^

PSN Showbiz

Donuts lang bumibigay na si Rufa Mae

-
Mababaw lang ba talaga ang kaligayahan ni Rufa Mae Quinto? Dahil Donuts lang ang parating pasalubong ni Daboy sa kanyang leading lady ay bumigay na agad ito sa action star.

Totoo, mula mismo sa mga taong kasama ng dalawang bituin sa set ng pelikulang Hula Mo, Huli Ko ng Reflection Films.

Walang patid ang tunog ng mga telepono ng dalawa hangga’t di sila nagkakasama sa set kaya naman alam ng bawat isa ang eksaktong dating ng isa’t isa.

Imposible naman yatang pagbibilin lang ng Donut ang dahilan ng kanilang madalas na pagtatawagan, di ba?

Tsikahang ginagastusan nila ng libong halaga ng mga cell cards sa walang humpay nilang mga pagtatawagan.

Imagine, kundi raw parehong naka-executive plans ang dalawa ay mahina ang isang libong piso isang araw ang nagagastos nina Daboy at Peachy (Rufa Mae)sa kanilang walang katapusang long distance tsikahan.

Ayon pa sa aming source, breakfast, lunch at dinner calls ang routine ng dalawa puwera pa ang kanilang in between meals na tawagan.

Teka, may oras pa ba si Daboy na tsikahin pa ang asawang si LT? Ang huling balita: imbiyerna na si LT kay Booba, pero hindi lang nito mailabas-labas, dahil baka sumpungin si Booba at biglang hindi na ito mag-promote. Si LT pa naman ang line producer.

vuukle comment

AYON

BOOBA

DABOY

DAHIL DONUTS

HULA MO

HULI KO

IMPOSIBLE

REFLECTION FILMS

RUFA MAE

RUFA MAE QUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with