz

Gardo Versoza, sexy ulit sa 2003!

-
Nakikilala ang Angora Films sa kakayahan nilang manghimok ng mga dating daring stars na gumawa ulit ng sexy films. Noong isang taon, minsan pang naghubad ulit sina Gary Estrada at Joko Diaz sa pelikulang Masarap na Pugad. Nasundan ni Gary ang pelikula ng isa pang sexy pero hard action film mula sa Jolo Films, ang Gising na si Adan.

Para sa Kerida, pumayag si Gardo Versoza na balikan ang kanyang pinagkasikatan noong una siyang ipinakilala, ang pagpapa-sexy. Una siyang nagpakita ng katawan sa mga pelikula ng Seiko Films kasabayan si Rita Avila pero nang lumaon ay nakilala rin siya sa kahusayan niya sa pag-arte.

Iniwan niya ang mga pelikulang sexy at nag-concentrate sa TV kung saan naging fixture siya ng mga soap operas kung saan puro off-beat roles ang mga ginagampanan niya. Nag-comedy si Gardo, sa Biglang Sibol, Bayang Impasibol ng GMA at sinundan ito ng isang straight drama role bilang rebeldeng ex-boyfriend ni Princess Punzalan sa Kung Mawawala Ka sa GMA pa rin. Ngayon, napapanood siya bilang baklang kaibigan ng Superstar na si Nora Aunor sa soap opera na Bituin ng ABS.

Tinanggap niya ang Kerida hindi para patunayang kaya niya pa ring makipagsabayan sa mga bagong daring actors kundi dahil na rin sa ganda ng kanyang character dito bilang ‘kapatid’ ni Maricar Fernandez na magiging kapitbahay naman si Aleck Bovick.

Bukod kay Gardo, Aleck, Mark Gil at Maricar, kasama rin nila sa pelikula sina Ms. Elizabeth Oropesa, Via Veloso, John Apacible, Ricardo Cepeda at Alberto de Esteban. Palabas na ang Kerida sa buong Metro Manila. Mula ito sa Angora Films sa direction ni Francis ‘Jun’ Posadas.

vuukle comment

ALECK BOVICK

ANGORA FILM

ANGORA FILMS

BAYANG IMPASIBOL

BIGLANG SIBOL

GARDO

GARDO VERSOZA

GARY ESTRADA

JOHN APACIBLE

KERIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with