^

PSN Showbiz

Onemig, no regrets na di nag-bold!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
As expected, dinumog ang by-invitation special screening ng Dekada ’70 sa Robinson’s Movieworld last week. Kumpleto ang cast ng movie na pinangungunahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon. Present din ang young cast ng movie na sina Piolo Pascual, Carlos Agassi, Danilo Barrios, John Wayne Sace, Dimples Romana at Marvin Agustin. Maagang dumating ang director ng movie na si Chito Roño. Present din si Lualhati Bautista, ang sumulat ng libro at script ng movie.

Sinuportahan ng ABS-CBN, Talent Center at Star Cinema top guns ang said premiere.

Marami ang pinaluha ng Dekada ’70. Marami ang hindi nakapigil habang pinanonood ito. Pero in the end, you will feel good dahil victorious pa rin ang pamilya Bartolome sa kabila ng pagkawala ng isa nilang mahal sa buhay at sa hirap na pinagdaanan ng pamilya para mamulat ang kanilang isip lalo na ng karakter ni Vilma na si Amanda Bartolome.

Dekada ’70
is one movie na iri-recommend naming panoorin n’yo ngayong Kapaskuhan. The movie will definitely warm your heart this Christmas.
* * *
Hindi man visible si Onemig Bondoc sa telebisyon, abala naman siya sa movies. Ginagawa niya ngayon ang Pinakamamahal, ang follow up movie nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa after their hit launching movie Forevermore under Star Cinema. He plays the third party sa romance nina Kristine at Jericho. Suwerteng maituturing si Onemig dahil sa dami ng kinonsider para sa role, siya ang napili ng Star Cinema.

May ginagawa rin siyang movie ngayon under Legacy Films, ang Message Sent kung saan siya ang ka-partner ni Alessandra de Rossi. Si Joven Tan ang director ng Legacy movie.

"At least 2 movies a year, okey na ako. Sa TV, I’m still waiting for my next project," sabi ng guwapong aktor.

Walang panghihinayang si Onemig na hindi niya tinanggap ang role sa pelikulang Bahid. Naniniwala si Onemig na sa lahat ng pagkakataon, kapag para sa iyo ang isang bagay, mapupunta ito sa ’yo.

Napansin din namin ang malaking improvement sa pangangatawan ni Onemig. Nakitaan namin ngayon siya ng maturity. Ika nga, pang-leading man na talaga si Onemig.

Bukod sa araw-araw na shooting, abala rin si Onemig sa provincial engagements for Department of Education kung saan siya ang spokesperson for the youth. Gano’n din ang mga activities niya sa Red Cross Youth kung saan, just like Piolo Pascual ay spokesperson din siya.
* * *
Ang suwerte ni Dianne dela Fuente. Sa rami ng singers sa kuwadra ng ABS-CBN ay siya ang napili para kantahin ang jingle ng Christmas station ID ng said network. Kaabang-abang kasi kapag gumagawa ng station ID ang ABS-CBN lalo na tuwing summer, tag-ulan at Kapaskuhan. Ang lakas ng dating ng song niyang "Put A Little Love".

"Suwerte talaga, imagine, sa rami naming singers sa ABS, ako ang pinakanta nila. Kaya tuwang-tuwa ako dahil every minute, naririnig ko ang boses ko sa TV at radio," sabi ni Dianne na kapansin-pansin ang kakaibang ganda lately.

Although may iba na nagsasabing another singer ang nasa likod ng boses ng nasabing song. Aware pala si Dianne na marami ang nalilito sa boses nila ni Carol Banawa.

"Although to some people who have seen me perform, alam nila ang boses ko at alam din nila ang kay Carol. I don’t mind dahil even at the time na nagsisimula ako, marami na ang nagsasabi sa akin na kaboses ko si Carol. Hindi big deal sa akin ’yun," sabi ni Dianne.

Hindi puwedeng tawaran ang kakayahan ni Dianne bilang singer. ’Di ba’t twice na siyang nagbida sa musical na Little Mermaid, sila ni Carol? At marami ang humanga sa kanyang performance.

AMANDA BARTOLOME

CARLOS AGASSI

CAROL BANAWA

DEKADA

DIANNE

MOVIE

ONEMIG

PIOLO PASCUAL

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with