^

PSN Showbiz

Lady produ, trying hard

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May sariling movie production ang babaeng ito at bilang prodyuser, madalas siyang kasama sa mga pelikulang pino-produce niya. Hindi lang basta special o cameo role kundi pangsuporta sa bida at buong pelikula ay naroon siya.

Minsan sa isang pelikulang ginawa nila ay papel ng asawa ng isang sikat na premyadong aktor ang role niya. Habang nagsusyuting ay hindi nito makuha ang tamang expression sa eksena at hindi makaarteng mabuti. Naka-take 7 na ang female produ kaya imbyerna na si direk. Takot naman siyang (produ) sigawan ito dahil baka matsugi siya at hindi na kuning direktor ng kompanya. Nagtiis na lang si direk sa paulit-ulit na pagtuturo sa lady produ para sa tamang pag-arte.

Maganda ang PR ng lady produ na trying hard mag-artista kaya marami itong kaibigan sa showbiz.
Sa Australia Magpapasko Si Binoe
Nag-last shooting day na ang Alab ng Lahi na tinatampukan nina Robin Padilla at Jacky Woo. Malaki rin ang production cost ng pelikula na kinunan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan at gumamit ng iba’t ibang sandata, costume ng mga Hapon at guerilla.

Anu-ano ang highlight ng period movie? "Maraming highlights dito gaya ng pakikipaglaban nina Jacky at Binoe sa civilian guards.

"Natutuwa ako dahil propesyonal ang dalawang actor at kailanman ay hindi ko sila naging sakit ng ulo dahil pareho silang magaling umarte. Kahit pagod na pagod na sila ay never mo silang kariringgan ng reklamo," anang direktor na si Bebong Osorio.

Kumusta naman ang Pasko ni Binoe? Ayon sa actor ay magtutungo siya ng Australia para dalawin ang kanyang mag-iina para makapiling sila this Christmas season.

Pag-uwi niya ng bansa ay magiging abala siya sa post production ng Alab ng Lahi.

"Kailangan kasi itong pagandahing mabuti. Gagamit din kami ng 5.1 dolby sorround," dagdag ni Binoe.

Balak ng dalawang aktor na magkasosyo sa movie na isali ito sa darating na Manila Film Festival.
Mylene, Manananggal
Inamin ni Mylene Dizon na nahirapan siya sa role bilang manananggal sa Agimat (Anting-Anting ni Lolo). "Walong oras akong nilagyan ng prosthetic make-up at nakaganito ako for four shooting days. Mahaba ang aking mga kuko at noong nag-aaway kami ni Bong Revilla ay nahihirapan ako dahil may pakpak pa ako at hindi ko alam kung nasasaktan ko siya. Kailangan ding garalgal ang aking boses kaya hindi gawang biro ang papel na ginampanan ko," sey niya.

Effective siyang kontrabida dahil maraming nagagalit sa kanya sa pagiging masama sa soap opera na Sa Dulo ng Walang Hanggan.

"Sa tunay na buhay ay mahilig akong mang-asar, alaskador kaya hindi na mahirap para sa akin ang gumanap na kontrabida. Pero may dream role pa rin ako- gusto kong maging taong grasa sa pelikula," aniya.

Hindi siya makakadalaw sa pamilya ngayong Pasko na naka-base sa Chicago dahil magiging abala sila sa promosyon ng Agimat at isa pa, hindi niya matagalan ang sobrang lamig doon.

Masaya ang kanyang lovelife dahil may inspirasyon siya sa katauhan ni Ira Cruz na miyembro ng Rock N Roll Band. Nagkaroon na siya ng limang boyfriend pero sa pagkakataong ito ay umaasa siya na tatagal ang relasyon nila ng nobyo.

Paano niya nami-maintain ang magandang pangangatawan? "Hindi ako kumakain ng karne. Gulay, manok at isda lang ang gusto kong kainin. Nalalansahan ako sa red meat. Nakakapag-exercise naman ako sa paglalaro ng badminton," pagtatapos niya.
Shaina, Hinihigpitan
Mas maganda pa si Shaina Magdayao kaysa sa kanyang ate na si Vina Morales kaya sa murang edad ay marami nang binatilyo ang nagpapalipad-hangin sa kanya. "Gusto ko po si Jolo Revilla dahil mabait siya pero ayaw kong magpaligaw dahil bata pa ako. Huwag muna ngayon," anang young star.

Inamin niya na mahigpit ang kanyang magulang dahil hindi siya pinapayagang lumabas nang walang kasamang nakatatandang kapatid.

Bukod sa pelikula at telebisyon ay nag-aaral siya sa Our Lords Grace Montesorri sa Fairview at first year high school na. Wala siyang special treatment na natatanggap sa iskwelahan kahit sikat na siya.

Ano ang feeling niya sa regalong kwintas ni Jolo noong nakaraang birthday niya? "Wala po, magkaibigan lang kami. Nagti-text kami sa isa’t isa. Hanggang doon na lang. Gusto ko pong mag-concentrate sa aking pag-aaral at pag-aartista kaya wala po akong time sa pag-ibig," paliwanag ng magandang dalagita.

Hindi na-enjoy ni Shaina ang kanyang pagiging bata dahil 10 months pa lang nang kunin sa commercial at anim na taon nang magsimula siyang mag-artista. Hindi niya naranasang makipaglaro sa mga bata dahil nasabak na agad sa trabaho.

At sa murang edad ay nag-iisip na si Shaina na mag-invest sa pagkuha ng franchise ng Ystilo na negosyo ng kanyang ate Vina.

vuukle comment

AGIMAT

AKO

ALAB

BEBONG OSORIO

DAHIL

NIYA

SHAINA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with