^

PSN Showbiz

Agimat: Ipinapanood ng libre sa mga bata

-
Libu-libong bata ang pinasaya ni VRB Chairman Ramon "Bong" Revilla, Jr. last Dec. 18 sa pagpapaunlak nito na magkaroon ng advance screening para sa mga batang taga-Hospicio de San Jose at Harvester sa SM Megamall ng kanyang MMFFP entry na Agimat: Ang Anting-Anting ni Lolo.

Kabilang sa mga dumating sina Mylene Dizon, Jolo Revilla, Shaina Magdayao at ang iba pang cast ng movie.

Binigyan ni Bong ng tsinelas ang isang batang nanood na nakatapak.

Habang nanonood ang mga bata sari-saring reaksyon ang maririnig sa kanila. Apat na beses silang nagulat sa mga eksena. Marami ang natuwa kapag lumilitaw si Bong Revilla na lumilipad at pinakamalakas ang halakhakan ng mga bata kapag si Goyong naman ang nasa screen. Very effective naman si Mylene Dizon bilang manananggal dahil talagang natakot sa kanya ang mga bata. Sabi ng batang katabi ko, "hindi na ako kakain ng langonisa kasi manananggal pala ang gumawa nito."

Sabi pa ng isang bata, "Parang Superman si Bong Revilla. Sabi naman nung iba, "Parang pinaghalong The Mummy, Lord of the Rings, The Matrix, Tomb Raider ang dating ng teknolohiya ng nasabing pelikula.– Boni A. Casiano

ANG ANTING-ANTING

BONG REVILLA

BONI A

CHAIRMAN RAMON

JOLO REVILLA

LORD OF THE RINGS

MYLENE DIZON

PARANG SUPERMAN

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with