Vilma Santos nag-walkout
December 29, 2002 | 12:00am
Walkout ang interpretasyon ng marami sa ginawang pag-alis ng mga artista at production staff ng Dekada 70 habang ginaganap pa ang awards night ng Metro Manila Film Festival Phils. 2002 sa PICC nung Biyernes ng gabi.
Pagkatapos tanggapin ni Piolo Pascual ang tropeo bilang festival best supporting actor para sa Dekada 70 ay isa-isa nang naglabasan sina Mayor Vilma Santos, Christopher de Leon, Carlos Agassi, Marvin Agustin, John Wayne Sace (best child performer), Dimples Romana, Ms. Malou Santos, Ms. Tess Fuentes at ang iba pang staff ng Star Cinema.
Ang totoo, hindi pa man tinatawag ang pangalan ni Piolo bilang best supporting actor ay buo na ang pasya ng mga taga-Star Cinema, matahimik nilang iiwanan ang kaganapan bilang pakikisimpatya sa dalawa nilang kasamahan sa pelikula na hindi binigyang-halaga ng pamunuan ng MMFFP.
Dalawang beses na hindi nakasama ang pangalan ni Lualhati Bautista sa listahan ng mga nominado para sa mga kategoryang best screenplay at best original.
Literal na nag-walkout si Lualhati, masamang-masama ang loob, opisyal na lahok sa MMFFP ang kanyang sinulat na istorya ng Dekada 70, pero dalawang beses na hindi binanggit ang kanyang pangalan sa mga nominado.
Nasundan pa yun nang hindi rin banggitin ang pangalan ni Neil Daza sa kategoryang best cinematography, kaya nagkapatong-patong na ang kuwestyonableng pangyayari.
Kinausap ni Ms. Malou Santos si Mr. Manny Nuqui, walang malinaw na maisagot ang isa sa mga tagapamuno ng pestibal kung bakit ganun ang nagaganap, samantalang ang kasunduan ay kasali sa nominasyon ang lahat ng siyam na pelikulang lahok sa taunang pestibal.
Sa paglalabas ng kanyang saloobin ay madaling sinabi ni Lualhati Bautista na hindi problema sa kanya ang matalo, kaibigan niya ang nanalo sa dalawang kategorya na si Roy Iglesias at humahanga siya sa panulat nito, ang kuwestyon ay ang kalokohang nagaganap sa takbo ng programa.
"Awang-awa ako kay Lualhati nung hindi banggitin ang kanyang pangalan, takang-taka siya, nakita ko ang sobrang pagkagulat niya," sabi sa amin ni Mayor Vilma.
Maaaring sabihin ng iba na kaya umalis si Ate Vi ay dahil nakarating na sa kanya ang impormasyong si Ara Mina ang tatanghaling best actress para sa Mano Po.
Blangko ang isip ng Star For All Seasons sa mga mangyayari, hindi pa man tinatanghal na best actress si Ara ay malinaw na ang kanyang pahayag, okey lang kung si Ara ang mananalo, dahil sanay na rin naman siyang natatalo paminsan-minsan sa mga ganung labanan.
Nagdadalawang-isip pa nung una si Mayor Vilma na umalis na habang tumatakbo pa ang programa, pero kailangan nilang makisimpatiya sa kanilang mga kasamahang hindi pinahalagahan sa gabi ng parangal, kaya sumama na siya sa grupong tumuloy sa Shangri-La-Makati.
Walang kinukuwestyon ang premyadong aktres sa mga resultang inihayag sa entablado, wala siya sa posisyon para kuwestyunin ang desisyon ng mga hurado, pero hindi niya nagustuhan ang lantarang hindi pagsasama sa mga pangalan nina Lualhati Bautista at Neil Daza sa listahan ng mga nominado.
Nakisimpatiya ang lahat ng mga artista ng Dekada 70 sa hindi magandang karanasan ng kanilang mga kasamahan sa pelikula, isang malinaw na senyal na ang Dekada 70 ay tanggap nilang hindi binuo ng iilang tao lang, kundi ng lahat ng mga taong nagtulung-tulong sa pagbuo ng matagumpay na proyekto.
Tatlong parangal lang ang nakuha ng Dekada 70, ang best supporting actor award ni Piolo Pascual, ang best child performer trophy ni John Wayne Sace, at ang second best picture award ng pestibal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended