^

PSN Showbiz

Dolphy walang curfew sa shooting

- Veronica R. Samio -
Hindi pa naman natatagalan nang huling makasama si Dolphy sa isang filmfest.Ang entry niya ay ang Markova na hindi man matatawag na isang box-office success ay naging malaking tagumpay naman sa paghakot ng awards. Katunayan, nag-uwi siya rito mula sa ibang bansa ng Best Actor at Best Actress Awards. Sa kabila nito, sinabi niya na ayaw na niyang gumawa pang muli ng drama.

Ang entry niya para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival ay ang Home Alone D Riber, isang comedy ito na iba kaysa sa Home Along Da Riles. May pagka-environmental ang tema nito at naka-tie-up sa ‘Save the Pasig River’.

Tungkol ito sa isang ama na nakulong sa kasalanang hindi niya ginawa. Wala siyang ginawa kundi tumakas nang tumakas sa kulungan. After 15 years, nakalaya rin siya nang umamin ang tunay na salarin pero, ayaw na niyang magpakilala sa kanyang pamilya sa dahilang maganda na ang buhay nila.

Kasama ni Dolphy na gumaganap sa Home Alone D Riber sina Zsazsa Padilla, Vandolph, Jolina Magdangal, James Blanco, Michelle Quizon, Boy 2 Quizon, Eddie Gutierrez at Long Mejia, sa direksyon ni Ben Feleo.

Sa kagustuhan nilang makaabot sa deadline ay hindi na naglagay ng curfew si Dolphy maski na para sa kanyang sarili.

"Baka kasi masira lamang ang momentum kapag tumigil kami, itinuluy-tuloy na namin hanggang matapos. Kumuha na ako ng mga cottages sa Laguna (sa Laguna de Bay sila nag-location) para makatapos kaming makapag-pahinga ay sabay-sabay na kaming magtrabaho pagkagising namin sa umaga," anang comedy king.

Natawa kami nang ikwento ni Dolphy ang role ni Jolina na talagang pinilit niyang makasama sa pelikula. Mag-ama ang role nila at si Jolina ang napaka-hilig mag-artista. Double ito ni Michelle sa pelikula. Kung may eksenang sasampalin ito ay si Jolina ang sinasampal at kung may ihuhulog sa bintana ay si Jolina ang inihuhulog.

"First time ko ito na maidukdok sa cake," ani Jolina na inimbita rin ni Dolphy na mag-guest sa 10th anniversary presentation ng Home Along Da Riles Special na mapapanood sa Linggo, Disyembre 8, 8:30 n.g. sa ABS-CBN Channel 2.

Ang 2-1/2 hour special ay nasa direksyon ni Johnny Manahan. Tatampukan ito ng malalaking artista na gumaganap sa malalaking number. May duet si Dolphy kina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Zsazsa, Nova Villa at Jolina. May duet din sila ni Senador Noli de Castro.

Ang iba pang mga participants ay si Kris Aquino. Igi-grill naman ni Boy Abunda si Dolphy sa Conversations with Boy Abunda. Isa pang tribute ang manggagaling sa Pipol na maghahanap ng true-to-life Kevin Cosme. Kasali rin ang Maalaala Mo Kaya sa isang special segment anchored by Charo Santos-Concio. Sasaludo rin sina Eddie Garcia, Phillip Salvador, Gary Valenciano, Joyce Jimenez at ang cast ng Whattamen at Klasmeyts.

Makakasama ni Dolphy sa TV Special ang buong cast ng Home Along Da Riles – Nova, Smokey Manaloto, Dang Cruz, Angela Velez, Dennis Padilla at marami pa.

ANGELA VELEZ

BEN FELEO

BEST ACTOR

BEST ACTRESS AWARDS

BOY ABUNDA

DOLPHY

HOME ALONE D RIBER

HOME ALONG DA RILES

JOLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with