^

PSN Showbiz

Aminado si Ara na di niya kayang tapatan si Vilma

-
Pagkatapos ihayag na si Ara Mina ang tinanghal na MMFFP Best Actress sa taong ito para sa pagkakaganap niya sa pelikulang Mano Po, kaagad ko siyang hinanap para kapanayamin.

"Hindi ko expected ang pagkakapanalo kong ito. Totoong pinagbuti ko ang acting ko sa Mano Po pero, wala sa isip ko na mananalo ako. Magagaling lahat ng mga nominado para sa kategoryang ito. Magaling sina Ate Vi, Maricel Soriano at iba pa. Nakita naman ninyo, hindi ako prepared nang tawagin ako para tanggapin ‘tong Best Actress trophy ko. Siguro ang lucky charm ko ‘tong daddy ko. Zero man ako sa lovelife ko at least sa career ko meron namang nangyayari."

Sabi ng mga detractors mo, hindi kaya binili mo raw itong award mo?

"Bakit naman ako bibili ng award? Mukha na ba akong maraming pera para bumili ng award? Siguro kung natalo ako hindi ‘yan ang isyu nila para sa akin. Anyway, I would like to share this award sa mga ibang naging contenders like Ate Vi, Ms. Maricel Soriano, etc."

Aminado pa si Ara Mina na marami pa siyang kakaining bigas para lampasan ang isang Vilma Santos. "Hindi ko basta-basta mapapantayan o mahigitan pa ang anumang naabot o narating ng isang Vilma Santos." – BAC

vuukle comment

ARA MINA

ATE VI

BEST ACTRESS

MANO PO

MARICEL SORIANO

MS. MARICEL SORIANO

PARA

SIGURO

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with