^

PSN Showbiz

Selfless Love inawit ni Celeste sa anim na lenggwahe

- Veronica R. Samio -
Ang theme song ng 4th World Meeting of Families na "Selfless Love" ay may napakaraming versions.

Sa TV mayroon itong tatlong music video na nagpapakita ng mensahe ng awitin. Sa mga simbahan, kinakanta ito na may kasamang hand signs.

Kamakailan ay naglabas ang Universal Records ng kanilang sariling version ni Martin Nievera. May mga ginawang changes si Martin sa lyrics nito na orihinal na sinulat ni Fr. Carlo Magno Marcelo pero hindi nabago ang tema ng mensahe nito. Sa halip napaganda pa ito. Ang version ni Martin ay naging pop/contemporary.

May version din sina Karylle at Jed Maddela ng nasabing awitin.

Pero, ang pinaka-interesting of all the versions made of the song ay yung kay Celeste Legaspi dahilan sa kinanta niya ang "Only Selfless Love" sa anim na lengwahe, –

French, Italian, Spanish, Chinese, Filipino at English. Ang 4th World Meeting of Families ay isang international event, ang multi lingual interpretation na ibinigay dito ni Celeste ay tamang-tama para maipaabot ang message of love and harmony in the family all over the world.

Nagdagdag din ng international flavor sa album ang Jars of Clay ("Love Song For A Savior"), Jennifer Paige ("Somewhere, Someday"), David Pomeranz ("Born For You"), Martin Nievera ("Our Father/I Believe"), Gary Valenciano ("Lead Me Lord"),Regine Velasquez ("You Were There"), Gino Padilla ("Power of Your Love"), Apo ("Piece of the Peace"), Jed Maddela ("Let There Be Peace On Earth"), Jose Mari Chan ("It Is The Lord"/"Be Gentle").
* * *
Ngayong may panahon siya, sisimulan ni Michelle Bayle ang gagawin niyang album sa Viva Records anytime now. Nagkaroon kasi ng panahon na halos ay hindi siya makahinga sa dami ng trabaho niya, parang may sarili siyang film festival sapagkat kung hindi magkakasabay ang kanyang mga pelikula ay magkakasunod naman.

Kasali rin siya sa Metro Manila Filmfest Philippines na magsisimula na officially ngayong Christmas day. Kinuha siya ng Octo-Arts Films at M-Zet Productions para sa remake ng pelikulang Lastikman na nagtatampok kina Vic Sotto, Donita Rose, Jeffrey Santos, Michael V at marami pang iba. Ginagampanan niya ang role ng isang TV reporter na kalaban ni Michael V sa pagkuha ng scoop tungkol sa misteryosong Pinoy super hero.

"Magaan katrabaho si Vic Sotto. Cool siya, parang di nagtatrabaho ng mabigat. He makes sure na masaya kaming lahat sa set. Kaya pala maraming girls ang gusto siya dahil gentleman din kasi siya," sabi niya.
* * *
May segment si Raffy Tulfo sa daily news program ng ABC-5 na Balitang Balita na nagsimula na nung Lunes, Dis. 23, 6:00 n.g.

Ito ang "Problema N’yo, Sagot Ko" na magtatampok sa "Samut Saring Problema" ng mga komunidad at magbibigay ng kalutasan o solusyon at serbisyo publiko.

Hindi na baguhan si Raffy sa ganitong trabaho. Isang taon na niyang hinahawakan ang Task Force Siyasat na napapanood tuwing Miyerkules 10:30-11:30 n.h. sa ABC-5.

Inaasahan na lamang niya na sa kanyang bagong programa ay magbibigay ng interes sa mga manonood tungkol sa public service.

Sinabi niya na walang balak ang "Problema N’yo, Sagot Ko" na makipag-kumpitensya sa Mission X ng kanyang kapatid na si Erwin Tulfo dahilan sa parehong public service ang kanilang mga programa.

"Mas maganda nga yon, magkakatulong kami na pagsilbihan ang ating mga kababayan na kapuspalad at biktima ng karahasan," aniya.

BALITANG BALITA

BE GENTLE

JED MADDELA

MARTIN NIEVERA

MICHAEL V

PROBLEMA N

SAGOT KO

VIC SOTTO

WORLD MEETING OF FAMILIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with