^

PSN Showbiz

Jules, 3 weeks di natulog

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Parang isang eksena sa pelikula sa kasal nina Congressman Jules Ledesma at Assunta de Rossi na ginanap last Saturday sa Hacienda Euzkara, ang executive house ni Congressman Ledesma sa Negros Occidental. Sayang lang at kahit isang kamag-anak ng actress ay walang dumating. "Ilang beses kaming nag-attempt na kausapin sila para mag-attend. Pinadalhan namin ng plane ticket at invitation, pero mukhang mahirap talaga," sabi ng isang staff ni Cong. Ledesma na nag-coordinate sa nasabing kasalan. Maging ang father ni Assunta na naka-base sa Italy ay kinausap nila para mag-attend. Pero nag-decline rin kahit padadalhan siya ng plane ticket. Ayon pa sa staff ni Cong. Ledesma, nag-promise ang Italian father ng actress na sa church wedding na lang siya darating dahil sa trabaho niya ngayon.

Anyway, na-delay ng halos isang oras ang seremonya - officiated by San Carlos Mayor Eugenio Jose Lacson kasama ang iba pang local mayors - Calatraba Mayor Samuel Fabros, Toboso Mayor Victor Medoña, Escalante Mayor Santiago Barcelona at Salvador Benedicto Mayor Cynthia dela Cruz. Nag-start ang seremonya ng 11:15 at tumagal lang ng 15 minutes.

Sa seremonya, walang tigil sa pag-iyak sina Assunta at Jules. Panay din ang yakap ni Assunta kay Jules habang iyak nang iyak. Ang dalawang anak ng congressman na sina Cristina (10 years old) and Carlos (5 years old) ang ring bearer.

Ang designer na si Frederick Peralta ang gumawa ng damit ni Assunta - three piece coat and pants - piña. Maging ang barong ni Congressman ay gawa rin ni Frederick na umabot ng almost P100,000.

Bago ang kasalan, isang engagement dinner ang surprise ni Jules kay Assunta na ginanap sa 100 ft. man-made lagoon sa Euzkara. Sa nasabing party, binigay ni Congressman ang isang set of jewelry - South Sea Pearl set worth P500,00 na pormal na iniabot ni Jules kasama ang mga anak na sina Cristina and Carlos na parehong mas excited pa sa ama sa nasabing kasalan. Nagkaroon din ng fireworks na tumagal ng 15 minutes. Nag-participate sa nasabing engagement party ang halos 800 public school teachers na nag-light ng torch kasama ang mga students na nagharana.

Meron din silang balsa na naka-ready na parang eksena sa pelikula.

Ibang set pa ng jewelry ang ibinigay ni Jules during the wedding.

Before the wedding, sinabi ni Cong. Ledesma sa isang chance interview na almost three weeks din halos siyang walang tulog. Pero wala raw idea si Assunta na nagpupuyat siya dahil sa preperation ng kasal nila. "Na-realize lang niya the day before our wedding na ‘yun pala ang pinagpupuyatan ko," sabi niya.

Wala rin muna silang honeymoon dahil marami pa siyang tatapusing trabaho sa Kongreso tapos tuloy-tuloy na ‘yun para sa kanilang church wedding na either December of next year or sa January 2004. Duplicate ng wedding dress ng mommy ni Jules ang gagamitin ni Assunta na locally made except for the veil na hahanapin pa niya (Jules) dahil very simple lang daw ang damit ng mom niya at ang veil lang ang nagbigay ng classic touch.

Almost six months na silang live-in ng actress.

Anyway, hindi na rin na-compute ni Cong. Ledesma kung magkanong nagastos niya sa nasabing wedding. "Big family kami so, maraming bigay-bigay. Like ang cake bigay ng cousin ko. Ang ginamit naming tent, corporate tents," he said.

Grabe ang security sa nasabing wedding kaya walang nakapasok na observers sa Hacienda Euzkara.

ASSUNTA

CONGRESSMAN LEDESMA

CRISTINA AND CARLOS

FREDERICK PERALTA

HACIENDA EUZKARA

ISANG

JULES

LEDESMA

WEDDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with