Hubad na larawan ang pambayad sa taksi ng aktres
December 8, 2002 | 12:00am
Noon ay sikat na sikat ang sexy actress na ito. In-demand sa paggawa ng pelikula kaya nakaipon naman ng pera. Pero dumating ang panahong nanamlay ang career dahil tumaba at naging pabaya sa trabaho, kung kani-kaninong lalaki na-link at nagkaroon ng relasyon.
Ngayon ay madalang na lang itong gumawa ng pelikula at karamihan ay pangsuporta na lang ang papel na ginagampanan. Dahil mataba, hindi na pwedeng maging bida. Kapag may taping ito ay kulang o walang pambayad sa taxi. Kaya binobola ang driver at ginagawang pambayad ay hubad niyang larawan.
Matagal naming nakakwentuhan si Zsazsa Padilla sa presscon ng Home Alone D Riber. "Very touching ang movie namin at talagang tatamaan ka lalo na sa mga madadramang eksena. Kakaiba ang karakter ko rito-isang plain housewife. Nagkahiwalay kami ni Dolphy dahil nakulong ito sa isang krimeng hindi naman niya nagawa," aniya.
Ano naman ang wish niya ngayong Pasko? "Siyempre good health at peace for the whole world. Sana mawala na ang corruption, terrorism at maraming problemang nararanasan natin. Siyempre wala na rin akong mahihiling pa sa buhay kundi kasal na lang. Very stable pa rin ang aming relasyon ng aking mahal," anang aktres.
May dream role ka ba? tanong namin sa magandang aktres.
"Gusto ko ang mga movies ni Sharon Cuneta at type kong gampanan yong mga ala-Madrasta ang dating. Gusto ko rin yong mga pelikulang nagawa ni Vilma Santos like Broken Marriage or Relasyon."
Si Wowee Posadas ay isang musician na may passion for music, kaya naman itinatag nito ang Evolution Music. Bilang musician ay nakapag-recording na rin ito kasama ang mga sikat na mang-aawit na sina Ogie Alcasid at Ella Mae Sayson.
Bakit niya naisipang magtatag ng Evolution Music? "I put up this company para ma-recognize ang mga music artist at kaya ko napili si Judith Banal bilang recording artist namin ay dahil hanga ako sa kanyang singing talent at matagal ko na rin siyang kakilala dahil magkakasama kami noon sa banda. She expresses interest for recording in my company kaya kinuha ko siya," paliwanag nito.
Inamin naman ni Judith Banal na sa kabila ng maraming biyahe niya sa abroad bilang mang-aawit ay may kulang pa sa buhay niya.
"Gusto kong magkaroon ng isang awitin na sisikat at maa-identify ako pero hindi naman ako umaasa nang lubusan," aniya.
"Walang nag-influence sa akin para gayahin ko sila. Nanggaling ako sa musically-inclined family kaya may sarili akong istilo sa pag-awit," dagdag pa nito.
Mabilis ang pag-angat ni Aubrey Miles at madali nitong nakamtan ang tagumpay bilang artista. Ayon sa sexy actress utang niya ang lahat kay Mother Lily na nagbigay sa kanya ng break via Prosti. Nabigyan pa siya nito ng maraming assignment gaya ng Unat Huli katambal si Richard Gomez.
Bukod sa pelikula ay kinuhang new image model ng Herbench ang aktres at ng La Tondeña para sa 2003 calendar nito.
Natural lang na sa pagsikat nito ay masasabak na siya sa intriga. Matunog ang awayan nila ni Maui Taylor dahil pinagbibintangang siya ang nagkalat ng balitang natulog ito kasama ang photographer. Ayon kay Aubrey ay hindi niya ito magagawa kay Maui dahil pareho silang taga-showbiz at magkaibigan pa sila. "Ayaw ko nang may kaaway sa showbiz dahil hindi maganda na nagsisimula pa lang ako ay magkakaroon na ng kontrobersya. Gusto kong magtrabaho para makatulong sa aking pamilya at marami pa akong pangarap sa aking career," sey pa nito.
Ngayon ay madalang na lang itong gumawa ng pelikula at karamihan ay pangsuporta na lang ang papel na ginagampanan. Dahil mataba, hindi na pwedeng maging bida. Kapag may taping ito ay kulang o walang pambayad sa taxi. Kaya binobola ang driver at ginagawang pambayad ay hubad niyang larawan.
Ano naman ang wish niya ngayong Pasko? "Siyempre good health at peace for the whole world. Sana mawala na ang corruption, terrorism at maraming problemang nararanasan natin. Siyempre wala na rin akong mahihiling pa sa buhay kundi kasal na lang. Very stable pa rin ang aming relasyon ng aking mahal," anang aktres.
May dream role ka ba? tanong namin sa magandang aktres.
"Gusto ko ang mga movies ni Sharon Cuneta at type kong gampanan yong mga ala-Madrasta ang dating. Gusto ko rin yong mga pelikulang nagawa ni Vilma Santos like Broken Marriage or Relasyon."
Bakit niya naisipang magtatag ng Evolution Music? "I put up this company para ma-recognize ang mga music artist at kaya ko napili si Judith Banal bilang recording artist namin ay dahil hanga ako sa kanyang singing talent at matagal ko na rin siyang kakilala dahil magkakasama kami noon sa banda. She expresses interest for recording in my company kaya kinuha ko siya," paliwanag nito.
"Gusto kong magkaroon ng isang awitin na sisikat at maa-identify ako pero hindi naman ako umaasa nang lubusan," aniya.
"Walang nag-influence sa akin para gayahin ko sila. Nanggaling ako sa musically-inclined family kaya may sarili akong istilo sa pag-awit," dagdag pa nito.
Bukod sa pelikula ay kinuhang new image model ng Herbench ang aktres at ng La Tondeña para sa 2003 calendar nito.
Natural lang na sa pagsikat nito ay masasabak na siya sa intriga. Matunog ang awayan nila ni Maui Taylor dahil pinagbibintangang siya ang nagkalat ng balitang natulog ito kasama ang photographer. Ayon kay Aubrey ay hindi niya ito magagawa kay Maui dahil pareho silang taga-showbiz at magkaibigan pa sila. "Ayaw ko nang may kaaway sa showbiz dahil hindi maganda na nagsisimula pa lang ako ay magkakaroon na ng kontrobersya. Gusto kong magtrabaho para makatulong sa aking pamilya at marami pa akong pangarap sa aking career," sey pa nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended