^

PSN Showbiz

Rufa Mae, niloko ni Hatfield ?

-
Tahimik si Rufa Mae Quinto sa isyu ng break-up nila ni Rudy Hatfield sa relasyon nilang tumagal ng 2 years and 7 months.

Di nito maamin na may third party na involved sa break-up nila ng basketbolistang imported. Non-showbiz daw ang babae.

Pero eto na... guess kung sino ang madalas iyakan ni Rufa Mae? Si Daboy! Iniiyakan as in pinaglalabasan ng sama ng loob ni Rufa tungkol kay ex-papa.

Ang malabis na pang-unawa at sinserong pakikinig sa mga sama ng loob ni Rufa ang dahilan kung bakit naging close ang dalawa during the filming of Hula Mo, Huli ko!

Di rin mapigil-pigil ng dalawang kampo ang naglalabasang tsismis na may espesyal na unawaan ngayon sina Daboy at Rufa Mae dahil higit pa raw sa friendship ang nakikita nilang closeness ng dalawa.

Third party ang dahilan ng mga sama ng loob ni Rufa Mae kay Rudy Hatfield, di kaya niya namamalayan na iyon ang katayuan niya ngayon sa relasyong Daboy at LT?

Uy, hindi naman karma ni Rufa Mae ang sinapit ng relasyon nila ni Hatfield. Nagkataon lang na "nahulog ang loob" ni Booba kay Daboy na dyowa ni LT, kaya sana, ’wag siyang pagbintangang ‘homewrecker’.

BOOBA

DABOY

HATFIELD

HULA MO

HULI

INIIYAKAN

RUDY HATFIELD

RUFA

RUFA MAE

RUFA MAE QUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with