Paolo, Mirriam magkasama sa pelikula pero di magkikita sa buong pelikula
December 22, 2002 | 12:00am
Excited pa rin hanggang ngayon sina Paolo Bediones at Miriam Quiambao sa kanilang unang pagsasama sa pelikula ng Viva Films na magtatampok muli sa tambalan nina Sharon Cuneta at Richard Gomez. Sinabi nila na magkasabay nilang tinanggap ang balita na gagawa sila ng movie pero, hindi sila magkasama nang marinig ito.
"Sabi ko kahit taga-walis lang, okay na pero, serious ang roles naming dalawa, mahaba at Joel Lamangan pa. Di ako nakatulog. Nanood ako ng movie na nagkataong isang Sharon-Richard starrer," panimula ni Paolo na akala ko nang makita ko sa story conference ng pelikula ay magko-cover lamang para sa Extra Extra. Yun pala, kasama sila sa movie. Paolo will portray the role of a lawyer in the film, ex ni Sharon. Si Miriam naman ang current gf ni Richard.
Nung tanungin si Miriam kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Goma, sabi niya "Sana," sabay tawa.
"Actually, nun ko pa talaga gustong mag-pelikula. Sa high school pa lang nag-a -acting na ako kaya lang when I was first offered, hindi pa ako handa.
"Crush ko na rin ever since si Richard. I used to collect photos of him. Kaya this is a dream come true for me, and for Paolo too who promised na bago siya mag-30 years old ay gagawa siya ng movie.
"I wanted to do Lapu-Lapu pero, hindi naman ako kinontak. Nagulat nga ako when I heard and I read na kaya hindi ako kinuha ay nag-presyo ako ng P3M. Of course, this is not true," sabi naman ni Miriam na nagulat dahil nang dumating sila ni Paolo sa story conference ay nakita niyang maraming press. "Sayang hindi ko nadala yung make-up kit ko," sabi niya na sinagot ko naman ng, "Okay lang, maganda ka naman kahit walang make-up."
Dahil naghiwalay sila ni Hans Montenegro. ("Di kami bagay. Magkaiba ang interests namin.") madalas na siya ngayong i-link sa mga lalaki. Tulad ni Paolo ("Magkaibigan lang kami") and a certain Dr. Joel Mendez. ("Nagkasabay lang kaming manood ng isang movie premiere.")
Ngayong nag-aartista na siya sa pelikula, inaasahan na niya na dadami na naman ang mga controversies pero, accept na niya ito,
"Its all part of the job," sabi niya.
Agad nagpatawag ng isang presscon si Ara Mina nang lumabas sa isang pahayagan na sarado na ang kanyang kainang Osteria Italia.
"Hindi ito totoo, napaka-unfair dahil nagtatawagan sa akin ang maraming tao, nagtatanong kung totoo ito at kung matutuloy pa yung reservations nila. Tumawag din ang mga suppliers namin," panimula ni Ara Mina.
"Bakit ko ito isasara eh maganda ang kita niya. Marami kaming costumers. Maski mga taga-showbiz ay pumupunta rin dito. Si FPJ na lang ang hindi pa nakakakain dito. Pero, pupunta rin siya rito."
"Marami nga kaming plano for next year. Like magkakaroon kami ng painting exhibit and painting sessions. Itong mga paintings na nakasabit sa dingding ng restaurant will be on sale next year," sabi niya.
Si Ara ang pinaka-malaking endorser ng Osteria Italia na talaga namang napaka-sasarap ng pagkain. Maski na ang service ay mabilis. Tumayo lamang kami sa balkonahe dahilan sa ipinakikita ni Ara ang kanyang neon sign ay maraming tao na ang naglapitan.
"Siguro kaya nila sinasabi na sarado na kami ay nakikita nila na after 10 p.m. ay wala na kaming ilaw. Pero, talagang hanggang 10 p.m. lang kami," dagdag pa niya.
Ipinagmamalaki ni Ara na malaki na ang iniunlad ng kanyang acting ngayon. "Sabi nila maganda yung pagkakaatake ko ng role ni Didith Reyes sa Magpakailanman.
"She was there to guide me, andun sa harap ko, lalo na kapag kumakanta ako. Niregaluhan pa niya ako ng lipstick."
Maganda rin ang role niya sa Mano Po, ng Regal Entertainments entry to the Metro Manila Film Festival Phils.
"Swerte ko dahil it was intended for Assunta de Rossi, eh hindi niya ginawa kaya sa akin napunta. Yung role ko naman ay naibigay kay Kris Aquino. Sabi nila pang-award daw. Sana nga."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended