^

PSN Showbiz

Marriage proposal ni Ylmaz kay Ruffa tinanggihan ni Annabelle

- Veronica R. Samio -
Dumating kamakailan sa bansa ang Turkish boyfriend ni Ruffa Gutierrez na si Ylmaz Bektas gaya ng kanilang napagkasunduan nang payagan nito ang kanyang girlfriend na manatili ng bansa ng mga isang taon para i-pursue ang kanyang showbiz career. Sinamantala na rin nito ang pagkakataon para mag-propose ng marriage kay Ruffa at hingin ang kamay nito in marriage sa kanyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Sa kasamaang palad ay di tinanggap ni Annabelle ang kanyang proposal at sinabi na hindi pa panahon para mag-asawa si Ruffa. Nangako ito na sa isang taon ay papayagan na nila na mag-asawa si Ruffa. Isang engrandeng engagement party ang magaganap para rito.

Di rito magpa-Pasko si Ruffa. Aalis siya sa mismong araw ng Pasko (Dis.25) para magtungo ng US para magbakasyon at magpahinga. Sampung araw siyang mawawala. Babalik siya para sa taping ng Habang Kapiling Ka.
*****
Di akalain ni Lito Lapid na magiging isang probable entry para sa Metro Manila Film Festival Philippines ang pelikulang Lapu Lapu. Buti na lang di nasayang ang pagpapalaki ng katawan na ginawa niya bilang paghahanda sa kanyang role sa nasabing pelikula.

"Hirap din kami sa tubig dahil sa ilalim ng bundok kami nag-shooting. Kinailangan na magdala kami ng sari-sarili naming tubig.

"Matagal na akong artista pero, dito, binantayan ko ang mga dialogues ko. Baka kasi lumabas ang pagiging Kapampangan ko. Dapat, wala akong punto," anang aktor.

Maganda siguro kung masasakyan nila sa parada ang galleon na ginamit sa pelikula. Malaki ito, may sukat na 18 metro at may bigat na 15 tonelada. Ang lubid na ginamit dito ay may bigat na dalawang tonelada.

"Nasakyan ito ng mahigit sa 100 katao pero, hindi lang namin pinaandar dahil baka mabuwal. Kapag napanood n’yo ito sa pelikula ay makikita n’yo ito sa kanyang kabuuan, walang daya, di kala-kalahati," kwento naman ng direktor na si William Mayo.

"Pagkatapos namin itong gamitin ay ginawa naming donasyon sa Subic. Ganundin ang ilang costumes na ginamit namin. Kapalit ito ng libreng pagpapagamit sa amin ng Subic para sa aming shooting," dagdag pa ni Direk William.

Leading lady ni Lito sa Lapu Lapu ang seksing si Joyce Jimenez na gumaganap ng role ng kanyang asawa. Kasama rin sina Roi Vinzon, Vic Vargas, Gloria Sevilla, Isabel Lopez, Jeric Raval, Dante Rivero, Julio Diaz, Boots Bautista, Dinah Dominguez, Bon Vibar, Cloyd Robinson, Mark Lapid, Patrick dela Cruz at Archie Adamos.
*****
Kung hindi dahil sa Home Along Da Riles, baka tuluyan nang nag-retiro si Dolphy. Nakahanda na siyang tumalikod ng showbiz at manirahan na lamang sa US nang dumating ang offer ng Dos para sa nasabing sitcom.

"Kinondena na kami ng tao nun ni Zsazsa (Padilla), binabanatan. Maski nga nung nagsisimula na ang Riles ay ayaw pa nilang tumigil. Kaya nga akala ko katapusan na pareho ng aming career. Pero, nagbago pa rin ang ihip ng hangin.Umangat muli ang aking career.

"Ngayon naka-10 taon na kami sa Riles.

"Nung una, hindi pa mag-asawa ang roles namin ni Nova (Villa) na siya ring sumusulat ng script ng show. Gusto ko kasing maiba ang roles namin sa roles naman namin ng nasirang Nida Blanca sa John en Marsha. Pero, later on, naging mag-asawa rin kami. Wala namang tutol ang manonood. Para ngang gusto nila ang nagiging takbo ng buhay namin sa Riles. Dalangin ko na lamang na sana ay magtagal pa ito," ani Dolphy na nasorpresa sa ganda ng special na ginawa ng Dos bilang selebrasyon ng 10th anniversary ng show.

ANNABELLE RAMA

ARCHIE ADAMOS

BON VIBAR

BOOTS BAUTISTA

CLOYD ROBINSON

DANTE RIVERO

LAPU LAPU

PARA

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with