Vic, gigising ngayong taon
January 6, 2003 | 12:00am
Nagbigay ng thank you party ang OctoArts Films at M-Zet Films nung Biyernes ng gabi sa Virgin Cafe in Tomas Morato dahil sa malaking tagumpay sa takilya ng Lastikman na nagbukas sa mga sinehan nung Bagong Taon. Dumalo ang OctoArts big boss na si G. Orly Ilacad, ang kanyang co-producer (ng M-Zet Productions) at bida ng pelikulang Lastikman na si Vic Sotto, ang anak nitong si Oyo Boy Sotto at ang love interest in the movie ( at sa tunay na buhay) ni Oyo Boy na si Anne Curtis. Naroon din si Michael V. at ang pinakabagong box office director na si Tony Y. Reyes. Hindi nakadalo ang mortal na kaaway ni Lastikman na si Stryker (Jeffrey Quizon) dahil kasalukuyan itong nasa Boracay habang nasa ibang bansa naman si Michelle Bayle.
Ganunpaman, naging masaya ang atmosphere sa loob ng Virgin Cafe dahil hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinipilahan at humahataw sa takilya ang pelikula na nalaglag sa Magic-7 ng ongoing Metro Manila Film Festival.
This early, pinag-uusapan na nina Boss Orly, Vic at Direk Tony Reyes ang next project na kanilang gagawin bilang follow up sa Lastikman.
"Magandang indikasyon ito hindi lamang para sa amin ni Pareng Orly (Ilacad) kundi maging sa industriya ng pelikulang Pilipino," ani ni Vic.
Dalawang taon ding natigil ang OctoArts sa pagpu-produce ng pelikula at dalawang taon ding nahinto sa paggawa ng pelikula si Vic bilang actor at bilang producer.
"Nag-uusap na kami ni Pareng Orly na gagawa na kami ng pelikula for the festival. Nang simulan naming gawin ang Lastikman, ito sana ang aming Christmas gift sa mga manonood, pero hindi nga kami pinalad na makapasok sa Magic-7 ng MMFFP kaya naurong ang aming playdate. Pero kung anuman ang problemang aming pinagdaanan, wala ng halaga yun sa amin. Ang mahalaga, malakas ang aming pelikula at nagpapapasalamat kami sa lahat dahil hindi nila kami pinabayaan sa takilya. Sa kauna-unahang pagkakataon, bayaan naman ninyo akong magyabang na talagang super lakas ang Lastikman. We never expected na ganito kalakas ang pelikula," kwento pa ni Vic.
Kung medyo natulog ang movie careeer ni Vic sa loob ng dalawang taon, sa taong 2003 ay tiyak na gising siya sa pagiging aktibong muli.
Hindi man ganoon kalaki ang naging partisipasyon ni Michael V. sa Lastikman, kwela pa rin ang kanyang naging role. It was short but meaty kaya markadung-markado ang papel niya. Wala ring naging problema sa kanya kung hindi siya equal billing kay Vic dahil alam naman niya na supporting lang siya.
Naging co-star na kasi si Michael V. ni Vic sa DSisters (Nuns of the Above) na dinirek ni Tony Y. Reyes at hindi ring pinalad na makapasok sa 1999 MMFF pero nang itoy ipalabas nung Enero 4, 2000, tumabo ang pelikula sa takilya.
"Mataas ang respeto ko kay Bossing (Vic). Nang sabihin sa akin ni Boss Orly ang project na Lastikman, walang naging problema sa akin," lahad ng rapper-comedian.
Ganunpaman, naging masaya ang atmosphere sa loob ng Virgin Cafe dahil hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinipilahan at humahataw sa takilya ang pelikula na nalaglag sa Magic-7 ng ongoing Metro Manila Film Festival.
This early, pinag-uusapan na nina Boss Orly, Vic at Direk Tony Reyes ang next project na kanilang gagawin bilang follow up sa Lastikman.
"Magandang indikasyon ito hindi lamang para sa amin ni Pareng Orly (Ilacad) kundi maging sa industriya ng pelikulang Pilipino," ani ni Vic.
Dalawang taon ding natigil ang OctoArts sa pagpu-produce ng pelikula at dalawang taon ding nahinto sa paggawa ng pelikula si Vic bilang actor at bilang producer.
"Nag-uusap na kami ni Pareng Orly na gagawa na kami ng pelikula for the festival. Nang simulan naming gawin ang Lastikman, ito sana ang aming Christmas gift sa mga manonood, pero hindi nga kami pinalad na makapasok sa Magic-7 ng MMFFP kaya naurong ang aming playdate. Pero kung anuman ang problemang aming pinagdaanan, wala ng halaga yun sa amin. Ang mahalaga, malakas ang aming pelikula at nagpapapasalamat kami sa lahat dahil hindi nila kami pinabayaan sa takilya. Sa kauna-unahang pagkakataon, bayaan naman ninyo akong magyabang na talagang super lakas ang Lastikman. We never expected na ganito kalakas ang pelikula," kwento pa ni Vic.
Kung medyo natulog ang movie careeer ni Vic sa loob ng dalawang taon, sa taong 2003 ay tiyak na gising siya sa pagiging aktibong muli.
Naging co-star na kasi si Michael V. ni Vic sa DSisters (Nuns of the Above) na dinirek ni Tony Y. Reyes at hindi ring pinalad na makapasok sa 1999 MMFF pero nang itoy ipalabas nung Enero 4, 2000, tumabo ang pelikula sa takilya.
"Mataas ang respeto ko kay Bossing (Vic). Nang sabihin sa akin ni Boss Orly ang project na Lastikman, walang naging problema sa akin," lahad ng rapper-comedian.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended