Bong galit sa desisyon ng MMFFP committee!
December 15, 2002 | 12:00am
Nagpupuyos sa galit si Bong Revilla during the presscon of his movie, ang Agimat. Napikon siya sa naging desisyon ng Metro Manila Film Festival Philippines na gawin nang siyam ang bilang ng mga pelikulang kasali sa MMFFP ngayong Pasko. Earlier, inihayag ng screening committee ng MMFFP sa pamumuno ni Caloocan Mayor Rey Malonzo na ang dalawang nahuling pelikula, ang naging numbers 8 and 9 (Spirit Warriors The Shortcut at Lastikman) ay makakasali rin sa Filmfest pero maipapalabas ang mga ito sa Enero 1 na. Ngayon bilang konsiderasyon sa pitong unang napili at maging sa dalawang huli, hahabaan ang araw na itatakbo ng festival. Sa halip na 10 araw, gagawin itong 17 araw na.
Maraming okay sa naging desisyon pero, hindi lahat dahil nabago ang desisyon ng screening committee who announced na as of Friday, December 13, sali na ang siyam na pelikula Ang Agimat (Imus Prods.), Ang Alamat Ng Lawin (FPJ Prods), Mano Po (Regal Entertainment), Hula Mo, Huli Ko (Reflection Films), Lapu Lapu (Calinauan Cineworks, Classic Films at Seeds of Zion, Inc), Dekada 70 (Star Cinema) at Home Alone D Riber (RVQ Prods).
Di nga ba dapat magalit si Bong na bilang isa sa mga producers ng Imus Prods ay gumastos ng mahigit sa P30M para sa Ang Agimat. Paano pa nila mababawi ang puhunan nila kung mababawasan pa ang mga sinehan na paglalabasan ng kanilang mga pelikula para ma-accommodate ang siyam na pelikula? Sana nga naman sa simula pa ay alam nila na siyam ang entries, para walang ganitong problema na lumalabas.
Hindi lamang naman si Bong ang tutol sa naging pasya ng MMFFP screening committee. Tutol din daw ang mga producer at star ng limang entries. Gaya ni Fernando Poe, Jr. na nag-join lamang to help and support the dying movie industry. At si Dolphy.
Ang nakakatakot pa nito, kapag nagkasundo-sundo sila, ay baka last time na nila ito sa festival. Eh, sino pa ang sasali next time? Ang maliliit bang mga producer na hindi naman nabibigyan ng importansya sa MMFFP dahil maliliit sila at di kayang gumawa ng malaking pelikula na pang-festival ang quality?
Dapat pinangatawanan na lamang ng MMFFP ang una nilang desisyon. Walang magagalit o maghihinanakit kung nag-stick sila sa rules and regulations. Pero, dahil sila ang unang nag-break ng rules, ayan nagkakagulu-gulo sila.
Speaking of Bong, all out ang promo nito para sa Ang Agimat na launching vehicle ng kanyang anak na si Jolo Revilla. Tulad nang ginawang pagsusuporta ng kanyang ama nun sa kanya, suportado rin niya ang anak sa Ang Agimat.
Para masiguro ang tagumpay ng anak at maging ng kanyang pelikula, talagang ginastusan nilang magkakapatid ito ng malaki, mula sa set, costumes hanggang special effects. Pawang A-1 people ang kinuha niya hindi lamang para lumabas sa pelikula kundi para magtrabaho behind the cameras.
Nangunguna rin sa pelikula si Sen. Ramon Revilla, Shaina Magdayao, Goyong, Carlos Morales, Nancy Castiglione, Mylene Dizon, Gina Alajar, Jimmy Fabregas at marami pang iba.
Isa pang maswerte itong si Jolina Magdangal. Hindi lamang siya mayroong pelikula sa gaganaping Metro Manila Filmfest Philipines Home Alone D Riber iginawa pa rin siya ng GMA7 ng isang Christmas special A Jolina Christmas Specialna mapapanood sa Disyembre 22, 9:30 n.g.
Sa direksyon ni Bobby Garcia, makikita rito ang isang Jolina na gumagawa ng mga numbers na hindi pa niya nagagawa.
Maraming okay sa naging desisyon pero, hindi lahat dahil nabago ang desisyon ng screening committee who announced na as of Friday, December 13, sali na ang siyam na pelikula Ang Agimat (Imus Prods.), Ang Alamat Ng Lawin (FPJ Prods), Mano Po (Regal Entertainment), Hula Mo, Huli Ko (Reflection Films), Lapu Lapu (Calinauan Cineworks, Classic Films at Seeds of Zion, Inc), Dekada 70 (Star Cinema) at Home Alone D Riber (RVQ Prods).
Di nga ba dapat magalit si Bong na bilang isa sa mga producers ng Imus Prods ay gumastos ng mahigit sa P30M para sa Ang Agimat. Paano pa nila mababawi ang puhunan nila kung mababawasan pa ang mga sinehan na paglalabasan ng kanilang mga pelikula para ma-accommodate ang siyam na pelikula? Sana nga naman sa simula pa ay alam nila na siyam ang entries, para walang ganitong problema na lumalabas.
Hindi lamang naman si Bong ang tutol sa naging pasya ng MMFFP screening committee. Tutol din daw ang mga producer at star ng limang entries. Gaya ni Fernando Poe, Jr. na nag-join lamang to help and support the dying movie industry. At si Dolphy.
Ang nakakatakot pa nito, kapag nagkasundo-sundo sila, ay baka last time na nila ito sa festival. Eh, sino pa ang sasali next time? Ang maliliit bang mga producer na hindi naman nabibigyan ng importansya sa MMFFP dahil maliliit sila at di kayang gumawa ng malaking pelikula na pang-festival ang quality?
Dapat pinangatawanan na lamang ng MMFFP ang una nilang desisyon. Walang magagalit o maghihinanakit kung nag-stick sila sa rules and regulations. Pero, dahil sila ang unang nag-break ng rules, ayan nagkakagulu-gulo sila.
Para masiguro ang tagumpay ng anak at maging ng kanyang pelikula, talagang ginastusan nilang magkakapatid ito ng malaki, mula sa set, costumes hanggang special effects. Pawang A-1 people ang kinuha niya hindi lamang para lumabas sa pelikula kundi para magtrabaho behind the cameras.
Nangunguna rin sa pelikula si Sen. Ramon Revilla, Shaina Magdayao, Goyong, Carlos Morales, Nancy Castiglione, Mylene Dizon, Gina Alajar, Jimmy Fabregas at marami pang iba.
Sa direksyon ni Bobby Garcia, makikita rito ang isang Jolina na gumagawa ng mga numbers na hindi pa niya nagagawa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended