Pang-lodge ang pases pero sa orchestra pinapasok
January 8, 2003 | 12:00am
Tumawag sa akin si Ernie Enrile na isang kaibigang reporter para ipabatid ang ginawa ng takilyera ng Cinema 2 ng SM Centerpoint noong December 30 ng hapon. Nagpapasalamat ito sa amin dahil maaga pa lang ay nabigyan na siya ng 2 Season passes (yellow) na pang-loge na ibinigay nito sa kanyang kamag-anak na dalawang kabataang babae.
Sa orchestra sila pinapanood, siningil sila ng 5.00 bawat isa para sa season pass at pinagbayad pa ng P130.00, (P65.00 bawat isa). Nagtataka ang dalawa kung bakit hindi sila sa Loge pinapanood at pinagbayad pa gayung ang ibinigay nila ay yellow season pass. Kailangang paimbestigahan ang takilyerang ito ayon kay Ernie. Kaya tinatawagan namin ng pansin si Mr. Ric Camaligan na executive ng mga SM theaters.
Sa kabila ng mga intriga sa nakaraang Metro Manila Film Festival Philippines 2002 ay natutuwa pa rin ang mga namumuno nito sa pangunguna ni Mayor Rey Malonzo dahil nalampasan nila ang kita ng box office ng nakaraang filmfest. Ang kita this year ay umaabot na ng P200M sa loob lang ng siyam na araw. Ang nakaraang kita ay umabot lamang sa P172M.
Sinabi pa rin ni Mayor Malonzo na sa kabila ng mga intrigang ipinukol sa Board of Jurors at Screening Committee ay nakapagbigay naman sila ng isang film festival na tinatayang pinakamalaki at pinakamasaya kung saan nabigyang sigla ang nananamlay na industriya.
Ang Mano Po ng Regal Entertainment ang napiling Best Festival Picture ay nanguna ngayon bilang top grosser at kumita ng P43.1 million; Bong Revillas Agimat P38.9 million; pangatlo ang Dekada 70 P25.3 million; na sinusundan ng Home Along D Riber ng P23.2 million. Panglima ang OctoArts Films na Lastikman ng P20 million; Alamat ng Lawin bilang pang-anim sa P18.07 million. Ang Lastikman at Spirit Warriors ay ipinalabas lang noong January 1.
Ang iba pang ranking ay Spirit Warriors (pangpito) P14.8 million. Reflection Films Hula Mo, Huli Ko ng P8.5 million at Lapu-Lapu ng P5.2 million.
Ang Lastikman ay nakapagtala ng P20 million makaraan ang dalawang araw kung saan kumita ito ng P12 million sa unang araw ng pagpapalabas.
Kung may magagandang puna sa pag-arte ni Ara Mina sa Mano Po na nagbigay sa kanya ng acting award bilang Best Actress ay hindi rin maiiwasan na makatanggap ito ng mga pamimintas. Pero hindi na ito pinapansin ng magandang aktres bagkus ibinibigay nito ang atensyon ngayon sa kanyang career. Sabi nga nito ay lalo pa siyang gaganahang magtrabaho. Gagawin na nito ang Kristal katambal si Jomari Yllana sa direksyon ni Mel Chionglo. Nakalinya na ang Huling Birhen sa Lupa ni Chionglo na isa sa prodyuser for JAGGS Productions.
Habang hindi pa nagsisimula sa pelikula ay aasikasuhin ni Ara ang grand opening ng Osteria Italia sa February 8 at isasabay na rito ang first anniversary celebration katulong ang kasosyong si Liza Acedillo.
Bilang karagdagan sa restaurant ay napag-isipan din nilang maglagay ng painting exhibit tuwing Lunes. Maaaring bilhin ang mga painting.
Ayon sa aktres ay gagawin nilang restaurant-gallery ang Osteria Italia.
Matagal na kaming magkakilala ni Tony Reyes at talagang magaling ito pagdating sa komedi. Kaya lagi siyang kinukuha ni Vic Sotto kapag may gagawing pelikulang katatawanan gaya ng Lastikman. Binibiro nga ito ng mga taga-media na bagong box-office director dahil sa pagtabo sa takilya ng Lastikman na hindi rin niya sukat akalain.
