Luke Mejares, iiwan na ang Southborder
December 17, 2002 | 12:00am
Hindi nagkamali si Jolina Magdangal sa pagtanggap ng role sa Home Alone D Riber na nagtatampok kay Dolphy. Bukod nga naman sa makakatambal niya ang "hari ng komedi", join pa rin siya sa Manila Film Festival Philippines na first time ay magaganap din sa Cebu, Davao at Pampanga.
"It was an honor na makasama si Tito Dolphy. Malaki na siyang artista pero, napaka-humble pa rin. Maraming pagkakataon siyang ibinigay sa akin para ako lumutang sa aming mga eksena. At hindi siya madamot sa mga advice," ani Jolina.
"Tinatrato niya ako ng napaka-ispesyal. Nagpadagdag pa siya ng mga eksena para raw mas humigpit pa ang aming bonding. Oh, hindi ba napaka-flattering nun?" dagdag pa niya.
After her pairing with the "king", ang inaasam pa ni Jolina ay ang pagsasama nila ng superstar na si Nora Aunor sa Anak ni Annie Batungbakal sa Viva Films. "Sana nga pumayag ang Superstar na gawin ito. Magiging isang malaking push ito sa aking career," dalangin niya.
Bumaklas na pala si Luke Mejares sa kanyang grupong Southborder. Limang taon din siyang naging soloista ng grupo.
"Kung saka-sakali man ay next year pa ito. At sana yung sumusuporta ay nandun pa rin," aniya sa album launch ng "Break Barriers" (BMG Records at Close-Up).
Ang awitin ni Luke sa album ay itinuturing niyang una at major solo project. Ang "Just A Smile Away", unang pinasikat ni Jaime Garchitorena.
"Honored ako dahil pinaka-popular jingle ito ng Close-Up. Kinakanta ko ito nung nasa high school ako."
Inaasahan na ang album will pave the way for more things to come for Luke, isang malaking konsolasyon sa napakalaking problema na kinaharap niya matapos ang kanyang maproblemang US tour.
Ang iba pang artists sa "Break Barriers" ay sina Ana Fegi/ "Closer You and I", Cooky Chua/"Got To Get Close To You", Radha of Kulay/ "Closer To You Baby" at marami pa.
Takot pang mag-direct ng pelikula si Marvin Agustin. Ito ay sa kabila ng mayroon na siyang dalawang nadidirek na MTV na ayon naman sa mga nakapanood ay very promising, may ibubuga.
"Ito talaga ang dream ko, ang maging isang direktor pero, kailangan ko pa ng panahon at ibayong pag-aaral bago ako mag-attempt na gawin ito. Iba magkwento ng buong pelikula," ang pahayag niya sa isang interview para sa pelikulang Dekada 70, ang lahok ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival Philippines. Ang pelikula rin na kung saan silang apat pang bagets (Marvin, Carlos Agassi, Danilo Barrios at John Wayne Sace) ay sinapawan daw ni Piolo Pascual.
"Hindi naman siguro dahil lahat naman kami ay ibinigay ang lahat naming magagawa para mapaganda ang aming mga roles. Mayroon din naman kaming sari-sariling highlights sa movie. Nagkataon lamang na naging daring yung highlight ni Piolo," pagtatanggol niya.
Sina Vilma Santos at Christopher de Leon ang gumanap ng roles ng kanilang mga parents na kasama nilang nag-cope during the Martial Law years.
"It was an honor na makasama si Tito Dolphy. Malaki na siyang artista pero, napaka-humble pa rin. Maraming pagkakataon siyang ibinigay sa akin para ako lumutang sa aming mga eksena. At hindi siya madamot sa mga advice," ani Jolina.
"Tinatrato niya ako ng napaka-ispesyal. Nagpadagdag pa siya ng mga eksena para raw mas humigpit pa ang aming bonding. Oh, hindi ba napaka-flattering nun?" dagdag pa niya.
After her pairing with the "king", ang inaasam pa ni Jolina ay ang pagsasama nila ng superstar na si Nora Aunor sa Anak ni Annie Batungbakal sa Viva Films. "Sana nga pumayag ang Superstar na gawin ito. Magiging isang malaking push ito sa aking career," dalangin niya.
"Kung saka-sakali man ay next year pa ito. At sana yung sumusuporta ay nandun pa rin," aniya sa album launch ng "Break Barriers" (BMG Records at Close-Up).
Ang awitin ni Luke sa album ay itinuturing niyang una at major solo project. Ang "Just A Smile Away", unang pinasikat ni Jaime Garchitorena.
"Honored ako dahil pinaka-popular jingle ito ng Close-Up. Kinakanta ko ito nung nasa high school ako."
Inaasahan na ang album will pave the way for more things to come for Luke, isang malaking konsolasyon sa napakalaking problema na kinaharap niya matapos ang kanyang maproblemang US tour.
Ang iba pang artists sa "Break Barriers" ay sina Ana Fegi/ "Closer You and I", Cooky Chua/"Got To Get Close To You", Radha of Kulay/ "Closer To You Baby" at marami pa.
"Ito talaga ang dream ko, ang maging isang direktor pero, kailangan ko pa ng panahon at ibayong pag-aaral bago ako mag-attempt na gawin ito. Iba magkwento ng buong pelikula," ang pahayag niya sa isang interview para sa pelikulang Dekada 70, ang lahok ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival Philippines. Ang pelikula rin na kung saan silang apat pang bagets (Marvin, Carlos Agassi, Danilo Barrios at John Wayne Sace) ay sinapawan daw ni Piolo Pascual.
"Hindi naman siguro dahil lahat naman kami ay ibinigay ang lahat naming magagawa para mapaganda ang aming mga roles. Mayroon din naman kaming sari-sariling highlights sa movie. Nagkataon lamang na naging daring yung highlight ni Piolo," pagtatanggol niya.
Sina Vilma Santos at Christopher de Leon ang gumanap ng roles ng kanilang mga parents na kasama nilang nag-cope during the Martial Law years.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended