^

PSN Showbiz

Pati-pagti-text ni Assunta sa ina't kapatid pinakikialaman rin ni Jules

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Ang impresyon na nabubuo sa isip ng marami ay regular nang bumibisita sa kanyang ina at kapatid si Assunta de Rossi.

Sa mga panayam kasi kay Assunta, parang lumalabas na sa madalas nilang pagkikita ni Mommy Nette Schiavone ay iniimbita rin nito ang kanyang ina na dumalo sa kasal, dahil hindi makukumpleto ang kanyang kaligayahan kung wala du’n ang kanyang ina at kapatid.

Tapos na ang kasalan nang malaman namin na ang personal palang imbitasyon ni Assunta kay Mommy Nette ay nu’ng Oktubre pa, nu’ng kararating pa lang ni Mommy Nette mula sa Italya.

May uwi kasing kopya ng praise song si Mommy Nette na gusto niyang ibigay kay Assunta, maganda ang nilalaman ng tape, nakapanggigising ng kaluluwang nakalilimot.

Sabi ni Assunta sa kanyang ina, "Kesa bigyan mo ako ng kopya niyan, punta ka na lang kaya sa kasal ko?" ganu’n kaimpormal ang imbitasyon, ganu’n kabilis at kakaswal.

Kaya nu’ng mag-iiyak sa Startalk si Assunta na para bang kaawa-awa ito dahil ilang beses na nitong iniimbita ang kanyang pamilya na magpunta sa kasal nila ni Jules, pero ay tumatanggi pa rin ang mag-ina, ay nagtaka sina Mommy Nette at Alessandra.

Para kasing pinalalabas ng aktres na madalas silang mag-usap ni Mommy Nette, samantalang ang totoo ay nagti-text lang naman pala sila, at hindi pa ganu’n kadalas na nangyayari ang kanilang texting.

At naninibago kung minsan si Mommy Nette sa pagti-text ni Assunta kapag sumasagot na ito, iba-iba na ang mga salita ng aktres, nakapaninibago na ang mga salita ng aktres, nakapaninibago na ang istilo, saka masyadong mahaba.

Sa tagal na ng panahong ipinagsasama ng mag-ina, humigit-kumulang ay kabisado na ni Mommy Nette ang lengguwahe ni Assunta, ang pagdadaglat nito ng mga salita at pati ang haba ng pagti-text ni Assunta.

Pero hindi si Assunta kung minsan ang sumasagot sa kanya, si Cong. Jules, at kapag nagbabago na ang mga pananalita sa text ay tumitigil na si Mommy Nette.
* * *
Ang totoo, nu’ng ilang linggo pa ang layo ng kasalang Jules-Assunta, ay nagdadalawang-isip pa si Mommy Nette kung dadalo siya o hindi sa kasal.

Nagtatalo ang kanyang isip, kung minsan ay pupunta siya at kung minsan naman ay hindi na lang, pero namimili pa rin siya ng damit na maisusuot sa kasal ng kanyang anak.

Pero nu’ng malaman niyang lumipat na sa ABS-CBN si Assunta at tinalikuran na ng aktres ang GMA-7, du’n na nagdesisyon si Mommy Nette na hindi na lang siya pupunta, "Binura na niya ang lahat ng alaala ng kanyang nakaraan," sabi ni Mommy Nette.

Ipinagtataka rin ni Mommy Nette ang biglaang pagbabago ni Assunta, hindi na ito ang dati niyang mapagmahal at simpleng anak.

Ang tigas-tigas na raw ngayon ni Assunta, kung anu-ano nang mga salita ang lumalabas sa bibig nito ngayon, wala na ang anino ng dating Assuntang inalagaan niya mula sa pagiging sanggol hanggang sa magdalaga na.

"Inaamin ko naman na madalas kong sabihin, parang may kung anong pwersang pumasok sa bahay namin nitong mga huling buwan, parang may kung anong kakaibang pwersang lumukob sa katawan ng anak ko," umiiyak na sabi ni Mommy Nette.

ASSUNTA

JULES

KANYANG

KUNG

MOMMY

MOMMY NETTE

NETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with