Ano ang dahilan kung bakit naging instant box-office hit ang movie ni Vic? tanong ko sa kanya. "Maganda kasi ang istorya nito na talagang pambata. Saka naiiba ito sa unang Lastikman dahil humahaba ang ibang parte ng kanyang mga katawan lalo na kapag may kaaway. Kaya naman pati sa pila ay humahaba rin dahil tinatangkilik ng manonood," aniya.
May nakapagsyete sa akin tungkol sa isang lady prodyuser na napagnakawan ng kanyang male talent na isang sexy actor na natsitsismis ding karelasyon nito.
Ang halaga ng ninakaw sa kanya ay humigit kumulang sa 40,000.00. Hindi sukat akalain ng lady produ na magagawa ito sa kanya ng aktor na tinutulungan niya ang career.
Karamihan sa mga ginagawa ng lady produ ay mga sexy movies at minsan ay lumalabas din ito sa pelikula niya.
Sa orchestra sila pinapanood, siningil sila ng 5.00 bawat isa para sa season pass at pinagbayad pa ng P130.00, (P65.00 bawat isa). Nagtataka ang dalawa kung bakit hindi sila sa Loge pinapanood at pinagbayad pa gayung ang ibinigay nila ay yellow season pass. Kailangang paimbestigahan ang takilyerang ito ayon kay Ernie. Kaya tinatawagan namin ng pansin si Mr. Ric Camaligan na executive ng mga SM theaters.
Sinabi pa rin ni Mayor Malonzo na sa kabila ng mga intrigang ipinukol sa Board of Jurors at Screening Committee ay nakapagbigay naman sila ng isang film festival na tinatayang pinakamalaki at pinakamasaya kung saan nabigyang sigla ang nananamlay na industriya.
Ang Mano Po ng Regal Entertainment ang napiling Best Festival Picture ay nanguna ngayon bilang top grosser at kumita ng P43.1 million; Bong Revillas Agimat P38.9 million; pangatlo ang Dekada 70 P25.3 million; na sinusundan ng Home Along D Riber ng P23.2 million. Panglima ang OctoArts Films na Lastikman ng P20 million; Alamat ng Lawin bilang pang-anim sa P18.07 million. Ang Lastikman at Spirit Warriors ay ipinalabas lang noong January 1.
Ang iba pang ranking ay Spirit Warriors (pangpito) P14.8 million. Reflection Films Hula Mo, Huli Ko ng P8.5 million at Lapu-Lapu ng P5.2 million.
Ang Lastikman ay nakapagtala ng P20 million makaraan ang dalawang araw kung saan kumita ito ng P12 million sa unang araw ng pagpapalabas.
Habang hindi pa nagsisimula sa pelikula ay aasikasuhin ni Ara ang grand opening ng Osteria Italia sa February 8 at isasabay na rito ang first anniversary celebration katulong ang kasosyong si Liza Acedillo.
Bilang karagdagan sa restaurant ay napag-isipan din nilang maglagay ng painting exhibit tuwing Lunes. Maaaring bilhin ang mga painting.
Ayon sa aktres ay gagawin nilang restaurant-gallery ang Osteria Italia.
Ano ang dahilan kung bakit naging instant box-office hit ang movie ni Vic? tanong ko sa kanya. "Maganda kasi ang istorya nito na talagang pambata. Saka naiiba ito sa unang Lastikman dahil humahaba ang ibang parte ng kanyang mga katawan lalo na kapag may kaaway. Kaya naman pati sa pila ay humahaba rin dahil tinatangkilik ng manonood," aniya.
Ang halaga ng ninakaw sa kanya ay humigit kumulang sa 40,000.00. Hindi sukat akalain ng lady produ na magagawa ito sa kanya ng aktor na tinutulungan niya ang career.
Karamihan sa mga ginagawa ng lady produ ay mga sexy movies at minsan ay lumalabas din ito sa pelikula niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended