^

PSN Showbiz

Umaapaw ang Christmas treats ng 'Wow Mali'

-
Tuwing Pasko lahat ay nagmimistulang mga busy-bees pagdating sa pagsa-shopping ng mga regalo para sa Christmas exchange gifts. At pagkatanggap ng regalo, kung hindi ka naman gaanong excited na buksan mo na ang iyong gift upon getting it, sa ilalim muna ito ng pinalamutiang Christmas tree magre-relax. Yun nga lang ang meron tayo sa bahay ay isang green-shaded (o minsan snowy white) na almost perfect triangle plastic tree model of the real one. But don’t be sad kung hindi magkasya ang real pine tree sa loob ng inyong bahay dahil maluluha kayo sa kakatitig sa mga nagtatayuang pine trees na inyong makikita ngayong Sabado ng gabi, 8:30 p.m. sa paborito ninyong practical jokes show Wow Mali!.

Pero hindi lang basta pretty pines ang regalo sa inyo ng makwelang barkada ni prank master Joey de Leon kundi pati mga masasayang post Christmas treats na dito lang mapapanood. Treat No. 1: Kung sa mga nakaraang episodes ay mga common folks ang game sa pagsabak sa mga "PLAK" challenges, ngayon naman, dadalhin on-screen ang mga behind-the-scene team ng show – kasama ang segment producer, cameramen, audio men pati driver pa, para sa isang kakaibang "PLAK" humiliating but nonetheless fun experience. Treat No. 2: Pagkatapos ng pine watching, idilat ang inyong mga mata dahil kakaibang mga Christmas trees ang inyong makikita. Pumunta ang Wow sa Pampanga at inanyayahan ang mga tagaroon na gumawa ng Human Christmas tree! Alamin kung aling human tree ang magpapatawa sa inyo ng husto. Treat No. 3: Kung sa iyong pamamasyal sa Manila Zoo ay biglang kinalabit ka ni Santa Claus, ‘wag kang masyadong ma-excite at baka kung anong regalo ang mahugot mo sa loob ng kanyang gift sack. Kung ano ang regalo? Hindi ko sasabihin, panoorin n’yo na lang!

Kung sa lagay na ‘yan hindi ka pa rin hinihingal sa katatawa, pwes baka swertehin kang manalo ng isa sa dalawang JVC color TVs sa episode na ito by just text voting which of the five winning videos is the best sa grand finals ng "Western-JVC-Wow Textawa Home Video" contest. Ang viewer’s choice ay tatanggap ng 34" flat TV with DVD theater system while the JVC choice a 53" rear projection TV. Ia-announce ang mga nanalo sa January 4 episode ng Wow Mali.

vuukle comment

HUMAN CHRISTMAS

KUNG

MANILA ZOO

SANTA CLAUS

TREAT NO

TUWING PASKO

WOW MALI

WOW TEXTAWA HOME VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with