Juday minalasado sa probinsiya
December 15, 2002 | 12:00am
Grabeng treatment ang naranasan ng mga taga-Leonardo mula sa namamahala ng SM City-Pampanga. Maganda ang napagkasunduan na ang entertainment plaza ng mall ang gagamiting venue para sa Leonardo Mall Tour na tampok sina Judy Ann Santos at Sex Bomb Girls.
Dalawang araw bago mag-show ay tumanggap sila ng abiso mula sa mga taga-SM City-Pampanga, Carla Garcia, Joan Calalang at Jun Lugi, na hindi puwedeng gamitin ang lugar. Takot silang masira ang luagar. Nangyari na daw ang ganitong insidente sa nakaraang palabas doon ng Sex Bomb Girls.
Noong gabi ng Biyernes Dec. 6 ay inabot ng hatinggabi ang taga-Leonardo sa paggawa ng stage. Kinawawa pa sila, pinatayan sila ng ilaw kaya napilitan silang gamitin ang ilaw ng kanilang mga sasakyan.
Kinabukasan, Sabado, Dec. 7, isang oras bago magsimula ang palabas ay nakatanggap ang taga-Leonardo ng instruction mula sa mga namamahala ng mall na may order sa main office na magagamit na nila ang entertainment plaza.
Naging tuliro ang mga taga-Leonardo sa madaliang pagbaklas ng mga poster at mga banner para mai-display sa loob ng mall. Ang mga wire at cords kasama na ang amplifiers at speakers ay kinakailangan ilipat din.
Nagsimula ang palabas ng mag-alas-kuwatro ng hapon at maganda naman ang nangyari dahil behave ang audience kahit may tilian at masigabong palakpakan. Hindi natapos doon ang mga pahirap at inconveniences na naranasan ng taga-Leonardo dahil may order na kailangan sa stage na nasa labas ng mall mag-perform ang Sex Bomb Girls.
Maganda ang sumunod na pangyayari at hanggang natapos ang palabas ay walang kamalay-malay ang mga nandodoon sa mga aberyang dinanas ng taga-Leonardo. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended