^

PSN Showbiz

Coritha, nag-walkout din

- Veronica R. Samio -
Ayon sa aking kaibigang si Ceferino Padua, katulad nang ginawa ng grupo ng Dekada ’70 ay nag-walk out din si Coritha at ang kasamahan niya sa pelikulang Lapu Lapu, ang musical director ng pelikula na si Blitz Padua dahil sa insultong tinanggap nila mula sa Metro Manila Film Festival Philippines 2003 organizing committee. Hindi binanggit ang pangalan ni Coritha bilang kompositor ng awiting "Mabuhay Ang Kalayaan" na lumaban sa Best Theme Song category sa Gabi ng Parangal.

Hindi rin nominado ang musical score ni Blitz Padua na gumamit ng totoong ethnic instruments upang maging kapani-paniwala ang kulturang Pinoy sa panahon ni Lapu Lapu.

Ang balita ay sadyang inalis ang mga pangalan nina Coritha at Padua upang hindi mapansin ang matinding kompetisyon na ibinibigay ng kanilang obra. Si Padua ay tumanggap na ng parangal bilang musical director at ang mga pelikula niyang Sisa at Kriminal Sa Barrio Concepcion ay umani na ng papuri sa iba’t ibang film festivals sa abroad.
*****
Isang very reliable source ang nakausap ko at nagsabing nanghihinayang siya sa naging break-up nina Rufa Mae Quinto at ng basketbolistang si Rudy Hatfield. Anito ay mahal na mahal ni Hatfield ang komikerang aktres at dahil sa labis na pagmamahal nito ay nagagawa ni Rufa Mae ang gusto niya. "Para ngang under di saya sa kanya si Rudy," anang nagbabalita.

Sinabi rin ng aking source na nang pumunta ng abroad si Rufa Mae para mag-taping ng isang TV program nito ay sinundo ni Hatfield ang kanyang mga kapatid at sinamahan sa sementeryo. All Saints’ Day nun. Pagkatapos ay dinala niya ito sa kanyang bahay.

"Sana magkabalikan sila dahil talagang mahal na mahal ni Rudy si Rufa Mae. Malaki ang kinikita nito kaya kaya niyang buhayin ang aktres. Ang kinikita ni Rufa Mae ay pwede na niyang gastusin sa pamilya niya.

"Totoo ba na nakarelasyon niya sina Bong Revilla, Mikey Arroyo at Rudy Fernandez?" huling tanong niya.
*****
Katulad nang inaasahan ko, tumatabo ang Lastikman sa takilya. Dapat lang na mag-blow out sina Vic Sotto at Orly Ilacad, ang magkasosyong producer nito.

Magandang balita ito dahil makakagawa pa sila ng mga kasunod na pelikula. Marami pang taga-pelikula ang mabibigyan ng trabaho.

Kaya naman masaya ang atmosphere sa Eat Bulaga. Kanina nang nanonood ako ay nahawa na sa kasiyahan ni Vic ang mga kasamahan niya sa show, lalo na si Joey de Leon, na inaangkin (nagbibiro lang siya) ang kredito sa tagumpay ng Lastikman.

Mukhang maganda ang pasok ng taong 2003 hindi lamang para kay Vic kundi pati na rin kay Joey. Bukod sa matagumpay ang kanyang WoW Mali! sa ABC 5, maganda rin ang kanyang role sa teleserye ng GMA, ang Sana Ay Ikaw Na Nga, bilang ama ni Tanya Garcia. Hindi siya komedyante rito, drama ang binabanatan niya. Pasable naman siya sa kanyang role.
*****
Bilib na talaga ako kay Joel Lamangan dahil nagawa niyang aktres si Kris Aquino. Kung dati-rati ay tinatawaran ang kakayahan ng dating presidential daughter sa pag-arte, ngayon ay hindi na. After winning Best Supporting Actress for Mano Po, inaasahan na di malaon ay mananalo rin siya ng Best Actress. Kung sabagay, napakayaman na ni Kris sa karanasan. Marami na siyang pwedeng paghuhugutan ngayon sa pag-arte.

Talagang nakatakda sa kanya ang manalo dahil hindi naman siya ang orihinal na gaganap ng role na ginampanan niya. Blessing in disguise ang pagkakaalis ni Assunta de Rossi sa pelikula. Kung hindi siya umalis, nakasama sana siya sa panalo ng Mano Po.

I’m sure na kahit kaunti ay nakakaramdam siya ng panghihinayang. Ang pag-alis niya spelt winning not only for Kris but also for Ara Mina.
*****
Nagpapasalamat ako sa lahat ng nakaalala sa akin nung Pasko. Salamat sa mga magagandang regalo at greetings. Salamat sa isang magandang alaala na lalong nagbigay ng kahulugan sa pagdiriwang ko ng Kapaskuhan.

Ang problema ko ngayon ay kung paano ko gagamitin ang napaka-raming whitening soap na tinanggap ko for Christmas. Di kaya ako pumuti nang husto? Baka kapag ginamit ko lahat, di na ako makilala ng mga kaibigan ko.

For the first time in many years, wala akong tinanggap na hamon at keso de bola. Kinailangan kong bumili ng mga ito na itinuturing ko na simbolo ng Kapaskuhan.

For the first time in many years din, parang ngayong taon ay napakaraming nag-Merry Christmas sa akin. May mga umulit pa sa Bagong Taon. Tinanggap ko na lamang ito na resulta ng ating napakasamang ekonomiya.

Ipinagpasalamat ko na rin na marami akong napaligaya sa kabila ng aking kaliitan. I feel more blest.
*****
E-mail: [email protected]

BLITZ PADUA

CENTER

CORITHA

NIYA

RUFA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with