MTB, Morning Girls nanganganib na matigbak
January 6, 2003 | 12:00am
Kalat na ang balita, kumpirmasyon na lang mula sa mismong istasyon ang kailangan, pabulong-pailalim nang pinag-uusapan ngayon ang matinding pagbabagong magaganap sa Magandang Tanghali, Bayan ng ABS-CBN.
Hindi pa namin nakukumpirma ang impormasyon, pero maganda na ring sulatin para maituwid ng kinauukulan kung mali, balitang-balita na bago nagtapos ang nakaraang taon ay sinabihan na ng network ang staff ng MTB na mawawala na ang programa ngayong Enero.
Yun diumano ang dahilan kung bakit malulungkot at demoralisado na ang mga hosts ng programa, hindi nga naman biru-biro ang mawalan ng pinagkakakitaan, lalo nat pang-araw-araw pa naman ang programa.
Pero hindi lalagyan ng ibang programa ang time slot ng MTB noontime variety show pa rin ang papalit, kaya nga lang ay mga ibang mukha.
Ayon pa sa aming impormante ay buong-buong babaguhin ang show, ibig sabihiy wala nang mga dating mukha na napapanood sa show, kaya may dahilan nga para malungkot ang mga hosts ng programa ngayon kung totoo ang balita.
Sabiy malalaking pangalan ng mga artista ang ipangbabangga ng Dos sa subok na matibay, subok na matatag, na Eat... Bulaga ngayong 2003.
Kung sinu-sino ang mga hosts at malalaking artistang nakatakdang ipangsabong sa EB! ay hindi pa namin alam, pero may mga pangalan nang naglalaro sa aming isip ngayon kung sinu-sino ang mga susunod na ipangbabangga ng Dos sa noontime show ng Siyete.
Kapag nagkataon ay matinding labanan ang magaganap, dahil kung laki ng pangalan ang pag-uusapan ay walang dudang kabog ng mga ito ang tambalan nina Vic Sotto at Joey de Leon.
Mula ngayon ay makiramdam na lang tayo sa sinasabing napakalaking pagbabagong magaganap sa Magandang Tanghali, Bayan sa mga darating na araw at linggo.
Isa pang programa ng Dos na palaging nakasalang sa silya elektrika ng panganib na mawala sa ere ay ang Morning Girls nina Pops Fernandez, Carmina Villaroel at Zsa Zsa Padilla.
Dati nang namimiligro sa pagkawala sa ere ang show na ito, kaya nga lang ay naamuyan nina Pops at Zsa Zsa at naunahan ng pagre-resign, kaya nagulantang na lang ang walang kamuwang-muwang na si Carmina nang malaman niyang mag-isa na lang pala siyang eere kinabukasan.
Binigyan ng ekstensiyon ang programang hindi makadikit ang rating sa Sis nina Janice at Gelli de Belen, hanggang sa mapabalita uli kamakailan na talagang mawawala na sa ere.
Dalawang pangalan ang sinasabing papalit sa tatlong hosts sina Gretchen Barreto at Kris Aquino, pero ayon sa aming nakausap ay wala sa dalawa ang magho-host sa programang papalit sa Morning Girls.
Si Ms. Tessie Tomas ang mas pinaniniwalaan nitong hahalili sa tatlo, dahil ang mismong advertising department daw ang nagsabi sa Dos na kulang sila sa programang ang linya ay para sa mga misis ng tahanan.
Meron mang Charlene Gonzales ang Feel At Home, ayon sa aming impormante ay hindi pa rin masasabing pangnanay ang itsura at dating host nito, kaya ang kailangan sa oras na babakantehin ng Morning Girls ay isang pang-ina ng tahanan na programa at isang hosts na dati nang humahawak ng kauring show.
Kung kapasidad sa pagho-host ng ganung klaseng programa ang pagtatalunan ay iilang pangalan lang ang maaaring pumasok sa ating isip, pero ang nangunguna sa listahan ay si Tessie Tomas.
Tulad ng sinasabing magiging malaking pagbabago sa MTB ay tutukan na lang din natin kung ano ang sopresang bubulaga sa atin tungkol sa napipintong pagkawala sa ere ng Morning Girls.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended