Valentine concerts nina Pops at Martin
December 27, 2002 | 12:00am
Inulan ang Parada ng mga Artista nung nakaraang Disyembre 24 bilang senyales ng pagsisimula ng 2002 Metro Manila Film Festival Philippines na opisyal na nagsimula nung Disyembre 25, araw ng Pasko. Kung gaano ka-successful ang parada in terms ng attendance ng mga stars ng mga kalahok na pelikula ganundin ang mga taong dumalo ay saka naman ito inulan kung kelan malapit nang matapos ang parada. Hindi man lamang umabot sa Quirino Grandstand ang ibang float na kalahok dahil nagsibabaan na ang mga artistang nakasakay sa float.
Kumpleto ang siyam na pelikula, although pito lamang dito ang opisyal na nagsimula nung nakaraang Disyembre 25 at ang dalawa naman, ang Lastikman ng OctoArts/M-Zet Films at ang Spirit Warriors 2 ng MAQ Productions ay sa Enero 1 naman magsisimula.
Pero ang nakakatuwa, halos lahat ng mga major stars ng bawat pelikulang kalahok ay nag-participate sa parada liban kina Vic Sotto at Donita Rose ng Lastikman. Masama ang pakiramdam ni Vic at si Donita naman ay umalis patungong Amerika nung December 22 kaya sina Jeffrey Quizon, Ryan Eigenmann at Wali lamang ang nakasakay sa Lastikman float.
Based on our first day report na nakalap, ang pelikulang Agimat ng Imus Productions ang nangunguna sa takilya. Pumapangalawa rito ang Alamat ng Lawin ng FPJ Productions, pumapangatlo ang Home Alone D Riber ng RVQ Productipns , pang-apat ang Mano Po ng Regal Films, pang-lima ang Dekada 70 ng Star Cinema, pumapang-anim ang Hula Mo, Huli Ko ng Reflection Films at pang-pito naman ang Lapu Lapu ni Lito Lapid. Of course, ang ranking ng pitong pelikulang nagsimula ay maaaring mabago pa sa mga susunod na araw.
Samantala, simula naman sa Enero 1, sabay na magsisimula ang Lastikman ng OctoArts/M-Zet Films at ang Spirit Warriors 2 ng MAQ Productions. Sa halip na magtapos ang MMFFP sa Enero 3 ay extended ito until January 9.
Kung hindi kami nagkakamali, ang huling major concert ng estranged couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera ay nangyari nung 1995, ang Twogether (A Decade of Love) at itoy bago sila maghiwalay ng landas. Since then, hindi na muling nagsama ang dalawa sa isang concert. Pero sa darating na February 21 & 22 ay muling magkakasama ang dating mag-asawa sa dalawang gabing major concert na gaganapin sa Araneta Coliseum na pinamagatang The 2003 Valentine Concerts of Martin Nievera and Pops Fernandez. Magkakasama rin ang dalawa sa Pebrero 15, 8:30 p.m. sa Waterfront Hotel sa Cebu City at sa Freedom Ring Amphitheater ng Clark Pampanga on March 1 sa ganap na ika-8 ng gabi all produced ng Maxi Media International, Inc. na siya ring nag-produce ng last solo concert ni Martin sa PICC, ang Chasing Time: The Xxmas Concert.
Although tanggap na ng kanilang mga tagahanga ang paghihiwalay nina Pops at Martin, gustung-gusto pa rin nilang makita ang dating mag-asawa sa concert kaya tuwang-tuwa ang mga ito nang mabalitaan nila na muling magsasama ang dalawa sa isang two-night major concert sa Big Dome sa darating na Pebrero.
Ang maganda ngayon sa dating mag-asawa, theyre now the best of friends at itoy naging posible dahil na rin sa kanilang anak sina Robin at Ram.
Kumpleto ang siyam na pelikula, although pito lamang dito ang opisyal na nagsimula nung nakaraang Disyembre 25 at ang dalawa naman, ang Lastikman ng OctoArts/M-Zet Films at ang Spirit Warriors 2 ng MAQ Productions ay sa Enero 1 naman magsisimula.
Pero ang nakakatuwa, halos lahat ng mga major stars ng bawat pelikulang kalahok ay nag-participate sa parada liban kina Vic Sotto at Donita Rose ng Lastikman. Masama ang pakiramdam ni Vic at si Donita naman ay umalis patungong Amerika nung December 22 kaya sina Jeffrey Quizon, Ryan Eigenmann at Wali lamang ang nakasakay sa Lastikman float.
Based on our first day report na nakalap, ang pelikulang Agimat ng Imus Productions ang nangunguna sa takilya. Pumapangalawa rito ang Alamat ng Lawin ng FPJ Productions, pumapangatlo ang Home Alone D Riber ng RVQ Productipns , pang-apat ang Mano Po ng Regal Films, pang-lima ang Dekada 70 ng Star Cinema, pumapang-anim ang Hula Mo, Huli Ko ng Reflection Films at pang-pito naman ang Lapu Lapu ni Lito Lapid. Of course, ang ranking ng pitong pelikulang nagsimula ay maaaring mabago pa sa mga susunod na araw.
Samantala, simula naman sa Enero 1, sabay na magsisimula ang Lastikman ng OctoArts/M-Zet Films at ang Spirit Warriors 2 ng MAQ Productions. Sa halip na magtapos ang MMFFP sa Enero 3 ay extended ito until January 9.
Although tanggap na ng kanilang mga tagahanga ang paghihiwalay nina Pops at Martin, gustung-gusto pa rin nilang makita ang dating mag-asawa sa concert kaya tuwang-tuwa ang mga ito nang mabalitaan nila na muling magsasama ang dalawa sa isang two-night major concert sa Big Dome sa darating na Pebrero.
Ang maganda ngayon sa dating mag-asawa, theyre now the best of friends at itoy naging posible dahil na rin sa kanilang anak sina Robin at Ram.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended