Movie press, ginutom, hiniya sa giant Christmas tree lighting
December 11, 2002 | 12:00am
Ginutom, inabala at hiniya ng mga organizing committee ng Araneta Center ang mga movie press na nagsidalo para mag-cover ng kanilang pabuloso at engrandeng giant Christmas tree lighting last November 24.
Taun-taon, sinasaksihan namin ang isa sa pinakamahalagang okasyong ito ng Araneta Center bilang hudyat ng tinatawag nilang Yuletide celebration. Ilang taon itong hinawakan ng GMA 7 hosted by German Moreno, sapul pa nung 1981. Ang giant Christmas tree ay 85 feet tall at napapalamutian ng 10,000 multi-colored bulbs at ikinokonsiderang pinakamataas na Christmas tree sa Lungsod Quezon.
Sa taong ito, isang resin-crafted, sleigh-riding Santa Clause pulled by seven reindeers crossing midway the street mula sa Fiesta Carnival patungo sa tree ang kanilang isinama bilang atraksyon.
Umaabot sa 2,880 oras itong ginawa ng 12 katao sa loob ng 30 araw.
As part ng austerity measures ng mga organizing committee ng Araneta Center ay hindi sila nag-imbita ng mga movie press sa taong ito. Hindi rin sila naghanda para sa pagdating ng media people kaya super-dedma sila sa kanila.
Isang two-hour extravaganza show hosted by Marvin Agustin at Dominic Ochoa ang naganap bago sinindihan nina Nora Aunor at ang butihing alkalde ng Lungsod Quezon, si Kgg. Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte.
Okey na sana sa mga movie press na hindi sila pinakain ng mga namamahala sa okasyon, pero ang ipagtulakan sila palabas ng kung sino lang at hambog na tauhan ng Araneta Center ay hindi nila mapapalagpas. Gayundin ang mahigit sa 100 sekyu na nakatalaga roon at parang basurang winalis at itinataboy ang mga movie press ay walang kapatawaran. Boni A. Casiano

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended