Pinabayaan ng singer/actress ang love child sa action star
December 22, 2002 | 12:00am
Masamang-masama ang loob ng isang kilalang action star dahil sa nakikitang kalagayan ng one-year old boy na anak nila ng isang kilalang singer-actress na hindi nabulgar sa showbiz.
Nasa kandili ng ina ang bata dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawang celebrities. Ayon sa action star ay nalulungkot siya dahil nang minsang makita ang lovechild nila ay payat ito, maputla at tila kulang sa mga bitamina. Gusto mang hiramin ng aktor ang bata ay ipinagkakait naman ito sa kanya ng singer-actress.
Balak ng action star na kumunsulta ng abogado para magkaroon din ng pagkakataon na mahiram ang kanilang anak para mapangalagaan nito ang kanyang kalusugan.
In demand sa paggawa ng maaaksyong pelikula ang aktor at isang recording artist naman ang singer-actress na madalas mag-show sa abroad.
Ibat iba na ang naglalabasang balita tungkol sa gagawing awards night ng Metro Manila Film Festival. May lumabas na magiging December 30 na ito.
Ayon sa chairman ng MMFF Media Relations na si Wilson Tieng ay tuloy sa December 27 ang awards night na gagawin sa PICC Plenary Hall at mapapanood sa RPN 9 na prodyus ni Wilson.
Magiging mahigpitan ang labanan sa best actor category pero llamado na si Vilma Santos para sa best actress award dahil sa excellent performance nito sa Dekada 70.
Nakakwentuhan ko si Mark Lapid, isa sa prodyuser ng Lapu-Lapu (kumakatawan kay Gob. Lito) ng Classic Films at sinabing ipinagpatuloy nila ang proyekto sa kabila ng kakapusan ng budget dahil sa pelikula. "Sayang kung di ito maipalalabas dahil ipinakita kung gaano katapang ang ating mga bayani gaya ni Lapu-Lapu na handang ipaglaban ang pagmamahal sa bayan. Ibig naming mapanood ito ng mga estudyante para maunawaan nila kung paano naging bayani si Lapu-Lapu," aniya.
Kasali din sa proyekto si Mark bilang isang mandirigma na kakampi ni Lapu-Lapu. Kahit magaling sa martial arts ang aktor ay kailangan pa rin niyang magsanay sa paggamit ng bolo laban sa mga kaaway. Kapag hindi abala sa taping o syuting ay aktibo ito bilang board member ng Pampanga.
"Gusto ko ring sundan ang yapak ng aking ama at maging gobernador dahil higit akong makakapaglingkod sa aking mga kababayan," dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Mark na marami naman siyang nakuhang ugali sa kanyang ama.
Tapos na ni Mark ang dalawang pelikula na pinamagatang Batas Militar at Amboy. Wala muna siyang lovelife sa ngayon at nakatuon ang kanyang pansin sa career at paglilingkod sa bayan.
Kahit garil pa sa pagsasalita ng Tagalog ay marami namang pinahanga si Nancy Castiglione dahil sa galing nitong umarte. Kaya naman isinama agad ito sa soap opera na Sana ay Ikaw na Nga. Nakatulong ang pagiging nobya niya ni Lucky Manzano noon kaya madali siyang nakilala at halos isang taon din tumagal ang kanilang relasyon.
May kapalit na ba sa puso niya si Lucky?
"No! Hindi ko pa boyfriend si Paolo (Contis). Na-trauma ako sa paghihiwalay namin ni Lucky kaya maingat na ako. Iniyakan ko rin nang husto ang paghihiwalay namin nito pero ngayon ay magkaibigan naman kami," aniya.
Natsitsismis din si Nancy kay Bong Revilla, Jr. Ano ang reaksyon niya rito? "Nagulat nga ako nang malaman ang tsismis. Pero hindi ito totoo. Hes very much married at never akong papatol sa may asawa. Siguro kaya kami na-link ay dahil may movie kami ni Bong," pagtatapos pa nito.
Ang pangarap niyang maging leading man ay si Fernando Poe, Jr. Nakalinya na rin ang pelikula nitong I Love You Virus.
Nasa kandili ng ina ang bata dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawang celebrities. Ayon sa action star ay nalulungkot siya dahil nang minsang makita ang lovechild nila ay payat ito, maputla at tila kulang sa mga bitamina. Gusto mang hiramin ng aktor ang bata ay ipinagkakait naman ito sa kanya ng singer-actress.
Balak ng action star na kumunsulta ng abogado para magkaroon din ng pagkakataon na mahiram ang kanilang anak para mapangalagaan nito ang kanyang kalusugan.
In demand sa paggawa ng maaaksyong pelikula ang aktor at isang recording artist naman ang singer-actress na madalas mag-show sa abroad.
Ayon sa chairman ng MMFF Media Relations na si Wilson Tieng ay tuloy sa December 27 ang awards night na gagawin sa PICC Plenary Hall at mapapanood sa RPN 9 na prodyus ni Wilson.
Magiging mahigpitan ang labanan sa best actor category pero llamado na si Vilma Santos para sa best actress award dahil sa excellent performance nito sa Dekada 70.
Kasali din sa proyekto si Mark bilang isang mandirigma na kakampi ni Lapu-Lapu. Kahit magaling sa martial arts ang aktor ay kailangan pa rin niyang magsanay sa paggamit ng bolo laban sa mga kaaway. Kapag hindi abala sa taping o syuting ay aktibo ito bilang board member ng Pampanga.
"Gusto ko ring sundan ang yapak ng aking ama at maging gobernador dahil higit akong makakapaglingkod sa aking mga kababayan," dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Mark na marami naman siyang nakuhang ugali sa kanyang ama.
Tapos na ni Mark ang dalawang pelikula na pinamagatang Batas Militar at Amboy. Wala muna siyang lovelife sa ngayon at nakatuon ang kanyang pansin sa career at paglilingkod sa bayan.
May kapalit na ba sa puso niya si Lucky?
"No! Hindi ko pa boyfriend si Paolo (Contis). Na-trauma ako sa paghihiwalay namin ni Lucky kaya maingat na ako. Iniyakan ko rin nang husto ang paghihiwalay namin nito pero ngayon ay magkaibigan naman kami," aniya.
Natsitsismis din si Nancy kay Bong Revilla, Jr. Ano ang reaksyon niya rito? "Nagulat nga ako nang malaman ang tsismis. Pero hindi ito totoo. Hes very much married at never akong papatol sa may asawa. Siguro kaya kami na-link ay dahil may movie kami ni Bong," pagtatapos pa nito.
Ang pangarap niyang maging leading man ay si Fernando Poe, Jr. Nakalinya na rin ang pelikula nitong I Love You Virus.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended