^

PSN Showbiz

Osang, gustong anakan siya ni Dolphy?

-
Ikinagulat ni Dolphy ang biglang pagkandong sa kanya ni Rosanna Roces nang maging panauhin siya sa Startalk para sa promosyon ng kanyang pelikulang kalahok sa kasalukuyang ginagawang Metro Manila Film Festival Philippines 2002, ang Home Alone D Riber.

Nagtawanan ang lahat ng mga nanonood sa loob ng istudyo lalo na nang biglang nag-one liner ang bold actress na gusto nitong magkaanak sa komedyante. Namula si Dolphy sa kapilyahan nito nang sabay itong sumalampak sa nakaupong komedyante. Halatang nabigla ang komedyante dahil ngayon lang ito nakitang di agad nakabato ng kanyang punch line sa kaharap. Agad namang binawi ni Osang ang kanyang sinabi dahil takot daw siya kay Zsazsa (Padilla).

Nang makausap namin ang bold actress ay sinabi nitong nagbibiro lang siya. Hindi raw puwedeng mangyari dahil baka "patayin" siya ng kanyang papa at baka kalbuhin siya ni Zsazsa. "Biro lang iyon pero bakit hindi kung totohanin. Ayyy, ano ba?! Matagal ko na kasi siyang napapanood at gusto ko na siya noong nagpa-Pacifica Falayfay pa ‘yan. Gustung-gusto ko siya sa Ang Nanay Kong Tatay at nag-Darna pa ‘yan. Huli ko ngang napanood ang Markova na talagang nakakatuwa."

Ano naman kaya ang gusto mo kay Dolphy kung totohanin niyang ligawan ka?

"Balitang-balita ang pagkabombilya niya eh!" pakwela ni Osang na sinabayan namin ng maharot na tawanan. AD

vuukle comment

ANG NANAY KONG TATAY

DOLPHY

HOME ALONE D RIBER

METRO MANILA FILM FESTIVAL PHILIPPINES

OSANG

PACIFICA FALAYFAY

ROSANNA ROCES

SIYA

ZSAZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with