^

PSN Showbiz

Joey/Kris nag-live-in sa LA

RATED A - Aster Amoyo -
Isa kami sa hindi naniwala na split na sina Parañaque Mayor Joey Marquez at Kris Aquino. Natahimik lamang ang isyu sa kanila nang ipinid ni Kris ang kanyang bibig tungkol sa kanilang relasyon.

Ito ay dahil sa isang very reliable source sa L.A. ang nagbalita sa amin na magkasunod na dumating doon sina Joey at Kris kung saan sila pareho nagpalipas ng Christmas holidays. Ayon sa aming source, hindi sa Florida nagtuloy si Kris kundi sa bahay umano ni Joey sa Rowland Heights at magkasama silang dalawa. Nauna umanong dumating doon si Joey at sumunod lang si Kris.

Hindi na nga marahil mapipigilan pa ang pag-iibigan nina Joey at Kris at hinihintay na lamang umano ni Joey ang annulment ng kasal nila ni Alma Moreno para tuluyan na niyang mapakasalan ang bunso ni dating Pangulong Cory Aquino.
* * *
Nasa pangangalaga na ngayon ng controversial manager na si Manny Valera ang mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Although nagdadalang-tao ngayon si Jessa sa kanilang magiging first baby ni Dingdong, naniniwala si Manny na may ibubuga pa rin si Jessa pagdating sa acting at singing.

Bukod kina Jessa at Dingdong, nasa pangangalaga rin ni Manny sina Jean Garcia, Zoren Legaspi, Ynez Veneracion, Ana Larrucea, Jay Manalo, Paolo Rivero, Alessandra de Rossi at iba pa.
* * *
Masayang-masaya si Rosanna Roces ngayon dahil kilala na niya ang kanyang tunay na ina, a certain Alona Duran na nakaharap na niya nang personal nung nakaraang linggo. Earlier, nakilala ni Osang ang isang nagpakilalang kapatid niya na nagngangalang Katherine na totoo namang kamukha ni Osang. Tulad ni Osang, ipinaampon din siya ng kanilang ina.

Magiging kapana-panabik ang Startalk sa darating na Sabado dahil ipapakilala mismo ni Osang ang tunay niyang ina. Anim na buwan pa lamang daw noon si Osang nang siya’y ipaampon sa kanyang mga kinikilalang magulang ngayon.

Ngayong kilala na ni Osang ang kanyang biological mother, hindi naman siguro magiging kalabisan kung pati German father niya ay hanapin din niya para tuluyan nang mabuo ang jigsaw puzzle na bumabalot sa kanyang pagkatao.
* * *
Sa Sydney, Australia naka-base ang misis ni Robin Padilla at ang kanilang apat na anak. Although mahirap ito para kay Robin dahil malayo siya sa kanyang pamilya, mas gusto na rin niya ito dahil malayo ang kanyang pamilya sa gulo. Gumagawa na lamang ng paraan si Robin na mabisita ang kanyang pamilya kapag may pagkakataon at kung hindi man, sila ang umuuwi rito para naman bisitahan siya.

Nitong nakalipas na Holiday Season, kapiling ni Robin ang kanyang pamilya sa Australia. Sa kanyang pagbabalik ay sisimulan na niya ang taping ng kanyang kauna-unahang teleserye na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos sa bakuran ng ABS-CBN.
* * *
Sa halip na Pebrero 1, naurong to March 1 ang unang major solo concert ni Jolina Magdangal na gaganapin sa Araneta Coliseum na ipu-produce ng Maxi Media International.

Winu-work-out din ng Maxi Media na maging special guests ni Jolina sa kanyang concert sina Gary Valenciano, Regine Velasquez at Ogie Alcasid na pare-pareho nang may pruweba sa pagpuno ng Araneta Coliseum.

Kapag napuno ni Jolina ang Big Dome, isa itong indikasyon na puwede na ring ihanay ang young star sa liga ng mga concert divas.

Speaking of Jolina, may nakatakda itong gagawing pelikula sa bakuran ng Viva Films at may gagawin din siyang movie with action king Fernando Poe, Jr.
* * *
E-mail me at: [email protected]

vuukle comment

ALMA MORENO

ALONA DURAN

ANA LARRUCEA

ARANETA COLISEUM

CENTER

JESSA

KANYANG

OSANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with