^

PSN Showbiz

Hindi buntis si Vanessa!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
May himig ng kalungkutan si Mommy Alma Prats, ang butihing ina nina Camille at John Prats nang makausap namin kamakalawa. Ibinalita nito sa amin na umalis papuntang States ang kanyang dalawang anak. Umalis daw ito noong Sunday at doon mag-i-spend ng Christmas.

"Malungkot kami kasi first time na mangyayari sa family na hindi namin kasama ang dalawang anak ko ngayong Pasko. Hindi kami sana’y," malungkot na kuwento sa amin ni Mommy Alma.

Ayon kay Mommy Alma, matagal na raw hinihingi ng kanyang mga anak ang nasabing bakasyon nagkataon lang na itong December ang ibinigay na schedule ng ABS-CBN Talent Center.

Bale sa mga kapatid ni Daddy Dondi sa Los Angeles, California magi-stay sina Camille at John. Pawang mga successful businessmen kasi ang mga kapatid ni Daddy Dondi sa America.

Ayon kay Mommy, gustuhin man niyang samahan sina Camille at John, hindi puwede dahil may tatlo pa siyang anak na kailangang asikasuhin.

"Gusto ko talagang makapagbakasyon sila roon at makapagpahina kahit two weeks lang. Ang mga uncle and auntie nila ang bahala sa kanila doon," kuwento pa ni Mommy Alma.

Kung magkakaayos, in between the vacation ay magkaroon ng show sina John at Camille sa California. May producer na matagal nang gustong kunin sina John at Camille even noong may show pa silang G-mik. Dalawa sila sa pinakasikat na young stars sa mga Pinoy sa States.

Sa December 31 ang balik nina John at Camille. Dito na sila magsi-celebrate ng New Year.
* * *
Now it can be told. Hindi buntis si Vanessa del Bianco. Ang balita ay ni-relay sa amin ng kaibigan naming si Melissa Remulla who used to work as talent handler in ABS-CBN Talent Center and is now based in San Diego, California working in a law firm. She is now married to Danvic Briones na dati ring taga Talent Center.

Recently ay nagkaroon ng show si Vanessa sa Speckles Theater sa San Diego kasama si Troy Montero.

Si Melissa ay dating talent handler ng Star Circle Batch 4 kung saan member si Vanessa. Nagkita silang dalawa after 3 years. Ayon sa kuwento ni Melissa, wala siyang nakitang signs of pregnancy ni Vanessa.

"Honestly, she’s not!" sabi ni Melissa. "My goodness, she dances so well and the audience in the show can attest that she isn’t pregnant. Marami siyang napasayang tao sa show."

Ayon kay Melissa, nakita niya ang kasiyahan sa mukha ni Vanessa. "I sensed that she has so much peace of mind now and she is very happy in Canada career-wise. She is into modeling in Canada. She went back to school din."

Nangako si Melissa that she will e-mail us the photos taken during the said show of Vanessa and Troy para naman mai-print namin sa column na ito.
* * *
Inamin ni Vilma Santos na hindi madaling mag-portray ng role ng isang submissive wife. Compared to her past movies na laging palaban, sa Dekada ’70 ay isa siyang weak wife and mom. Laging sumusunod sa kung ano ang gusto ng kanyang asawa at pamilya.

"I had to read the novel first para makita ko ang clear picture ng role ni Amanda Bartolome. Iba kasi ang role ni Amanda compared kay Lea Bustamante sa Bata, Bata Pa’no Ka Ginawa? Kaya pinaarte talaga ako dito ni Direk Chito (Roño) sa kung ano ang kailangang role. Kailangan kasing maging truthful kami sa character sa novel," sabi ni Vilma.

Seeing the movie in it’s entirely, masasabi naming sigurado na si Vilma sa Best Actress plum. Ang husay ng pagkakaganap niya sa nasabing role. This is really something new na ipakikita ni Vilma sa kanyang mga tagasubaybay.

Nakakabilib ang career strategy ni Vilma. Kumbaga, sigurado siya sa bawat galaw niya. Kahit once a year lang siyang gumawa ng pelikula, aasahan mong matindi ito at tiyak na sa box-office at awards. Kaya next year, sa award season, with Dekada ’70 asahan na naman ang pamamayani ni Vilma.

AMANDA BARTOLOME

AYON

BATA PA

CAMILLE

DADDY DONDI

MOMMY ALMA

SAN DIEGO

TALENT CENTER

VILMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with