^

PSN Showbiz

Sexy star, nagpa-'landscape'

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Tawa kami nang tawa habang kausap ang isang kaibigang editor tungkol sa isang seksing aktres na nagpaayos ng kanyang "hardin". Sa paggamit ng Epilaser na makabagong paraan para mapigil ang paghaba ng pubic hair ay para siyang isang dalagita ngayon.

Inamin daw ng magandang aktres na kapag may photo shoot siya at naka-bikini panty ay lumalabas ang kanyang pubic hair dahil sa pagiging balbon kaya nag-decide siyang magpa-landscape.

Mahilig talagang magparetoke ang aktres. Nauna na siyang nagpalaki ng dibdib at ngayon nga pati pubic hair niya ay pinaayos.

Ang kanyang launching movie ay pumatok sa takilya na sinundan ng pelikula kasama ang isa pang sikat na aktres.
Deserving si Ara
Bagama’t napakahusay din ni Vilma Santos sa Dekada ‘70 ay lumutang pa rin ang akting ni Ara Mina sa Mano Po. Noon pang nasa Davao kami ay sinabi ko na sa kanya na batay sa pagsusuri ng mga miyembro ng screening committee ay talagang napakagaling niya (Ara) dito. Pero kabado pa rin siya at sinabing mahirap talunin ang isang Vilma Santos.

Noon ay laging sinasabi nito na gusto niya talagang makawala sa bold image at maging isang magaling na artista na natupad ngayon.

Idinagdag pa ng magandang aktres na okey lang na wala siyang lovelife dahil mas mahalaga na maging matagumpay na artista. Ito bale ang pinakamasayang Pasko na naranasan niya dahil bukod sa kapiling ang kanyang dalawang pamilya ay nagkamit pa siya ng trophy.
MMFFP Awards Night Sidelights:
Iba’t ibang kulay ng mga gown ang suot ng mga artistang dumalo sa taunang Metro Manila Film Festival Philippines Awards Night. Naka-yellow ang host na si Pops Fernandez at black & white naman si Lorna Tolentino. Nanalong Maxi-Peel beauty ang huli, samantalang si Lucy Torres ang nanalong Star of the Night. Naka-orange gown si Joyce Jimenez at pink naman ang kay Rufa Mae Quinto na halos lumuwa ang dibdib.

Hindi mahahalatang nanggaling sa sakit si Senator Ramon Revilla na kasamang dumating ang anak na si Andrea na napakaganda ng gabing yon. Hindi rin nagbabago ang kagandahan ni Helen Gamboa na tumingkad ang kaputian sa kanyang tangerine gown. Sandali lang si Sunshine Cruz na matapos ang production number ay umalis din agad. Nakasuot ito ng fuschia pink na nagpatingkad din sa kaputian. Parehong naka-black sina Ara Mina at Mayor Vilma Santos.

Hindi akalain ni Ara Mina na siya ang mananalong Best Actress para sa Mano Po kaya wala siyang inihandang speech – umiyak lang siya habang nagpapasalamat sa maraming taong nakatulong sa kanya. Kamukha nga talaga ni Ara si Chuck Mathay sabi ng nasa audience at parang pinagbiyak na bunga si Chuck at ang aktres.

Natuwa kami at nag-emote si Mother Lily dahil ilang beses itong umakyat ng stage para sa pagkapanalo ng kanyang pelikula sa iba’t ibang kategorya.

Suportado pa rin ng mga Vilmanians ang kanilang idolo na naroon sa awards night. Everytime na nominado ang pelikula sa iba’t ibang kategorya ay nagpapalakpakan sila. Gaya nang inaasahan, nanalo si Piolo Pascual para sa said movie bilang best supporting actor.

Halos lahat ng cast ng Lapu Lapu ay naroon bagama’t kahit di nanalo ay ipinakita pa rin nila ang pagiging good sport at pakikiisa sa pagbabalik-sigla ng pelikula.
‘LAPU LAPU’, Nalagasan ng Isa
Lungkot na lungkot kami sa pagpanaw ng assistant director na si Boy Pineda na ama ng aming kaibigang si Arnold na naka-base sa Hongkong. Namatay siyang tumupad sa tungkulin bilang masipag na manggagawa ng ating industriya. Pero hindi siya malilimutan ng lahat ng bumubuo ng Lapu Lapu dahil sa ipinakita nitong pagmamalasakit sa mga kasamahan. Dala ng matinding pagod at puyat, inatake ito sa puso sa Cebu nang idaos doon ang Parade of Stars.

Nagtrabaho rin ito sa RVQ Productions nang mahabang panahon kaya nang malaman ni Dolphy ang pagpanaw nito ay napaluha rin siya.

Sayang nga at hindi na niya mababasa ang write-up ko tungkol sa kanya na ipinangako ko dahil sa nakita kong kasipagan nito sa pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng pelikula gayundin sa pagmamahal nito sa mga kasamahang artista at production staff ng Lapu Lapu. Kaya pala malungkot na ito nang mag-check-in sa hotel dahil may masama nang dinaramdam.

Si Boy ay isang magandang halimbawa sa pagiging dedicated sa trabaho. Alam namin na maligaya na siya sa kanyang paroroonan sa buhay na walang hanggan.

ARA MINA

AWARDS NIGHT SIDELIGHTS

BEST ACTRESS

BOY PINEDA

LAPU

LAPU LAPU

MANO PO

SIYA

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with