^

PSN Showbiz

Eto si Lady Morgana, mas mabangis, malupit, pero super-sosyal!

- Veronica R. Samio -
Sa malas, hindi na makakaalis si Jean Garcia sa kanyang image na kontrabida. Ang tanging konsolasyon niya ay mas nakikilala siya ng tao at ang role niya sa TV ay hindi naman niya nadadala sa tunay na buhay. Hindi galit ang mga viewers sa kanya. In fact, love nila siya. Ang advertisers binibigyan siya ng commercial. Maski ang press ay ginawa siyang Best Actress para sa kanyang role na Madam Claudia.

Pagkatapos niyang magkalat ng lagim at pahirapan si Kristine Hermosa sa Pangako Sa ‘Yo, si Lorna Tolentino naman ang pahihirapan niya sa Kay Tagal Kitang Hinintay.

Simula kahapon (Disyembre 13), 7:30-8:00 n.g., ABS CBN, Lunes hanggang Biyernes nagpakilala na siya bilang lady Morgana Frost, sosyalerang kapatid ni Brigita (Bing Loyzaga) na nakapag-asawa ng isang duke at matagal nang naninirahan sa Paris. Umuwi siya dito dahilan sa kanyang kapatid.

"Kumpara kay Madam Claudia, laging nakangiti si Lady Morgana. Pero kasing-salbahe rin siya kundi man mas salbahe pa.

"Nung una nga ayaw kong tanggapin ang role pero nang malaunan, nakita ko ang bagong hamon sa kanyang karakter. Sosyal siya, trend setter, fencer, equestrienne pero, bruha. I hope na katulad ni Madam Claudia ay magtatatak din siya sa isipan ng mga manonood," ani Jean na happy sa takbo ng kanyang career ngayon dahil bukod sa TV ay kasali rin siya sa sequel ng Moral. Ginagampanan niya ang role na unang ginampanan ni Gina Alajar. Kasama rin niya sina Dina Bonnevie, Cherry Pie Picache at Eula Valdez. Nasa direksyon pa rin ni Marilou Diaz Abaya.

"Kaya nga ayaw ko pang mag-asawa. Gusto ko munang mag-concentrate sa aking career para kahit mag-asawa na ako, nagsawa na ako, pwede ko nang talikuran ang pag-aartista and settle anywhere else with my partner and children (She has Jennica, 12 yrs old and Kataro, 6 months old, both well-loved by her partner na ayaw niyang i-reveal ang pangalan). Mga 2005 siguro.

"Payag naman ang ka-partner ko. Masaya siya sa nangyayari sa aking career. Ayaw niya lang ay yung mag-bold ako, magpakita ng parts ng aking body, lalo na ng boobs.

"Alam din naman niya ang trabaho ko dahil graduate siya ng filmmaking sa La Salle. Nagtatrabaho siya sa isang advertising agency sa Japan pero, may mga negosyo rin siya. Gusto rin niyang magtayo ng advertising agency dito pero I discouraged him. He comes home once a month at mga 3-4 days siyang nagi-stay dito."
* * *
Naka-recover na si Jenine Desiderio sa kanyang failed marriage kay Juan Miguel Salvador, father ng kanyang 4 year old girl named Janella.

"Nahirapan ako to cope but I had to be strong for my daughter. I had to be sane all the time. Trabaho ang nakatulong ng malaki.

"At peace na ako with myself. I did everything I could to save the marriage but he didn’t.

"No, wala akong balak to seek for an annulment. I want my daughter to feel she’s part of a family," anang dating Miss Saigon who alternated with Lea Salonga and Monique Wilson for the role in London. Apat na taon niyang ginampanan ang role na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makabili ng sarili niyang bahay at kotse.

"Inoffer ako para mag-renew ng contract pero, tumanggi ako. I decided to come back to make a name for myself. Enjoy ako sa variety of roles na tinatanggap ko rito.

Sina Jenine at Carlos Morales ang mga kontrabida sa Hula Mo, Huli Ko ng Reflection Films, na nagtatampok kina Rudy Fernandez at Rufa Mae Quinto sa lead roles.

Isang policewoman si Jenine na bino-boyfriend lahat ng pulis. Isa siyang makating babae. Mayroon siyang kissing scene kay Patrick dela Rosa.

Si Carlos naman ang doktor na lider ng isang kulto.

Kasama rin sa pelikula na nasa direksyon ni Boy Vinarao sina Alvin Anson, Jazmine Reyes at ‘Menggie Cobbarubias.

AKO

ALVIN ANSON

BEST ACTRESS

BING LOYZAGA

BOY VINARAO

CARLOS MORALES

MADAM CLAUDIA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with