Ang daming pelikula ni Kris!
January 12, 2003 | 12:00am
Sa isang umpukan ng mga manunulat ay napag-usapan si Kris Aquino. Puring-puri nila ito sa Mano Po at sinabing deserving na manalo bilang Best Supporting Actress.
"Kunsabagay magaling naman siya sa Fatima Buen Story kaya mas nahasa sa pag-arte sa pagdaan ng maraming taon. Malaking bentahe ang mga naranasan niya sa buhay para makahugot ng tamang emosyon, sey ng isang reporter.
Maraming offer ngayon na natatanggap si Kris. Balak siyang kunin ni Mother Lily para ipareha kay Vic Sotto sa isang movie na gagawin under Regal Entertainment. Pero mas mauuna pa rito ang proyektong pagtatambalan nila ni Robin Padilla under FLT Films. Siya rin ang gusto ni Direk Joel Lamangan para lumabas sa Pusong Pilit na sequel ng Pusong Mamon kung saan makakasama niya sina Diether Ocampo at Wendell Ramos. Baka may gawin din si Kris sa Maverick Films. Ganyan siya ka-in demand ngayon.
Nakakwentuhan ko si Jenine Desiderio na bida ng Bangkero under Metro Films. Ayon dito, hindi naging sagabal ang tagumpay niya sa Miss Saigon sa pagtanggap ng mga sexy movies. "May katuturan ang mga pelikulang ginagawa ko kahit magpa-sexy ako dahil hindi bastos at garapal ang mga lovescenes namin gaya ng Bangkero katambal si Michael Rivero," aniya.
Hindi gumamit ng plaster sina Michael at Jenine sa kanilang lovescene.
Memorable para sa kanya ang Mama San dahil after this ay nagkasunud-sunod na ang kanyang mga proyekto. Sa nakaraang MMFFP ay dalawa ang kanyang entries-ang Mano Po at Hula Mo, Huli Ko.
Hindi naman mahirap para kay Jenine ang umarte dahil nag-undergo siya ng acting workshop sa Actors Guild under Mia Gutierrez at Ann Villegas.
Nakapagpundar na rin ng kabuhayan si Jenine gaya ng townhouse, mga sasakyan at ilang properties na galing sa sarili niyang pagsisikap. Mayroon siyang Valentine show sa Manila Peninsula kaya pag-awit naman ang kanyang haharapin bago sumabak sa susunod na proyekto, ang Primera Klase.
Sa presscon ng Bangkero ay katabi namin sina Eugene Asis at Dindo Balares at wala na yatang ginawa kundi sundan ng tingin (na may halong pagnanasa) ang napakaseksing si Julia Lopez. Bukod sa nakaluwa ang boobs nito ay hindi pa siya nagsuot ng panty kaya aninag ang kanyang harapan kapag natatamaan ng liwanag sa ginantsilyong damit. "Mabuti pa sa bakla at halos ipagduldulan ni Julia ang kanyang mala-pakwang dibdib," ani Eugene. Nang marinig ito ng bold star ay lumapit ito sa kanya, ipinasok ang kamay nito sa kanyang blouse at ipinahawak ang kanyang boobs.
Halos mawalan ng ulirat ang editor. "Naku, kapag ganyang kaseksi ang makaka-table mo ay baka tuluyang mabaliw ka sa kanya at masira ang iyong pamilya," sey naman ni Dindo.
Game talaga ang alaga ni Deo Fajardo Jr., kung saan sinasabing hindi retokado ang alinmang bahagi ng katawan niya lalo na ang boobs nito. Maganda rin ang korte ng kanyang katawan kung saan makinis pa ang kutis. Bagay nga siyang taguriang. Pantasya ng mga Barako. Si Julia ay ipinakikilala sa Bangkero kung saan malakas ang magiging hatak nito sa mga kalalakihan.
Pinabulaanan ni Angelu de Leon ang balitang nagtampo siya sa Viva Films dahil walang natuloy sa tatlong proyektong inalok sa kanya.
Ayon sa actress, hindi niya kayang gawin ang mga ito dahil sa sobrang daring ng mga eksena.
Naghintay pa siya ng tamang proyekto na hindi nangangailangan ng paghuhubad. Magaling siyang aktres kaya nagkakasya na muna siya sa paglabas sa soap opera na Sana ay Ikaw na Nga, gayundin sa mga out-of-town shows.
Talagang seksi ang sikat na aktres na ito dahil maraming nahuhumaling sa kanyang kagandahan at kaseksihan. Hindi ito nawawalan ng lovelife-mapa showbiz man o pelikula. Bukod sa sexy at maganda ay malambing pa rin ito at karinyosa kaya laging kinagigiliwan ng mga nakakapareha.
Minsan ay nasabi ng aking source na mahal pa rin ni action star #1 ang aktres. Sa isang showbiz gathering ay nagkita sina action star #1, sexy actress at action star #2. May pinopromote itong movie kasama si action star #2.
Nang tawagin na sa stage si action star #2 at ang seksing aktres na nali-link din kay action star #1 ay supersweet ang dalawa. "Pero tingnan mo kung gaano katalim ang tingin ni action star #1. Ibig sabihin, nagseselos pa rin siya sa aktres, di ba? sey ng baklitang kaibigan sa amin.
Magkaibigan ang dalawang sikat na action star na nag-aagawan sa atensyon ng sikat ding sexy actress.
"Kunsabagay magaling naman siya sa Fatima Buen Story kaya mas nahasa sa pag-arte sa pagdaan ng maraming taon. Malaking bentahe ang mga naranasan niya sa buhay para makahugot ng tamang emosyon, sey ng isang reporter.
Maraming offer ngayon na natatanggap si Kris. Balak siyang kunin ni Mother Lily para ipareha kay Vic Sotto sa isang movie na gagawin under Regal Entertainment. Pero mas mauuna pa rito ang proyektong pagtatambalan nila ni Robin Padilla under FLT Films. Siya rin ang gusto ni Direk Joel Lamangan para lumabas sa Pusong Pilit na sequel ng Pusong Mamon kung saan makakasama niya sina Diether Ocampo at Wendell Ramos. Baka may gawin din si Kris sa Maverick Films. Ganyan siya ka-in demand ngayon.
Hindi gumamit ng plaster sina Michael at Jenine sa kanilang lovescene.
Memorable para sa kanya ang Mama San dahil after this ay nagkasunud-sunod na ang kanyang mga proyekto. Sa nakaraang MMFFP ay dalawa ang kanyang entries-ang Mano Po at Hula Mo, Huli Ko.
Hindi naman mahirap para kay Jenine ang umarte dahil nag-undergo siya ng acting workshop sa Actors Guild under Mia Gutierrez at Ann Villegas.
Nakapagpundar na rin ng kabuhayan si Jenine gaya ng townhouse, mga sasakyan at ilang properties na galing sa sarili niyang pagsisikap. Mayroon siyang Valentine show sa Manila Peninsula kaya pag-awit naman ang kanyang haharapin bago sumabak sa susunod na proyekto, ang Primera Klase.
Halos mawalan ng ulirat ang editor. "Naku, kapag ganyang kaseksi ang makaka-table mo ay baka tuluyang mabaliw ka sa kanya at masira ang iyong pamilya," sey naman ni Dindo.
Game talaga ang alaga ni Deo Fajardo Jr., kung saan sinasabing hindi retokado ang alinmang bahagi ng katawan niya lalo na ang boobs nito. Maganda rin ang korte ng kanyang katawan kung saan makinis pa ang kutis. Bagay nga siyang taguriang. Pantasya ng mga Barako. Si Julia ay ipinakikilala sa Bangkero kung saan malakas ang magiging hatak nito sa mga kalalakihan.
Ayon sa actress, hindi niya kayang gawin ang mga ito dahil sa sobrang daring ng mga eksena.
Naghintay pa siya ng tamang proyekto na hindi nangangailangan ng paghuhubad. Magaling siyang aktres kaya nagkakasya na muna siya sa paglabas sa soap opera na Sana ay Ikaw na Nga, gayundin sa mga out-of-town shows.
Minsan ay nasabi ng aking source na mahal pa rin ni action star #1 ang aktres. Sa isang showbiz gathering ay nagkita sina action star #1, sexy actress at action star #2. May pinopromote itong movie kasama si action star #2.
Nang tawagin na sa stage si action star #2 at ang seksing aktres na nali-link din kay action star #1 ay supersweet ang dalawa. "Pero tingnan mo kung gaano katalim ang tingin ni action star #1. Ibig sabihin, nagseselos pa rin siya sa aktres, di ba? sey ng baklitang kaibigan sa amin.
Magkaibigan ang dalawang sikat na action star na nag-aagawan sa atensyon ng sikat ding sexy actress.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended