Life story ni Ricky Reyes sa 'Magpakailanman'
January 4, 2003 | 12:00am
Kilala si Ricky Reyes bilang isang beauty expert at nagme-may-ari ng mahigit sa 40 salon na nakakalat sa buong bansa. Isa rin siyang pilantropo na walang sawa sa pag-suporta sa mga streetchildren, inmates ng Home For The Aged, senior citizens at mga batang may cancer sa Philippine General Hospital na pinagawan niya ng lugar na tinawag niyang "Munting Paraiso".
Makulay at madrama ang kanyang naging buhay. At gusto kong ipagmalaki na naging bahagi ako ng kanyang buhay.
Di mabilang ang gay hairdressers na patuloy na binibigyan niya ng inspirasyon sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng kanyang naging buhay. Tunay na rags to riches ang kanyang life story. "Kung kaya kong umangat sa buhay, kaya rin ninyo," ito ang laging pangaral niya sa mga tauhan niya at myembro ng FilHair Co-Op na kanyang itinatag at pinamumunuan hanggang sa kasalukuyan.
Dahil sa ang tema ng bagong programa ng GMA7, ang Magpakailanman, ay mga true stories na may family values at nagbibigay ng pag-asa sa mga manonood, minarapat ng GMA sa pamamagitan ng mga production executives na sina Ms. Wilma Galvante, Marivin Arayata at Redgie Acuña-Magno na itelevize ang kanyang buhay.
Matagal bago napapayag si Ricky na "Mother" sa lahat niyang kakilala. Kasi ngay low profile siyang lagi. Nakumbinse lamang siya nang sabihin nila sa kanya na maraming mahihirap ang kanyang mabibigyan ng inspirasyon sa pamamagitan ng pagsasadula ng kanyang life story.
Kaya sa January 13, 9:00-10:30 n.g. sa GMA7, abangan ang pagsasadula ng kanyang buhay sa Magpakailanman hosted by Mel Tiangco. Nasa direksyon ito ni Argel Joseph. Ang role ni Mother Ricky ay gagampanan ng singer/actor na si Janno Gibbs.
Samantala, minsan pay namahagi si Mother Ricky ng regalo, pagkain at gamot sa cancer patients ng "Munting Paraiso" sa Philippine General Hospital bago mag-Pasko. Ginanap ito sa Quadrangle ng Cancer Institute ng PGH sa pangunguna ni Dra. Cecilia Llave, ang chairman ng nabanggit na institute. Kaagapay nito si Dra. Rachel del Rosario, over-all supervisor ng "Munting Paraiso".
Nakiisa rin sa gift-giving ang Presidential Daughter na si Luli Arroyo. Laking pasasalamat nito na naimbitahan siya para sa ganitong uri ng charitable work. Masaya siyang nakapiling ang mga batang maysakit.
Narun din ang Mayor ng Mandaluyong na si Benhur Abalos na nagbigay ng inspirasyon sa mga maysakit dahil dati rin siyang cancer patient. Buhay siyang halimbawa na habang may buhay ay may pag-asa.
Makulay at madrama ang kanyang naging buhay. At gusto kong ipagmalaki na naging bahagi ako ng kanyang buhay.
Di mabilang ang gay hairdressers na patuloy na binibigyan niya ng inspirasyon sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng kanyang naging buhay. Tunay na rags to riches ang kanyang life story. "Kung kaya kong umangat sa buhay, kaya rin ninyo," ito ang laging pangaral niya sa mga tauhan niya at myembro ng FilHair Co-Op na kanyang itinatag at pinamumunuan hanggang sa kasalukuyan.
Dahil sa ang tema ng bagong programa ng GMA7, ang Magpakailanman, ay mga true stories na may family values at nagbibigay ng pag-asa sa mga manonood, minarapat ng GMA sa pamamagitan ng mga production executives na sina Ms. Wilma Galvante, Marivin Arayata at Redgie Acuña-Magno na itelevize ang kanyang buhay.
Matagal bago napapayag si Ricky na "Mother" sa lahat niyang kakilala. Kasi ngay low profile siyang lagi. Nakumbinse lamang siya nang sabihin nila sa kanya na maraming mahihirap ang kanyang mabibigyan ng inspirasyon sa pamamagitan ng pagsasadula ng kanyang life story.
Kaya sa January 13, 9:00-10:30 n.g. sa GMA7, abangan ang pagsasadula ng kanyang buhay sa Magpakailanman hosted by Mel Tiangco. Nasa direksyon ito ni Argel Joseph. Ang role ni Mother Ricky ay gagampanan ng singer/actor na si Janno Gibbs.
Nakiisa rin sa gift-giving ang Presidential Daughter na si Luli Arroyo. Laking pasasalamat nito na naimbitahan siya para sa ganitong uri ng charitable work. Masaya siyang nakapiling ang mga batang maysakit.
Narun din ang Mayor ng Mandaluyong na si Benhur Abalos na nagbigay ng inspirasyon sa mga maysakit dahil dati rin siyang cancer patient. Buhay siyang halimbawa na habang may buhay ay may pag-asa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended