Vina Morales, mag-aasawa na
January 6, 2003 | 12:00am
Pawang kasiyahan ngayon ang nararamdaman ng Regal Films at M-Zet Films/OctoArts Films dahil vindicated sila sa hindi nila pagkakasali ng kanilang Spirit Warriors (The Short Cut) at Lastikman sa MMFFP Magic 7 dahil tumabo naman ito ng husto sa takilya nang magbukas ito noong nakaraang January 1.
Tingnan mo nga naman ang kapalaran di ba? Hindi nga sila nakasama sa ipinalabas nong Pasko, mas malaki pa naman ang kinita nila sa ibang kasali sa Magic 7.
Kung tutuusin, maganda talaga ang Spirit Warriors. Bago sa paningin ng mga manonood. Yung mga palipad-lipad, bago sa paningin nating lahat.
Malayo at malawak na talaga ang narating natin pagdating sa paggawa ng pelikula. Puwede na tayong makipag-sabayan sa mga international films, lalo na sa special effects. Nang minsang magkita nga kami ni Direk Chito Roño, biniro ko siya na pwede na siyang gumawa ng ala-Harry Potter na movie.
Maging ang Streetboys ay okey sa pelikula. Pero pinaka- kwela si Vhong Navarro.
Nag-enjoy naman nang husto ang mga bata sa Lastikman ni Vic Sotto. Talagang pambata ang pelikula. Nakakatuwa rin si Michael V. samantalang napakaganda naman ng anak-anakan kong si Donita Rose sa pelikula.
Anniversary ng Thats Entertainment noong nakaraang Sabado na pinagdiwang namin sa Master showman. Matagal na naming pinag-usapan ito ng mga anak-anakan ko sa Thats na taun-taon namin ipagdiriwang ang kapanganakan ng Thats.
Sayang nga lang at wala sa bansa sina Billy Crawford, Lea Salonga, Sheryl Cruz at Caselyn Francisco para makiisa sa selebrasyon. Pero okey lang yun. Alam ko namang abala sila sa kani-kanilang trabaho.
Tutal naman nandito sina Beth Tamayo, Quatro sa pamumuno nina Ryan Basa, Ryan Soler, Romnick Sarmenta at Harlene Bautista na nagkatuluyan din sa tunay na buhay. Dumating din si Smokey Manoloto na hanggang ngayon ay kalog pa rin.
Kung napansin nyo last Saturday, marami ang naiiyak tuwing pag-uusapan ang Thats. Pero ganoon talaga ang buhay, ang lahat ay may katapusan. Kaya gustuhin ko mang malungkot, nangingibabaw pa rin ang kasiyahan ko sa puso dahil marami akong natulungan na hanggang ngayon ay masaya sa kanilang ginagawa sa pamamagitan ng Thats.
Speaking of magandang resulta ng Thats, isang halimbawa rito ang pagkakaroon ng isang Vina Morales sa ating industriya.
Balita ko, may sarili na siyang soap opera sa ABS-CBN matapos ang matagal-tagal na panahong pakanta-kanta lang sa mga musical shows ng Dos. Simula nong lumipat siya parang malaki ang nawala sa kanya. Mabuti na lang at marami siyang show sa abroad kasama sina Gary V. at Martin Nievera.
Ito pa ang isa - malakas ang ugong na may plano na siyang lumagay sa tahimik ngayong taon. Mag-aasawa na kaya siya this year? Sino naman kaya ang mapalad na lalaki? Abangan natin! Ako ang unang magbabalita sa inyo kung anong update tungkol dito.
Binabati ko rin ang isa ko pang anak na nagdiriwang ng kanyang kaarawan, ang nag-iisang megastar si Sharon Cuneta.
Hindi na ako nagtataka kung bakit kumpleto na ang buhay mo sa piling siyempre ng iyong pamilya. Hindi ka pa rin kasi nagbabago. Ikaw pa rin ang Sharon na nakilala at inalagaan ko non sa Germs Special at GMA Supershow na mapagkumbaba at masayahin sa kabila ng napakaraming problema na dumarating sa buhay mo.
Again happy birthday at more power sa bago mong movie with Richard Gomez at sana masundan pa ito ng mas marami pa. At sana nga ay pagkalooban na kayo ng Diyos ng baby boy. I love you anak. Lagi mong tandaan na lagi akong nakahandang tumulong para sa yo.
Tingnan mo nga naman ang kapalaran di ba? Hindi nga sila nakasama sa ipinalabas nong Pasko, mas malaki pa naman ang kinita nila sa ibang kasali sa Magic 7.
Kung tutuusin, maganda talaga ang Spirit Warriors. Bago sa paningin ng mga manonood. Yung mga palipad-lipad, bago sa paningin nating lahat.
Malayo at malawak na talaga ang narating natin pagdating sa paggawa ng pelikula. Puwede na tayong makipag-sabayan sa mga international films, lalo na sa special effects. Nang minsang magkita nga kami ni Direk Chito Roño, biniro ko siya na pwede na siyang gumawa ng ala-Harry Potter na movie.
Maging ang Streetboys ay okey sa pelikula. Pero pinaka- kwela si Vhong Navarro.
Nag-enjoy naman nang husto ang mga bata sa Lastikman ni Vic Sotto. Talagang pambata ang pelikula. Nakakatuwa rin si Michael V. samantalang napakaganda naman ng anak-anakan kong si Donita Rose sa pelikula.
Sayang nga lang at wala sa bansa sina Billy Crawford, Lea Salonga, Sheryl Cruz at Caselyn Francisco para makiisa sa selebrasyon. Pero okey lang yun. Alam ko namang abala sila sa kani-kanilang trabaho.
Tutal naman nandito sina Beth Tamayo, Quatro sa pamumuno nina Ryan Basa, Ryan Soler, Romnick Sarmenta at Harlene Bautista na nagkatuluyan din sa tunay na buhay. Dumating din si Smokey Manoloto na hanggang ngayon ay kalog pa rin.
Kung napansin nyo last Saturday, marami ang naiiyak tuwing pag-uusapan ang Thats. Pero ganoon talaga ang buhay, ang lahat ay may katapusan. Kaya gustuhin ko mang malungkot, nangingibabaw pa rin ang kasiyahan ko sa puso dahil marami akong natulungan na hanggang ngayon ay masaya sa kanilang ginagawa sa pamamagitan ng Thats.
Balita ko, may sarili na siyang soap opera sa ABS-CBN matapos ang matagal-tagal na panahong pakanta-kanta lang sa mga musical shows ng Dos. Simula nong lumipat siya parang malaki ang nawala sa kanya. Mabuti na lang at marami siyang show sa abroad kasama sina Gary V. at Martin Nievera.
Ito pa ang isa - malakas ang ugong na may plano na siyang lumagay sa tahimik ngayong taon. Mag-aasawa na kaya siya this year? Sino naman kaya ang mapalad na lalaki? Abangan natin! Ako ang unang magbabalita sa inyo kung anong update tungkol dito.
Hindi na ako nagtataka kung bakit kumpleto na ang buhay mo sa piling siyempre ng iyong pamilya. Hindi ka pa rin kasi nagbabago. Ikaw pa rin ang Sharon na nakilala at inalagaan ko non sa Germs Special at GMA Supershow na mapagkumbaba at masayahin sa kabila ng napakaraming problema na dumarating sa buhay mo.
Again happy birthday at more power sa bago mong movie with Richard Gomez at sana masundan pa ito ng mas marami pa. At sana nga ay pagkalooban na kayo ng Diyos ng baby boy. I love you anak. Lagi mong tandaan na lagi akong nakahandang tumulong para sa yo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended