Matet kasama si Nora at ibang kapatid sa Noche Buena
December 24, 2002 | 12:00am
Nagpatawag ng isang dinner ang mag-asawang Richard at Carol Chuateco, owner ng Harvard USA sa kanilang mga celebrity endorsers kamakailan na ginanap sa Red Crabs House along Tomas Morato. Bale pre-Christmas treat nila yun sa kanilang mga loyal endorsers. Dumating sina Baron Geisler, Nikki Valdez, Matet de Leon, Gary Lim at Manila Councilor Robert Ortega. Nakisaya rin si Ogie Diaz na posibleng maging endorser na rin ng said shirt and jeans line soon. Hindi nakarating si Nora Aunor dahil mayroon itong importanteng meeting. Yes, the superstar is Harvard USAs endorser.
Kahit ang magpinsang Danica at Mico Sotto ay hindi rin nakarating dahil nasa taping pa ito. Si Desiree del Valle naman ay may taping din. Hindi namin alam kung nakarating sina Smokey Manaloto at Vhong Navarro dahil nauna na kaming umalis.
Siyempre, present din si Tita Angge na kaibigan ng mag-asawang Richard at Carol. Kasama rin namin ang Harvard USA coordinator na si Elena de Vega at Talent Center handler na si Nenet Roxas. Hindi nakarating ang ABS-CBN coordinator na si Thess Gubi.
Magandang mag-alaga ng kanilang artista sina Richard at Carol kaya no wonder, maganda ang samahan nila. Next year ay full blast ang gagawing promotions ng Harvard USA ng kanilang line and expect more big stars na mapabilang na sa kanilang lumalaking pamilya.
During the dinner ay nakakwentuhan namin si Matet. Hindi raw dapat siya makakapunta sa naturang dinner dahil sa sakit ng wisdom tooth na tumutubo sa kanyang molars. Halos hindi makakain ang dalaga dahil panay ang complain nito nang pananakit ng kanyang ngipin. But Matet managed to make kwento. Masaya nitong ibinalita na magkakasama sina Nora Aunor, pamilya ni Lotlot Ian de Leon, Kiko at Kenneth mamayang gabi ng Noche Buena.
She is looking forward na makasama ang buo niyang pamilya ngayong gabi. Bihira raw kasing mangyari na kumpleto sila kapag Pasko. Ni-recall nga ni Matet yung eksena sa Christmas special ng ABS-CBN noong Biyernes.
"Di ba ang cute naming tingnan nina Ate (Lotlot at Mama), magkakatabi kami. Actually, naiyak ako nong magkasama kami," kwento ni Matet.
Masaya si Matet sa magandang nangyayari sa career ni Nora. Wish nga niya ay magtuluy-tuloy ito. Sana rin daw ay gumawa na rin ng movie ang kanyang Mama Guy sabay biro na dapat ay kasama siya.
Natuwa si Matet nang malaman niyang nag-number one sa rating ang episode ng Maalaala Mo Kaya na pinagsamahan nila kamakailan. Very proud si Matet dahil marami ang nagkagusto ng kanyang performance at isa na rito si Papa Boyet de Leon niya.
"Sabi nga ni Papa, para raw akong si Jodi Foster, o di ba coming from the drama king?" sabi nito sabay tawa.
Nakakatuwa talaga itong si Matet. Masayang tao. Marunong makisama.
"Gusto ko lang maging masaya at ang pamilya ko. At sana, magtuluy-tuloy ang magandang nangyayari sa career ko. Yun ang wish ko ngayong Christmas at New Year."
In the same dinner ay ibinalita sa amin ni Nikki na makakasama niya ang kanyang Mommy Norma ngayong Pasko. Umalis si Nikki kahapon patungong Amerika para makasama ang kanyang ina. Biglaan daw ang kanyang pag-alis kaya excited siya. Naiwan dito ang kanyang Daddy Rudy kasama ang dalawa pa niyang kapatid.
"Akala ko, hindi ko makakasama si Mommy ngayong Christmas. Excited ako kasi nami-miss ko na siya talaga.
Sa December 31 ang balik ni Nikki kasama na niya ang kanyang Mommy Norma. Dito na siya sa Pilipinas magsi-celebrate ng New Year. If the year 2002 was good for Nikki, she hopes na mas maging maganda ang kanyang year 2003.
When asked kung nagwi-wish siya ng magandang lovelife ngayong 2003, "Kung may dumating okey lang, salamat. Pero kung wala, okey lang. Kung walang lovelife, dapat maganda ang career, di ba? Masaya naman ako kahit walang boyfriend. In fairness, naghihintay na talaga ang tao kung sino ang magiging boyfriend ko. Mas excited pa sila sa akin. Hahaha!."
Kahit ang magpinsang Danica at Mico Sotto ay hindi rin nakarating dahil nasa taping pa ito. Si Desiree del Valle naman ay may taping din. Hindi namin alam kung nakarating sina Smokey Manaloto at Vhong Navarro dahil nauna na kaming umalis.
Siyempre, present din si Tita Angge na kaibigan ng mag-asawang Richard at Carol. Kasama rin namin ang Harvard USA coordinator na si Elena de Vega at Talent Center handler na si Nenet Roxas. Hindi nakarating ang ABS-CBN coordinator na si Thess Gubi.
Magandang mag-alaga ng kanilang artista sina Richard at Carol kaya no wonder, maganda ang samahan nila. Next year ay full blast ang gagawing promotions ng Harvard USA ng kanilang line and expect more big stars na mapabilang na sa kanilang lumalaking pamilya.
She is looking forward na makasama ang buo niyang pamilya ngayong gabi. Bihira raw kasing mangyari na kumpleto sila kapag Pasko. Ni-recall nga ni Matet yung eksena sa Christmas special ng ABS-CBN noong Biyernes.
"Di ba ang cute naming tingnan nina Ate (Lotlot at Mama), magkakatabi kami. Actually, naiyak ako nong magkasama kami," kwento ni Matet.
Masaya si Matet sa magandang nangyayari sa career ni Nora. Wish nga niya ay magtuluy-tuloy ito. Sana rin daw ay gumawa na rin ng movie ang kanyang Mama Guy sabay biro na dapat ay kasama siya.
Natuwa si Matet nang malaman niyang nag-number one sa rating ang episode ng Maalaala Mo Kaya na pinagsamahan nila kamakailan. Very proud si Matet dahil marami ang nagkagusto ng kanyang performance at isa na rito si Papa Boyet de Leon niya.
"Sabi nga ni Papa, para raw akong si Jodi Foster, o di ba coming from the drama king?" sabi nito sabay tawa.
Nakakatuwa talaga itong si Matet. Masayang tao. Marunong makisama.
"Gusto ko lang maging masaya at ang pamilya ko. At sana, magtuluy-tuloy ang magandang nangyayari sa career ko. Yun ang wish ko ngayong Christmas at New Year."
"Akala ko, hindi ko makakasama si Mommy ngayong Christmas. Excited ako kasi nami-miss ko na siya talaga.
Sa December 31 ang balik ni Nikki kasama na niya ang kanyang Mommy Norma. Dito na siya sa Pilipinas magsi-celebrate ng New Year. If the year 2002 was good for Nikki, she hopes na mas maging maganda ang kanyang year 2003.
When asked kung nagwi-wish siya ng magandang lovelife ngayong 2003, "Kung may dumating okey lang, salamat. Pero kung wala, okey lang. Kung walang lovelife, dapat maganda ang career, di ba? Masaya naman ako kahit walang boyfriend. In fairness, naghihintay na talaga ang tao kung sino ang magiging boyfriend ko. Mas excited pa sila sa akin. Hahaha!."
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended