^

PSN Showbiz

Gail Blanco bagong hahangaan

- Veronica R. Samio -
Nang una akong makatanggap ng release tungkol kay Gail Blanco na sa palagay ko ay galing sa isang humahawak kundi man nagmamalasakit sa kanya, naisip ko na sino kaya itong baguhang ito na agad ay isinasabong kay Regine Velasquez.

Pero, nang makita ko at marinig si Gail in person, sa launching ng kanyang debut album entitled "Utos Ng Puso", nasabi ko na hindi na pala siya dapat ini-ride on nun kay Regine. May sarili siyang kakayahan at talino na magbibigay sa kanya ng malaking pangalan in the future. Maswerte nga siya dahil kahit bago siya ay pinagkatiwalaan agad siya ng isang album ng MCA Universal. Idagdag mo pa na ang Primeline ni Ronnie Henares ang mangangalaga ng kanyang career. Walang dahilan para hindi siya sumikat.

Magaling kumanta si Gail. Mas mukha nga siyang artista o modelo kaysa singer. Hindi mo aakalain na sa likod ng kanyang kasimplihan at kagandahan ay nagtatago ang isang powerful at dynamic voice na dapat paghandaan ng mga tulad niyang baguhan o maging ng mga may pangalan na. Yung maraming entertainment press na nakamalas sa kanya ay manghang-mangha sa kagalingan niyang kumanta.

Kung sabagay, mayroon naman siyang pinagmanahan. Singer din ang kanyang ama kung kaya sa murang gulang nakakuha na ng impluwensya sa kanya si Gail.

Walong taon nang magsimula si Gail na kumanta. Sa gulang na 12, propesyonal na siya, kumikita ng pera sa pamamagitan ng pagkanta. Ang kanyang teen years ay napuno ng mga imbitasyon para kumanta. Naging lead vocalist din siya ng isang popular na banda sa Cebu, ang SRO, at nakuha para kumanta ng mga jingles sa kanilang lugar sa Visayas.

Pumunta siya ng Maynila para subukin ang kanyang kapalaran. Nang una siyang mag-apply kay Ronnie Henares para maging talent nito ay tumanggi ito. Pero, nang makapasok siya ng MCA Universal matapos mag-audition kay Chito Ilagan ay pinuntahan siya ni Ronnie ng personal at nagprisintang maging manager niya.

Lahat ng nakakarinig sa kanya ay nagsasabing madali siyang sisikat. Mabilis din ang pagsikat ng "Hindi Maglalaho", ang carrier single ng kanyang debut album. Sa takbo ng kanyang career, hindi na nalalayo ang tagumpay.
*****
Hindi iniisip ni Direktor Chito Roño na hindi papasok sa Magic 7 ng Metro Manila Film Festival Philippines ang Spirit Warriors 2, The Short Cut. Marami kasi ang nag-iisip na baka komo may Dekada ’70 na siya sa Star Cinema ay iitsa pwera na ng komite ng MMFF Philippines ang Spirit Warriors 2 na ginawa niya sa MAQ Productions. Siyam na pelikula kasi ang pagpipilian ng komite at pito lamang ang kukuning entry. Dalawa sa mga ito ay kay Direk Chito.

When asked kung alin sa dalawa ang gusto niyang makasama sa filmfest, walang gatol siyang sumagot ng "Silang dalawa. Kaya nga pinagaganda ko pareho ay dahilan sa gusto kong pareho silang makasali," aniya.

Matatandaan na naging biggest moneymaker sa filmfest ang unang Spirit Warriors na nagtatampok sa Streetboys. P80-M ang gastos ng Spirit Warriors 2, The Short Cut. Tampok ang limang myembro ng Streetboys na sina Danilo Barrios, Jong Hilario, Vhong Navarro, Cris Crus at Spencer Reyes.

CHITO ILAGAN

CRIS CRUS

DANILO BARRIOS

DIREK CHITO

KANYANG

RONNIE HENARES

SHORT CUT

SIYA

SPIRIT WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with