^

PSN Showbiz

"Little Christmas Tree" malayo sa version ni Nat King Cole

-
Mahirap maghanap ng bagong Christmas album. Halos puro mga dati nang release noong mga nakaraang taon ang makikita natin sa mga record outlets.

Nandyan pa rin ang bestseller na "Christmas In Our Hearts" ni Jose Mari Chan na sa tuwing Kapaskuhan ay bumebenta ng at least 40,000 copies. Ewan ko lang ngayon na grabe talaga ang piracy!

It’s really a big surprise na makita ang "Hands On Christmas" album released by Viva Records. Bukod kasi sa bago talaga ito ay para sa isang worthy cause pa kaya nabuo ito.

Lahat kasi ng proceeds from "Hands On Christmas" ibibigay sa Hands On Manila Foundation. Ang grupong ito kasi ang isyang nagpasimuno ng isang volunteering program na marami talagang tao ang natutulungan.

Ang mga leading artists na kasama dito, libre ang serbisyo bilang sarili nilang ambag sa foundation. Pati na ang mga arrangers, musical directors at composers.

Pakinggan ninyo ang "Mamacita," version ni Antoinette Taus. Iba rin ang pagkadale ng "Little Christmas Tree" ni Butch Montejo. Kahit malayo ito sa original ni Nat King Cole, masarap pakinggan dahil maganda talaga ang boses ni Butch.

Huwag bibitaw dahil tatangayin kayo ng performance ni Jaya ng "The Christmas Song". Tunay na de-kalidad ang tinig ni Jaya. World class, ‘ka nga.

Isa pang choice cut ang "My Grown-Up Christmas List" ni Donna Cruz. Kung hindi pa tapos ang listahan ninyo, pakinggan muna si Donna.

Iba talaga ang taginting ng boses ni Vina Morales. Feel na feel ang message ng kantang "Dalangin Sa Pasko", dahil sa maganda niyang interpretasyon.

Medyo tipong novelty ang version ni Rico J. Puno ng "Miss Kita Kung Christmas". Kung nag-enjoy kayo sa Susan Fuentes at Sharon Cuneta versions, tiyak kwela sa inyo ang cover ni Rico Baby. Take note ang kanyang mga adlib.

Ang tradisyonal na "O Holy Night" naman ang ambag ni Regine Velasquez. Pero ang kanyang rendition is of course not traditional. Nandoon ang mga pamilyar na pakurbakurbang birit na para maabot kahit ng isa ring professional singer ay dapat ngumuya muna ng isang toneladang luya. O kaya’y mag-practice na may mga batao sa bibig–sa tabing dagat–tulad ni Regine.

Di kumpleto ang isang various artist Christmas album kapag wala si Mega. Ayun ang "Silent Night" ni Sharon Cuneta na damang-dama natin ang kahulugan ng pagsilang ng Mesiyas. Si Mega talaga, ever reliable!

Ang "Let There Be Peace On Earth" ang finale sa album at tiyak na pagdating sa take na ito nakikikanta na kayo sa mga U.P. Singing Ambassadors.
* * *
Isa pang maganda sa Pasko ay may dahilan tayong magsulat ng mga medyo personal at mga temang malapit sa ating puso. Kaya naman starting this Sunday, allow me to share some thoughts with you, dear readers.

Minsan nasasabi kong hindi palaging tama ang old adage na, "It’s better to give than to receive".

Lalo pa’t kung nagbibigay nga tayo, pero naghihintay naman ng kapalit. Higit kasing maganda ang magbigay o gumawa ng mabuti sa ating kapwa na walang hinihintay na kapalit.

At higit na mahalaga na tumanggap tayo ng tumanggap kaysa magbigay. Ang atin namang tatanggapin hindi mga materyal na bagay. Ang dapat nating matanggap ay ang mga kapintasan o mga shortcomings ng ating mga kaibigan, mga mahal sa buhay, mga kamag-anak; kahit sa mga taong di natin kilala.

Ang pagtanggap kasi ng mga kakulangan ng ating kapwa ng maluwag sa ating dibdib ay malaki ang maitutulong sa ating pagyabong na ispiritwal. This particular process really accelerates our spiritual growth.

ANTOINETTE TAUS

BUTCH MONTEJO

CHRISTMAS

CHRISTMAS IN OUR HEARTS

CHRISTMAS SONG

DALANGIN SA PASKO

HANDS ON CHRISTMAS

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with