Aleck Bovick, nag-walkout din
January 7, 2003 | 12:00am
Hindi lamang pala sa Metro Manila Film Festival Philippines 2002 Awards Night nagkaroon ng walk out ang mga taga-Dekada 70 at maging ang Lapu Lapu, sa presscon ng Kerida ng Angora Films na ginanap sa Dulcinea Morato ay nag-walkout din ang star ng movie na si Aleck Bovick.
Actually, hindi naman umalis ng tuluyan si Aleck, nagpalipas lamang ito ng ilang moment sa comfort room na kung saan ay obvious na umiyak ito. Nagpapahid pa rin ito ng luha nang bumalik at muling humarap sa movie press.
Isang tanong mula sa isang movie reporter ang nagpaiyak sa sexy star. Apparently, na-offend si Aleck nang magtanong ang reporter at i-refer ang pelikula sa personal na buhay ni Aleck at idinawit pa ang kanyang ina. Dito na napaiyak si Aleck at biglang tumayo at iniwan ang presscon. Gaya nga nang nasabi ko, sasandali lamang siyang nawala, pagbalik niya okey na siya. Katunayan, nakipag-beso-beso siyang muli sa reporter na nagpaiyak sa kanya.
Samantala, marami ang humahanga sa bilis ng pagsikat ni Aleck. Last year lamang siya ini-launch sa Kaulayaw ng Tri-Vision Films. Sa sumunod niyang pelikula, ang Tampisaw, ay bida na siya. Nasundan pa ito ng Masarap na Pugad. Lahat ng pelikula niyang ginawa sa Tri-Vision Films at Angora Films ay pawang kumita sa takilya.
Sa pinaka-latest movie niya na Kerida ng Angora Films, ni-require siya ni Direk Jun Posadas na magpakita ng acting. Hindi naman siya nahirapang makipag-sabayan kina Elizabeth Oropesa, Mark Gil at Gardo Versoza.
Intended sa katatapos na MMFFP ang Kerida pero, hindi ito umabot sa pilian. Hindi lamang ito isang sexy movie kundi tungkol sa isang babae na tinulungan ang pamilya ng isang pulitiko (Mark Gil). Bilang ganti ay pumayag siyang maging kerida nito.
Si Gardo ang lalaking tunay na iibigin ni Aleck.
Sa pelikula, muling masisilayan ang pisikal na kagandahan ni Aleck, ang itinuturing ngayon na pinaka-magandang bold star sa local cinema. Kaiinggitan ng marami ang kanyang beauty na dinamitan ng husto bilang asawa ng congressman. Si La Oropesa ang tunay na asawa ng congressman.
Palabas na ang Kerida simula sa Enero 11.
Nakapanghihinayang na nag-iisa na pala ang programa ni Michael V. sa GMA-7. Dapat mabigyan pa siya ng ibang assignments para magamit ng husto ang kanyang talino at hindi magkaroon ng dahilan ang ibang istasyon na hangaring makuha ang serbisyo niya. I heard na may mga kumakausap na sa kanya para mahikayat siyang lumipat ng "bahay" pero, dahil mayroon siyang loyalty kung kaya hanggang ngayon ay nasa Siyete pa rin siya.
Isa sa pangarap na proyekto ni Michael V. ay mabigyan ng isang parang telenovela na maida-dub niya sa Tagalog at gagawing isang komedi. Kung maaari rin ay siya lahat ang gaganap ng characters dito, parang Bitoy. Hindi pumayag ang GMA dahil baka raw ma-offend nila ang mga producers ng mga ganitong palabas.
Dream movie rin ni Michael ang i-revive ang Mr. Wong movie, isang Tsino man na may powers, ala-Lastikman.
Pero, habang naghihintay si Michael V ng mga bagong projects, baka simulan niya ang paggawa ng isang bagong album na magtatampok ng mga all-original songs.
May mahalagang role si Michael sa ipinalalabas at tumatabo sa takilya na Lastikman.
Napanood ko ang muling pagpapalabas sa Maalaala Mo Kaya ng episode na "Songbuk" na nagtampok sa tambalan nina Aiza Seguerra at Matet de Leon at nagbigay kay Aiza ng Best Actress award sa Asian TV Awards. Muli, ay hindi ko napigilan ang humanga kay Aiza na sa aking pagkakatanda ay nanalo na rin ng Best Actress sa TV Star Awards nung hindi pa siya ganap na dalaga.
Napakaganda ang pagkaka-atake ni Aiza ng kanyang role ng isang teenager na umiibig ng lihim sa isang kaibigan (Patrick Garcia) na ang gusto naman ay isa pa rin nilang kabarkada (Matet) na lingid dito ay isa palang tomboy. Im sure muling mabibigyan ng nomination para sa kanyang role si Aiza kundi man sa Star Awards ay sa iba pang awards giving bodies na nagbibigay parangal sa telebisyon.
Actually, hindi naman umalis ng tuluyan si Aleck, nagpalipas lamang ito ng ilang moment sa comfort room na kung saan ay obvious na umiyak ito. Nagpapahid pa rin ito ng luha nang bumalik at muling humarap sa movie press.
Isang tanong mula sa isang movie reporter ang nagpaiyak sa sexy star. Apparently, na-offend si Aleck nang magtanong ang reporter at i-refer ang pelikula sa personal na buhay ni Aleck at idinawit pa ang kanyang ina. Dito na napaiyak si Aleck at biglang tumayo at iniwan ang presscon. Gaya nga nang nasabi ko, sasandali lamang siyang nawala, pagbalik niya okey na siya. Katunayan, nakipag-beso-beso siyang muli sa reporter na nagpaiyak sa kanya.
Samantala, marami ang humahanga sa bilis ng pagsikat ni Aleck. Last year lamang siya ini-launch sa Kaulayaw ng Tri-Vision Films. Sa sumunod niyang pelikula, ang Tampisaw, ay bida na siya. Nasundan pa ito ng Masarap na Pugad. Lahat ng pelikula niyang ginawa sa Tri-Vision Films at Angora Films ay pawang kumita sa takilya.
Sa pinaka-latest movie niya na Kerida ng Angora Films, ni-require siya ni Direk Jun Posadas na magpakita ng acting. Hindi naman siya nahirapang makipag-sabayan kina Elizabeth Oropesa, Mark Gil at Gardo Versoza.
Intended sa katatapos na MMFFP ang Kerida pero, hindi ito umabot sa pilian. Hindi lamang ito isang sexy movie kundi tungkol sa isang babae na tinulungan ang pamilya ng isang pulitiko (Mark Gil). Bilang ganti ay pumayag siyang maging kerida nito.
Si Gardo ang lalaking tunay na iibigin ni Aleck.
Sa pelikula, muling masisilayan ang pisikal na kagandahan ni Aleck, ang itinuturing ngayon na pinaka-magandang bold star sa local cinema. Kaiinggitan ng marami ang kanyang beauty na dinamitan ng husto bilang asawa ng congressman. Si La Oropesa ang tunay na asawa ng congressman.
Palabas na ang Kerida simula sa Enero 11.
Isa sa pangarap na proyekto ni Michael V. ay mabigyan ng isang parang telenovela na maida-dub niya sa Tagalog at gagawing isang komedi. Kung maaari rin ay siya lahat ang gaganap ng characters dito, parang Bitoy. Hindi pumayag ang GMA dahil baka raw ma-offend nila ang mga producers ng mga ganitong palabas.
Dream movie rin ni Michael ang i-revive ang Mr. Wong movie, isang Tsino man na may powers, ala-Lastikman.
Pero, habang naghihintay si Michael V ng mga bagong projects, baka simulan niya ang paggawa ng isang bagong album na magtatampok ng mga all-original songs.
May mahalagang role si Michael sa ipinalalabas at tumatabo sa takilya na Lastikman.
Napakaganda ang pagkaka-atake ni Aiza ng kanyang role ng isang teenager na umiibig ng lihim sa isang kaibigan (Patrick Garcia) na ang gusto naman ay isa pa rin nilang kabarkada (Matet) na lingid dito ay isa palang tomboy. Im sure muling mabibigyan ng nomination para sa kanyang role si Aiza kundi man sa Star Awards ay sa iba pang awards giving bodies na nagbibigay parangal sa telebisyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended